3 360 degree Turn

946 39 3
                                    

Tony POV

Kakatapos naming maglinis ng bahay ni Ems, araw ng sabado at wala pa din akong nakukuhang trabaho simula nung matanggal ako bilang waitress, dalawang araw na ang nakakaraan. Nakarinig kami ng malakas na katok sa pintuan, agad iyong nilapitan ni Ems.

"Tony, may naghahanap sa'yo!" Sigaw sa akin ni Ems, nagtatakang lumabas ako ng kusina at iniwan ang ligpitin ng pinagkainan namin. Nakita ko ang may katandaang lalaki, makisig pa din itong tignan sa suot niyang suit at kahit may edad na. May dala itong attache case na itim, mukha siyang propesyunal. Ngayon ko lang siya nakita sa tanang buhay ko kaya nakakunot ang noo ko sa kanya.

Hmm.. mukhang madatung ang matanda!

"Magandang umaga, Miss Tony Santiago-Ferrer?" Anas ng matanda na nakatingin sa akin.

"Ah opo, sino po sila?" Nagtatakang tanong ko.

"I'm Attorney Sioson of Sioson Law firm, and I'm here to represent the late Emilio Romantico, do you know him?" Naguguluhan akong umiling sa kanya.

"Are you the daughter of Alessa Santiago and Romeo Ferrer?"

"Opo, sila po ang magulang ko." Naguguluhang sagot ko pa din

"Well then, I'm here to read you the last will and testament of your late greatgrandfather." Aniya na lalong nagpukot ng noo ko.

"Greatgrandfather?! Will and testament?! Teka...Ibig bang sabihin may lolo ako na hindi ko nakilala tapos patay na? Kelan s-siya namatay?" Naguguluhang tanong ko

"He passed away three years ago. Your greatgrandfather is looking for you all his life! You see his daughter, Emily Romantico eloped with a certain Calid Santiago and they bear a child and lived in Cebu, they named her Alessa, your mother. Nahirapan kami sa paghahanap sa nanay mo dahil maagang nag-asawa ang nanay mo at umalis ng Cebu. Ng namatay si Emily at ang asawa niya ay nawalan kami ng lead patungkol sa'yo. Ng matagpuan namin ang nanay mo nalaman namin na hindi na kami umabot at ang apo na lang ang natira. Your greatgrandfather and I have been looking for a boy all our lives because of your name being Tony, kaya natagalan kaming matagpuan ka. Hindi pa nakatulong na palipat-lipat ka ng tirahan at hindi ka rin sa ospital pinanganak. You don't have any hospital records kahit government records, wala. We had a breakthrough ng malaman namin na babae ka at bumalik ka dito sa Manila. Nakamatayan na ng lolo mo ang paghahanap sa'yo." Mahabang kwento nito at animo'y lumungkot ang tinig nito sa mahabang kwento niya. Sandali akong natigilan habang mabagal na pinoproseso ng utak ko lahat ng sinabi ng matanda.

"May iba pa ba akong kamag-anak?" Tanong ko habang hindi ko maintindihan kung matutuwa dahil nalaman ang pinagmulan ko o malulungkot dahil wala na pala ang lolo ko bago ko pa makilala.

"Kaya hinahanap ka ng lolo mo dahil ikaw na lang ang nag-iisa niyang kadugo Miss Tony. Pero meron siyang naging anak-anakan na kasalukuyang namamahala ng iniwang rancho ng lolo mo. Sila rin ang nagpatuloy ng paghahanap sa'yo, pinamanahan ka ng isang rancho ng lolo mo, pwede kang manirahan sa bahay at pamahalaan ang rancho." Ani ng matanda na ikinalaki ng mata ko.

Putcha! Rancho?! May rancho ako?!

"Kung sasama ka sa akin ngayon ay dadalhin kita sa Villa Romantico. Ang isa sa mga pinakamagandang rancho sa bayan ng Santa Leon." Nakangiti at buong pagmamalaking saad sa akin ng matandang abogado. Biglang nagpalagutok si Emma ng buto niya sa kamay na nagpalingon sa amin sa dalaga.

"Saglit lang! Baka naman ginogoyo mo kami ha, tanda?!Baka budol-budol ito?! Scammer ka ba?! Wala kaming pera! Wala kang mahihita samin bukod sa gandang babae lang at magandang katawan! Pero sinasabi ko na sa'yo, kilala ko ang siga ng purok tres! Kayang-kaya kang itumba non!" Banta ni Ems habang ngumunguya ng bubble gum niya at nakapameywang sa matandang lalaki. Napatawa naman ang matandang abogado at mukhang hindi niya dinamdam ang sinabi ni Emma. Binuksan ng matanda ang hawak nitong attache case at inilabas ang papeles na naroon. Iniabot niya sa akin ang mga katunayan ng will and testament, naroon din ang mga birth certificate ng mga magulang ko at lola at lolo ko at pati na din ang death certificate. Pati si Emma ay nakibuklat sa mga papel na iyon at sinusuri kung totoo.

"Ibig bang sabihin mayaman itong si Tony?!" Ani Ems habang di makapaniwalang nakatingin sa hawak niyang will and testament.

"We can say that Miss Tony is well off, Nate and the others will provide everything she needs, you can work in the ranch if you want to involve yourself. But you dont have to worry, Nate takes care of everything." Anas ng matanda na ikinatingin namin ni Emma sa isa't-isa.

"Sinong Nate?!" Tanong ni Ems.

"Your greatgrandfather left him in charge of the Villa Romantico. Miss Tony, meron nga pa lang kondisyon ang lolo mo, pero tsaka ko na iyon sasabihin sa'yo. I want to warn you that there are instructions in the will and testament that you need to follow if you want to stay at the ranch and have all the luxury that comes with it. Pero kayang-kaya mo naman iyong gawin. Do you want to see your new home Miss Tony?" Ani ng abogado, medyo kinabahan ako sa sinabi niya pero sino ba ako para tumanggi? Kahit ano pa ang kondisyon kung ang kapalit ay hindi na ako maghihirap sa buhay ko, aarte pa ba ko?!

Tiningnan ko si Ems at nagniningning din ang mata niya, nagkangitian kami at nauwi iyon sa tilian namin at hawak kamay na nagpatalon-talon kamisa sobrang tuwa.

"Di ako makapaniwala Tony! Anak ng tokwa! Ikaw na ang swerte, bakla ka!" Ani Ems habang nagtitili muli.

"Pusang gala! Di rin ako makapaniwala!" Aniko at niyakap ko si Ems sa kagalakan.

"Tangna!Ang swerte mong bakla ka! Sumama ka na, balitaan mo na lang ako ha!" Sabi ni Ems at tinulak ako papunta kay attorney. Pero mabilis na niyakap ko si Emma.

"Salamat sa lahat ha Ems! Hindi ko makakalimutan ang mga naitulong mo sa akin! Isa kang tunay na kaibigan. Babalik ako ha." Aniko habang napaluha na sa sobrang pasasalamat sa kaibigan ko.

"Ang drama mo naman bakla! Alam mo naman parang kapatid na ang turing ko sa'yo! Oh siya sige na! Sumama ka na kay tanda." Ani Ems habang luhaan at nagpupunas ng sipon niya. Di mapagkaila ang lungkot sa mukha niya. Mukhang siya nga ang mas madrama kesa sa akin.

"Let's go Miss Tony?" Ani ng abogado at muli kong inakap si Ems bago sumama ako kay attorney. Tinulungan ako ni Ems na iempake ang kakarampot kong gamit.

"Ano pa bang hinihintay natin attorney. Gora na ko sa bagong bahay ko!" Masayang ani ko na nagpatawa lang sa matanda. Kinawayan ko pa si Ems bago pumasok sa magarang kotse ng matandang abogado.

Ito na ba ang swerteng hinihintay ko?! Thank you Lord! Thank you lolo, sana naabutan pa kita, sayang...

The Dangerous DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon