Laine
"Ikaw...." Sabi ko
"Namiss kita Laine..." Sabi nya habang yakap parin nya ako
"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko with a cold tone at bumitaw sa pagkakayakap niya.
"Hindi kita kailangan kaya umalis ka na." Sabi ko ulit sa kanya
"Laine..... Mahal pa rin kita. Please bigyan mo ako ng second chance.." Sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko
Tinanggal ko yung kamay ko sa kamay nya at tumingin sa mata nya...
"Second chance? Sa tingin mo second chance parin ba yung ibibigay ko sayo? Gaano kadaming second chance ba yung binigay ko sayo nung paulit ulit mo rin akong niloko.? Okay na ako e. Kaya tigilan mo na ako." Sabi ko sa kanya
"Please... Love, please come back to me again. Be my girl again Laine. I really really love you. Please hayaan mo ako magexplain. " pagmamakaawa nya.
"Having sex with my bestfriend, 3 years ago? How's your life with her.? Is it fun. Do you have fun? Both of you, did you enjoy screaming and shouting each other in the bed?" I said sarcastic tone and smile to him.
Bumalik na siya... Kailan pa kaya siya nandito? Gusto ko man siya yakapin at halikan ngayon na, hindi pwede kasi ayoko na. Nakakapagod kasi.
"How many times Zach? How many times you do it in your room? What a jerk. So please. Leave me alone. " sabi ko at aalis na sana ng biglang.....
May humila sa kamay ko at...Putakteee! Bakit ako hinalikan ng lalaking to?
Si Ice Keoffe....
Hinalikan niya ako.... Sa harap nung first love ko.... Si Zach.
Ice Keoffe... Pang-ilan beses mo na ba ako sinave?....
*flashback*
"Ang sakit naman Zach! Putakte! Ang sakit sakit Zach.!" Sigaw ko
Eto yung place na pinupuntahan ko kapag nasasaktan ako
Kahit cold ako. Kahit na masungit ako. At kahit sanay na sanay na ako dahil sa paulit ulit na nangyayari, babae pa din ako. Tao pa din ako na nasasaktan.
"Para kang tanga diyan" sabi niya.
Di ko siya makilala nakasumbrero siya na black at black din yung pants at shirt niya.May inabot siya saking panyo.
"Ayokong kuhanin yan. Alam mo ba na kapag may nagbigay daw ng panyo sa isang tao, papaiyakin nya daw yun. Alam mo ba yun? Kaya ayokong kuhanin yan dahil baka dumating yung araw na magkita tayo at paiyakin mo din ako." Sabi ko habang umiiyak.
"Di ko gagawin yun. Hindi ko gagawin sayo." Sabi niya
Sana nga...
Ano ba yan. Sino ba tong kausap ko di ko talaga siya makita dahil sa luha sa mata ko..
Niyakap nya ako tapos bigla nya rin akong iniwan.
Putakte kayo talagang mga lalaki! Dadating kayo sa buhay namin mga babae tapos iiwan nyo rin kami!
"PARA KAYONG MGA BUWAN! KAYONG MGA LALAKI PARA KAYONG MGA BUWAN NA IIWAN DIN KAMI PAGDATING NG ARAW!"
Sumigaw ako hanggang sa napagod ako at umuwi na ng bahay habang nakatingin sa panyong iniwan nya..
Nakasulat dun yung IKL.. Ewan ko kung ano yun pero kung sino man siya salamat .
*end of flashback*
Di ako sigurado kung si Keoffe din yun pero hindi ko mapigilan yung halikan din siya pabalik.
Putakte lalaki to. Pagkatapos nya akong awayin at yabangan, kukuhanin nya pa yung first kiss ko!
Takte! Sana hindi si Ice yun lalaki na yun.
Kasi ewan ko na lang talaga kung ano mangyayari. Haysss
