Aerope's
"Ae, where heading now to your new school. Your dad told me to enroll you now before the enrollment ends. He also asked me to look after you because you need a very huge adjustment to your new school. Magkaibang magkaiba ang pagtuturo sa states kaysa dito sa Pilipinas, so be good okay? Your dad is really busy sa company kaya ako lang ang naghatid sayo." Paalala ni Mommy Myn sa akin habang nagmamaneho.
Ginising niya ako ng maaga kahit na may jetlag pa ako. Mahaba haba din ang binyahe namin pauwi dito sa Pilipinas. At kulang na kulang pa ko sa tulog, pero dahil tungkol naman yun papasukan kong school ay okay lang. Isang taon din ang itinigil ko para lang makapag aral ulit. Kung hindi ba naman kasi magkaroon ako ng sakit sa kalagitnaan ng semester namin na kinailangan ko pang tumigil at magpagaling.
Hindi na din maganda ang record ko sa university na pinapasukan ko dati dahil sa kalokohan na ginagawa ko na sinamahan pa ng parating late. Kaya kailangan ko ng lumipat ng school kung saan hindi magiging hadlang ang pagiging late ko parati. At sabi ng Daddy Cliff ko isang school lang daw ang alam niyang pwede kong pasukan sa pilipinas na ang oras ng pasok ay eleven o'clock at pwede ka pang mag dorm. Which is, madalang na lang sa nga school dahil as I all know dalawa lang ang pinagpipilian ng estudyante, pang umaga or pang hapon.
Kailangan na din naming bumalik ng Pilipinas dahil dating nabaon sa utang si Daddy Cliff na kahit papaano ay nagawan niya ng paraan para mabayaran. Ayaw naman naming mabuhay sa states na may kahihiyang dinadala sa aming pangalan. So we better go back here in Philippines and start a new life and a new beginning.
"Mom, hindi ko naman na kailangan mag dorm. I can always commute if ever na busy kayo ni Dad. Or you can hire me a personal driver na lang para hindi hassle sa oras. I don't want to live there." Naiinis na sabi ko habang naglalaro ng twenty sa phone ko. As much as possible ayokong doon mamalagi. I can't and I won't.
"Aerope Preza Gonzales, you need to understand us. Busy kami ng Daddy mo sa pagpapalago ng new business namin, so hindi ka na namin maaalagaan. There, at your new school, kahit wala kami they will always check if you're okay. And also, I don't want to give you a chance to cut your classes like what you did before. So please, cooperate with us, Ae." Mahabang sermon nito. I understand them naman pero...
"And please Ae, h'wag mong dalhin sa P. University ang ugali mong pagiging isang detective. Because first of all, you're not. Tigilan mo na kasi ang panonood ng mga ganoong klase ng palabas." She frustatedly said. Tinigil ko naman ang paglalaro at tumingin sa dinadaanan namin. Kung titingnan para na kaming nasa probinsya sa dami ng patag na palayan at punong nakikita sa dinadaanan namin. Kanina pa din kami bumabyahe ni Mommy at feeling ko naliligaw na kami.
"Mom, are we lost? And what the hell P. University is? Napakalayo naman niyon sa kabihasnan."
"That's why I'm telling you to stay there dahil malayo talaga ang lugar na yun. And no, we're not lost. I've been already there for almost four times last three years ago." Sabi nito habang nakatingin lang ng diretso sa kalye.
"By the way, Ae."
"Hmm?"
"Please be careful there okay?"
Napangiti na lang ako dito at tumango. I'm always careful.
"We're here." Sabi nito makalipas ang ilan pang minuto. Hindi naman ito tago di tulad ng nababasa niya sa mga storya na minsan nasa gitna ng gubat ang school na hindi ganoon kilala. Wala ding kakaiba dito, parang ordinaryong school lang. Malaki at mukhang malinis.
"Sasamahan mo pa ko sa loob?"
"Hindi na. Nasa harap kasi ng school ang admission office so kailangan ko pa ulit umikot." She said while getting my bags out of the trunk.
YOU ARE READING
Pandemonium
Mystery / ThrillerThe school of Hell or also called 'The paradise Lost'