Third

13 18 2
                                    


Seleandra's

Halos mangilabot ako sa nakikita ko ngayon. Isang bangkay...na walang ulo. Hindi ko magalaw ang mga paa ko sa kinakatayuan ko habang nakatitig dito. Parami na ng parami ang nakikiososyo sa lugar kung nasan ang bangkay. Ang iba ay nagulat at natakot pero karamihan sa kanila ay nakangiti. Na parang isang magandang palabas ang nakikita nila ngayon. Na parang sila ang may gawa ng pangyayaring ito.

"Kung sino man ang may gawa nito siguradong gusto niyang simulan ang lahat."

"If he or she is one of the them hindi na nakakapagtakang magsimula nga ang war."

"Pero kung hindi naman, paniguradong bukas na bukas ay wala na din siyang ulo."

Samu't saring komento ang narinig ko mula sa mga estudyanteng nakikiososyo sa naganap. Ni wala ngang naglakas ng loob na tulungan ang kaawa awang taong ito. Hindi tao ang may gawa sa pangyayaring ito. Pero wala din naman talagang tao sa lugar na ito.

"Everyone you may proceed to your dorm."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa gitna ng pangyayari. At sa pagkakakilala ko dito, siya si Ezekiel Feliciano, ang four consecutive year na vice president ng school na to. At kilala ito bilang isang striktong tao. Oo nga't mga halimaw ang nag aaral sa lugar na ito pero takot ang lahat sa batas ng lugar na ito na ang president ang gumawa.

'Break a rule. Break a leg.'

And its not an idiomatic expression. In reality ang ibig sabihin nun. Na kapag sumuway ka sa isang rule ay humanda ka ng mawalan ng paa. In my past years here, buwan buwan may nawawalan ng paa at linggo linggo namang may namamatay. I'm not being exaggerated or what, totoong linggo linggong may namamatay dito. I don't know why, pero walang rule sa lugar na ito na bawal pumatay. But there's a rule na if someone caught you killing someone else, you will also be killed by that someone who saw you. And if that someone saw the entire event didn't kill the culprit, she/he will also be killed by the president. That's why if you want to kill someone make sure that no one will knows.

Magulo, oo. Pero ganon ang rule ng lugar na ito.

"How about you, Ms. Gregoria? Are you not going?" Maawtoridad na sabi nito habang matiim na nakatitig sa akin. So he knows me? What a compliment. I just smile at him then leave.

No one can rule this place but them.

-

Allen's

I stare at the girl walking fast through her dorm. I somehow grateful that there will be a new toy for us. She bump into a situation that she can't ignore. Masyadong maraming taong nasasabik sa panibagong larong magaganap dahil lahat nabalitaan ang pagbabalik nila. Hindi ko man sila kilala, alam kong isa sila sa mga taong nakakasalubong ko sa araw araw.

"Allen, ilang degree ang aabutin ng mata mo dyan sa bintana? Baka sakaling isa kang makapangyarihang tao!" Sigaw ng lalaking kanina ko pa din gustong katayin. Simula ng bumalik siya galing sa probinsya ay parati na lang niya akong pinagtitripan. Which is not good for him. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay baka simula pa lang ay pinaglalamayan na siya.

"Shut up, Bryx." Saway naman ng babaeng kanina pa tahimik, Patricia.

Sa lahat ng nakilala kong babae, siya lang ang kilala kong ayaw sumama sa kapwa babae. At mas gugustuhin na lamang niyang makipaglaro ng Uno samin kaysa makihalubilo sa mga maaarteng babae.

Sila Bryx Anteno at Patricia Romero lang ang masasabi kong kaibigan sa lugar na ito. Ayoko din kasing makisama sa iba na ang habol lang sakin ay mataas na grades. Lalo na sa Math. Tss. Kaya nga ang parating asar sa akin ng lalaking ugok na ito ay may kinalaman sa numbers dahil alam niyang bawat anggulo ng bagay ay kaya kong kompyutin.

PandemoniumWhere stories live. Discover now