Aerope's
Tulad ng kahapon matiwasay akong lumabas ng dorm pero agad din nalusaw iyon dahil nakakuha na naman akong nakakuha ng atensyon ng magsimula ng dumami ang estupidyante sa hallway. Hindi ko na lang sila pinansin dahil badtrip ako dahil kagabi pagtingin ko sa face ko ay may sugat! Muntik ko pa ngang basagin ang salamin kagabi dahil don! Ni hindi nga ako nahahawakan ng madiin nila Mommy at Daddy tapos ganon gagawin sakin dito? At ang malala hindi ko alam kung kailan matatapos ang target kuno ng mga sinto sintong estupidyante dito.
"Hi Ms. New student! Mag isa ka lang ba? Ay oo! Gusto mo sumama sakin papuntang canteen? Talaga? Oo? Tara na!"
Halos mapatalon ako mula dito hanggang Olongapo dahil sa lalaking walking microphone ata sa sobrang lakas ng boses. Napansin ko pa ngang maraming umalis sa paligid ko. Siguro dahil narindi din sila sa lalaking to.
"Who you?" Hindi ko tinago ang pagkairita ko ng tanungin ko ito. Pero sa halip na makaramdam siya ay nginisihan lang ako nito ng malaki at nagpatuloy pa din sa pagsasalita niya.
"Ako nga pala si Bryx Devior Anteno, the one and only!" Sigaw pa nito. Nang lingunin ko ang nasa paligid ay halos wala na kong makitang tao. Tanging isang babae lang na nasa hindi kalayuan na halatang nanonood dito samin.
"I don't care. Back off."
"Nako kailangan kitang samahan dahil ang aking walking killer alarm clock ay hindi ako titigilan hanggang sa hindi niya ko nakikitang kasama ka. At dahil isa akong mabuting mamamayan na ayaw pang mamatay ay sinunod ko ang alarm clock ko. Kaya wala ka ng kawala sa akin." Masigla nitong sigaw. Kung hindi lang siya gwapo ay baka napagkamalan ko na itong may sayad. Pero pwede din namang may sayad siya kahit gwapo. Pero may sayad talaga siya.
"Gusto mo ba iexplain ko sayo kung paano ako ginising ng walking killer alarm clock ko?" Tanong nito sa akin pero sa halip na sagutin siya ay nilampasan ko na lang siya at naglakad na ulit. Mamaya pang alas dose ang klase ko at alas nuebe pa lang ngayon kaya mahaba haba pa ang oras ng paglilibot ko. Ayokong matulad sa ibang new student na may paligaw ligaw effect pa tapos yung pagtatanungan nila ay yung makakatuluyan na nila sa dulo. What a fucking love story. Kung mangyayari sa akin ang bagay na yun ay baka ikamatay ko ng maaga. Masaklap kasi ang taong napagtanungan ko noong nakaraan. May pagkatanga.
"Alam kong gusto mong malaman kaya ikukwento ko na lang." Pangungulit nito. Hindi ko na lang siya pinansin pero sa kabilang banda ay ako itong si tanga nakikinig sa kaniya.
"So yun na nga! Natutulog ako ng matiwasay sa kwarto habang yakap yakap ko si winnie the pooh..."
What the hell? Winnie the pooh? Who the fuck is that!
"Tapos nananaginip pa ko na nasa woderland daw ako kasama si Alice!..."
Who the hell Alice is?!
"Hindi ko nga maintindihan kung bakit kasama din namin si Diego. Basta ang cool lang kasi ang dami naming ginawa! Kaso biglang nagbago ang lahat! Hinampas ako bigla ng tubo ni Diego! Tapos yung mga tauhan ni Alice na hindi ko alam kung saan nanggaling bigla na lang akong itinulak sa ilalim ng bangin! Tapos pagbukas ko ng mata ko nakita ko ang asawa ni Winnie! Pero syempre joke lang, nakita ko ang killer alarm clock. May hawak siyang tubo. The end." Mahaba nitong kwento. Kung siguro kakilala ko lang siya ay baka hinampas ko na lang din siya ng tubo para mahimasmasan siya sa lahat ng adventure niya sa buhay. Pero dahil hindi ko siya kilala, nanatili akong walang imik.
"You wanna hear another interesting story?!" Excited nitong sabi pero inirapan ko lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad kung saan nahahati sa gitna ang mga estupidyanteng nadadaanan namin. And I don't know why. Hindi ba dapat ay pinagtutulungan na nila ako? Na dapat kanina pa ko nakabulagta dito at inaantay na lang na mabuhay si The Beast Me para naman kahit papaano ay makaganti ako. Well, mabuti na rin ito at totoong matiwasay ang araw ko except sa napakakulit na tao sa tabi ko.
YOU ARE READING
Pandemonium
Mystery / ThrillerThe school of Hell or also called 'The paradise Lost'