1 Poor me

6.6K 119 10
                                    

Tony POV

"Anak ng teteng naman oh!" Naiinis at napapakamot sa ulong hiyaw ko ng makita ko ang gamit ko na nasa labas na ng inuupahan kong maliit na apartment.

"Hoy Tony! Alisin mo ang mga gamit mo dyan at malapit ng dumating ang bagong rerenta!" Ani Aling Bebang habang pinagtuturo pa ang kakakurampot kong damit at isang electric fan na maliit.

Ginagap ko ang kamay ni Aling Bebang at tinignan ko siya ng buong pagmamakaawa.

"Aling Bebang... baka naman pwede pa kahit isang buwang palugit, promise babayaran ko kayo agad sa susunod na buwan!" Pagsusumamo ko sabay  luhod sa harapan ng matandang masungit.

"Isang buwan na lang Aling Bebang! Wala lang talaga akong matitirahan!" Pagmamakaawa ko sa matanda. Pero malakas niya lang hinampas ang kamay ko kaya tuluyan ko na siyang nabitawan.

"Hoy Tony! Tigil-tigilan mo ako! Anong akala mo sa akin, kumukopkop ng mga palaboy! Putang 'to! Nagnenegosyo ako dito!" Sigaw ni Aling Bebang, dahilan para magsilipan sa bintana ang ilang tenant kong kapitbahay. Mabilis ang naging bulong-bulungan nila na ikina-init na ng ulo ko. Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaluhod at matalim na pinasadahan ng tingin ang mga tsismosang kapitbahay. Sumosobra na si Aling Bebang para ipahiya ako ng ganito at lalo na ang mga paratang nito na hindi ko na masikmura. Kahit na isang kahig, isang tuka ako ay may dignidad pa naman ako. Napahawi ako ng buhok ko habang pilit pinapakalma ang sarili para hindi ko masampal ang matandang nagpapakulo ng dugo ko.

"Kung wala kang pambayad, lumayas ka na! Ano pang itinatayo-tayo mo dyan?!" Singhal ni Aling Bebang na nagpapatid na pisi ko.

"Talagang aalis ako! At isaksak ninyo sa baga niyo iyang bulok niyong apartment! At para sa kaalaman mong huklubang matanda ka! Hindi ako puta! Ikaw lang ang mukhang nagputa sa ating dalawa! At hindi negosyo ang tawag sa mabahong apartment mo! Panghuhuthot ang tawag dyan!" Nanggagalaiti na aniko sabay pinagkukuha ko ang gamit ko at di na pinansin ang sigaw ng galit na galit na si Aling Bebang. Mabilis ding umalis ako sa lugar na iyon at naglakad sa kalsada bitbit ang kakakurampot kong gamit.

Kinapa ko ang bulsa ko habang hawak-hawak ang electric fan ko at kipkip ko naman sa isang bag ang mga damit ko. Nanlulumong tinignan ko kung magkano na lang ang pera ko. Three hundred fifty pesos. Pagbilang ko sa laman non.

Putcha! San ako dadalhing ng three hundred fifty pesos?!

Napabuntong hininga ako ng malalim sa kawalan ng pag-asa. Natagpuan ko na lang na tinitungo ko na ang apartment ng kaibigan ko si Emma sa Tondo. Nagkakilala kami ni Emma sa isang raket na pinagtrabahuhan ko at simula noon ay naging magkaibigan na kami.

Pagkatapat ko sa pinto nila ay nag-aalangan pa akong kumatok ng biglang bumukas ang pinto at lumabas doon ang humihithit ng sigarilyo na si Emma.

"Oh Tony! Anong gingawa mo dyan? Bakit may dala kang electric fan!?" Tanong niya habang humihithit sa sigarilyo niya at nakatingin sa bitbit kong gamit.

"Ah Ems... kasi napalayas ako sa inuupahan ko e... b-baka naman pwede makituloy hanggat di pa ako nakakahanap ng malilipatan?"  Nahihiyang tanong ko. Nakita ko siyang napatitig sa akin at napailing-iling. Halata ang awa sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Tinatanong pa ba 'yan?! Syempre welcome ka dito. Pasok ka Tony! Medyo magulo nga lang dito, alam mo na... kapag may kapatid kang lalaki, lahat nakakalat." Ani Emma habang nauna ng pumasok sa loob at pinupulot ang mga nagkalat nilang pinaghubarang damit.

"Pasensya ka na Ems ha... wala na kasi akong malapitang iba. Pangako, babayaran ko din ang pagtigil ko dito." Nahihiyang sabi ko habang inililibot ang tingin sa maliit na apartment niya.

The Dangerous DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon