Seventh

18 4 0
                                    


Aerope's

"Grabe pala ang nangyari kay Francis kahapon! Natagpuan daw siyang wala ng buhay habang nakasabit sa flag pole sa likod ng councilor's office."

"Balita ko din. Sabi ng iba ang totoong scorpio daw ang may gawa noon."

"Imposible. Kilala naman ng lahat ang ugali ni scorpio. Aantayin niya munang kusang lumapit sa kaniya ang taong nagpapanggap na siya bago niya patayin. Pero si Francis, ilang minuto lang ay wala na."

"At saka hindi brutal ang pagkakapatay kay Francis. Pagkakaalam ko ay isang pana daw ang nakatarak sa lalamunan niya."

"Si sagittarius?"

"Nako imposible din! Tahimik na si sagittarius!"

Nakikinig lang ako sa mga usapan sa paligid habang tahimik akong kumakain sa tabi. Tago ang pinagpupwestuhan ko kaya naman walang basta basta makakakita sa akin. Alam ko namang pagiinitan na naman ako ng lahat pero dahil hindi pa magaling ang mga injury ko hindi na muna ako maghahanap ng gulo. Mahirap na, baka mamatay pa ko. Tulad ng pinaguusapan ng lahat ngayon. Kahit papaano ay naiintindihan ko ang pinaguusapan nila. May lalaking namatay dahil sa panang nakatarak sa lalamunan na nakasabit pa sa flag pole. Grabe! Hindi pa daw brutal yun!

Ang hindi ko lang masundan ay kung sino ba iyong lalaki. Mukha kasing napakalaking issue niya sa lahat. Well, ano bang hindi lalaking issue kung patayan ang pinaguusapan.

Well again, kakain muna ako para may energy naman ako. Muntik na kong mategi kahapon kaya kailangan araw araw busog. Baka bukas o mamaya ay wala na ako tulad nung lalaking pinaguusapan nila.

"Huy!"

"Ay puta!"

Naibuga ko ang pasta ng may isang punyetang kabute ang lumitaw sa harapan ko. Sa lahat ata ng taong nandito ay siya ang may pinakamatalas na mata! Kanina pa ko nandito pero walang nakakapansin sa akin, natatanging siya lang! Anak ng tupa!

"H'wag mo ng isipin kung bakit kita nahanap! Kung isa akong moving target ay ang pagpupwestuhan ko ay yung mga tagong lugar. Kaya naman sa sulok ko agad naisip pumunta dahil nagbabakasakali akong nandito ka. Talino ko diba? Feeling ko ako na si Allen!"

At muli, naibuga ko ang kinakain kong pasta dahil sa sinabi niya. Nope, dahil sa pangalang binanggit niya! Tanggap ko na ngang nandito ang makulit na lalaki na 'to pero kung idadamay pa ang isa pang lalaki na iyon ay sumusobra na! Kakasabi ko lang nung first day na hindi ako pinanganak para pahirapan pero sa ginagawa nilang lahat ay mukhang ito talaga ang nakatadhana sa akin!

"Pwede ba manahimik ka na? You see? I'm eating. Please lang gutom ako." Inis kong sabi dito. Nakita ko naman sa likod niya ang parating kasama niyang babae na may kausap na isang lalaki. At muntik ng manlaki ang mata ko ng makilala ko siya!

Siya yung proxy guard!

"Kuyang guard!" Sigaw ko sabay kaway ng tumingin siya sa akin. Pero sa halip na kumaway pabalik ay nanakbo ito palayo kasabay ang babaeng... pinagtataguan ko noong nakaraan. Omf! Baka ngayon na siya babalik sa panghuhunting sa akin!

"Bakit mo naman tinakot si Clark! Ang bait bait kaya nun! Nako, lagot ka kay Rossaline dahil don."

"First day pa lang tinakot na ko ng babaeng yun. At saka wala akong kasalanan sa nangyari. Nagulat lang ako kaya nahampas ko siya tapos OA lang yung girl kaya natulak ko." Dipensa ko sa sarili ko. Aba ayoko sa lahat ay yung pagbibintangan ako lalo na ang tinatakot ako. Pinanganak akong matapang kaya mamamatay akong matapang no!

"Ikaw pala yung kinwento ni Clark sakin na cool na babaeng magaling mangarate." Biglang sabat ng babaeng kasama lagi ng makulit na lalaki.

Fine, I'm going to call them by their names. Ako din ang nahihirapan eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PandemoniumWhere stories live. Discover now