First

16 18 0
                                    

Capricon's

[Italic- Korean]

*kriing* *kriing*

"What's happening?"

Tumayo ako sa pagkakahiga at pinulot ang boxer short ko sa sahig para kausapin ang mga tauhan ko. Naramdaman ko pa ang paghaplos ng malambot na palad galing sa babaeng katatapos ko lang laruan. She's a slut, so I should treat her as is. She alreary knew that I'm done with her but she keeps on bugging me. Pag hindi na nga ako nakapagtimpi, I'll shut her down.

"Boss, unti unti ng bumabalik ang mga pinababantayan mo sa amin. Nasa Oracle Ground na ang iba at ang kulang pa ay pagkakaalam namin ilang araw na lang ay nandito na." Sabi ng kausap ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng malanding babaeng ito saka pinilipit at tiningnan siya ng masama bago ako lumabas ng sa veranda at nagsindi ng sigarilyo.

So, bumalik na pala sila? Hindi man lang ako nainform. Well, mukhang unti unti na ding babalik ang lahat. Kailangan ko na din bumalik.

Tapos na ang dalawang taong paghihintay. Hindi ko na kayang maghintay pa ng mas matagal para lang sa kanila. Masyadong nagpapakampante ang lahat ngayon sa nangyayari kaya ito ang magandang pagkakataon para magkaroon ng napakalaking sorpresa.

Paradise Lost will now open for us. Again.

"Keep your eyes to them. I'm going back."

"Yes, boss."

Binaba ko na ang tawag at napangiti na lang sa kawalan.

We're going to start. And this time, I'll shut everyone's life down.

-

Kabababa ko pa lang ng eroplano ay ramdam ko na agad ang mga matang nakamasid sa akin. Kung babae ang mga ito ay hindi ko pa mapapansin pero dahil iba ang awra na bumabalot sa mga taong ito, ramdam ko ang presensya nila.

Tiningnan ko ang lalaking 'bodyguard' ko at inabot ang mga dala kong bagahe saka nagpatuloy sa paglakad.

"Good day! Welcome to the Philippines!"

Napatawa ako sa nagsalita sa speaker. Good day? What's good in this day? Buti sana kung babalik na siya ay talagang magiging masaya. Hindi lang ako, kundi pati sila.

-

Scorpio's

"Maawa po kayo sakin! Hindi ko sinasadya na mabunggo kayo!" Pagmamakaawa ng isang ting ting na lalaki habang nakaluhod sa harap ng mukhang gagong lalaki. Kanina ko pa gustong makisali pero hindi maganda sa isang tulad ko na makihalubilo sa mga mabababang tulad nila.

"Maawa? Wala sa bokabularyo ko ang salitang yan!" Sigaw ng nagmamatapang na lalaki. Nagtataka nga ako kung bakit takot sa kaniya ang mga tao dito sa lugar na to samantalang isang suntok ko lang ay tumba na siya. Tss. Mga tao nga naman ngayon mga duwag. Pinangungunahan ng takot. Hampas lupa.

Aalis na sana ako dahil napagtanto kong sayang lang sa oras ang mga taong tulad nila pero napatigil ako sa narinig ko.

"Scorpio maawa ka!"

Scorpio.

"Ha. Ha. Hahahahahahaha!" Puta. Ang gago nagpapanggap pa lang ako. Nakakatawa. Ang lakas ng loob niyang magpanggap na ako. Did he have a death wish already?

Hinawakan ko ang kwintas ko habang nakatitig sa mga hampas lupang kinaya ng bituka na magpanggap na ako. Pwera sa mask naming mga zodiac na kailangan naming isuot para itago ang pagkakakilanlan namin, isa ito sa nagpapatunay na kami ay totoong zodiac.

Unti unting yumabong ang galit ko sa mga hampas lupa ng makita kong pinahihirapan nila ang duwag na lalaki kanina.

I should be the one who's doing that. How dare them!

Dinukot ko sa suot kong pantalon ang mga steel pellet na parating nakatago sa akin. This should be for their welcome party. Pero akalain mo nga namang may mangunguna sa party na iyon. Matagal tagal din akong nanahimik kahit na gustong gusto ko ng patayin ang lahat ng nandito. Ayoko namang gumawa ng palabas ng wala ang mga importanteng tao sa lugar na ito. Ayokong sayangin ang kakayanan ko para lang maipakita sa mga hampas lupang estudyante dito kung ano ang kaya kong gawin. Nagkakamali sila ng pinasukang eskwelahan. Well, this isn't a school. This is hell. Dahil hindi pag aaral ang mangyayari sa impyernong ito.

Gang war.

But this time, this is not a simple gang war. This is a Gang war with a Death game.

-

Aries'

"Anong ginagawa natin dito?" Mahinang tanong Virgo habang nakasunod sa akin.

Maaga ko siyang pinuntahan para sa gagawin kong plano dahil nararamdaman kong may kakaibang mangyayari sa susunod na araw. Kailangan naming masiguro kung sino sino ang darating upang hindi na kami kailangan pang manghula kung sino at makagawa na agad kami ng plano kung sakaling may mangyayaring hindi maganda. Kung kinakailangan pa naming pasukin ang office ng president ay gagawin ko para lang masigurong ligtas ang lahat.

"Virgo, you know what will I do. I just need your cooperation." Mahina kong sagot habang maingat na pinipin lock ang pinto ng drawer kung saan nakalagay ang mga bagong enroll ng school nila. Pero bigo siyang mabuksan ito. Isa sa pinakaayaw ko ang masinsinang gawain. Tss. Hinarap ko si Virgo na ngayon ay inosenteng nakatayo lamang sa likuran ko.

"Virgo."

"Okay! Okay! Pero ito na ang last mong panggugulo mo sa akin! Kulang na kulang na ako sa tulog ng dahil sayo! Pati pagkain ko nga kinakain mo na tapos an---"

"Ang ingay mo! Mahuhuli tayo sa ginagawa mo eh! Shhh ka lang! Buksan mo na lang to!" Pasigaw na bulong ko dito. Kahit kailan talaga napaka ingay niya! Tss. But anyway, kailangan na naming bilisan dahil baka maabutan na kami ng president!

"Okay okay."

Saglit lang nitong kinalikot ang lock at nabuksan na agad. That's not new to me. Kahit ata volt ay kaya nitong buksan within a minute.

Agad akong lumapit at kinuha ang mga documents saka binasa. Kung sakaling totoo nga ang naiisip ko. Kailangan pati kami ay mapasok sa impyernong ito. Hindi kailan man magtatagumpay ang balak ng zodiacs na ang hangad lang ay ang titulo.

Kung naririto lang siya, walang mangyayaring masama sa lugar na ito. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na iyon maayos pa rin sana ang lahat dito.

"Ano? Sino ang mga papasok?"

"Kumpleto ang lahat." Seryoso kong sabi dito habang binabasa ng paulit ulit ang listahan ng mga nagenroll sa impyernong ito. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Dumaan na ang dalawang taon ng tahimik ang lahat. Bakit ngayon lang sila kikilos?

"Sinong lahat? What do you mean by tha--- HOLY COW! Do you mean all of them?! What the fvck. We need to get out of here. Let's move." Seryoso din nitong sabi and trust me when I say na mas nakakatakot siyang magalit kaysa kay Sagittarius.

"Yeah, we better move now. Our chess game is now begin."

PandemoniumWhere stories live. Discover now