5 Nathaniel

393 21 0
                                    

Tony POV

Napatagal pala ang idlip ko, napasarap sa malambot na kama kaya balikwas ako ng bangon ng makitang madilim na sa labas, at ng tignan ko ang oras ay mag aalas syete na pala. Tinungo ko agad ang banyo para maligo.

Isinuot kong muli ang ripped short shorts at hot pink spaghetti strap top na suot ko kanina, para kasing ayaw ko pang galawin ang mga mamahaling bestida na nakasabit sa kabinet, pagkalabas ko ng pinto ay bigla na lang akong bumangga sa isang dibdib ng isang matipunong lalaki na dahilan upang muntikan na akong mapaupo kung hindi lang ako hinawakan sa braso ng lalaki nakabunggo ko. Gulat na napatingala ako at nanlaki ang mata ng makita ang lalaking bumunggo sa akin. Titig na titig din siya sa akin. Nagkatitigan kami at nanlaki ang mata ko sa kanya.

Siya nanaman?! Kilala ko siya! Paano!?

"I-ikaw? Ba-bakit nandito ka?! Anong ginagawa mo d-dito?" Gulat na gulat na tanong ko.

Gulat din ang rumehistro sa mukha ng binata at nakakapangilabot ang paninitig niya kaya hindi ko iyon natagalan. Napayuko at doon ko lang napansin ang kamay niyang nakahawak pa din sa braso ko, hinaltak ko iyon pero hindi niya ako binitawan kaya tinignan ko siya ng masama na titig na titig pa din sa akin.

"The almost naked and clumsy promogirl slash waitress." Nakakunot ang noo na sabi nito na nagpatalim ng mata ko sa sinabi niya.

"Sabi ko sa'yo 'yun ang uniporme ng alak na binebenta ko, okay?! Anong ginagawa ng naghahari-hariang gaya mo dito?! Teka, Bitawan mo nga muna ako!" Naiinis na sabi ko at tinggal ang kamay niya na habang tumatagal na nakawak sa akin ay nakakakuryente na.

"Anong ginagawa mo dito sa bahay ko?" Nagtatakang tanong ko ng pinakawalan na niya ako.

"Bahay mo?! Dont tell me you're Tony Santiago-Ferrer?!" Matalim ang naging boses niya sa pagtatanong na iyon na para bang hindi siya makapaniwala na ako pala ang babaeng hinahanap nila. Tinaliman ko din siya ng tingin kahit na ba kakaiba ang hatid ng nanlilisik nitong titig sa akin. Nakakakaba.

"Oo! a-ako nga 'yun! Ikaw sino ka ba?!" Aniko habang nakahalukipkip at pilit pinapakalma ang sarili ko. Nagririgudon na kasi ang puso ko sa kakaibang kabang nararamdaman ko kapag ganito kalapit ang lalaki.

"King Nathaniel Vernal." Anito na nagpalunok sa akin. Ang ganda kasi ng baritonong boses nito habang sinasabi ang pangalan niya na pakiramdam ko ay may bumura sa lalamuanan ko.

Muli kaming nagkatitigan, napaatras ako ng mapansing hindi matitinag ang binata at kaya nitong makipaglaban ng titigan kahit matagalan pa.

"I-ikaw ba ang isa sa mga anak anakan ni l-lolo? Ang makakasama ko dito?" Tanong ko kahit alam ko ng tama ang kutob ko.

"The one of the five, Miss Ferrer." Mahinahong anito sa akin, kabaligtaran ng pagkataranta ko.

Shit! Bakit ang mayabang pa na ito ang makakasama ko!? Ang liit ng mundo! At ito kaya ang kapalit na kamalasan ng swerte ko kanina?

Hindi ko mabilang kung ilang segundo ang lumipas na magkatitigan lang kaming dalawa.

"Oh Nate! Nariyan ka na pala, nagkakilala na ba kayo ni Tony? Tara na sa hapag, nakahain na ang hapunan. Naroon na ang iba." Ani Attorney Sioson na nagpatigil sa titigan namin ng lalaki, bumaling ako kay attorney ng magsalitang muli ang binata.

"Yeah, We met before attorney. I didnt know that she's the girl we are looking for." Sabi ng lalaki na nagpalingon sa aking muli sa kanya, matiim pa din siyang nakatingin sa akin kahit na sumasagot siya sa tanong ng abogado, umirap ako sa binata at lumapit kay attorney.

The Dangerous DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon