Laine
Pag-uwi ko sa bahay, nasa gate pa lang ako nakita ko na agad yung maamo niyang mukha.
Namiss ko siya...
Namiss ko yung kulitan namin noon kahit na alam kong niloko niya lang ako.Nung unang taon namin, sobrang saya namin dalawa. Cassanova siya pero nung naging kami, tinigil niya lahat ng yun pero nung tumagal na kami lalo ... Unti unti siya bumabalik sa dating siya. Yung pagiging cassanova niya..
Hanggang sa isang araw, ayun nakita ko na lang siya at yung bestfriend kong si Shena , nakita ko silang magkasama at magkahawak ang kamay.
Dahil sa tanga pa ako nung mga panahong yun, di ko siya kinompronta at di ko siya tinanong kahit na nakikita ko yung katotohanan, mas pinipili kong ipikit yung mga mata ko at abusuhin yung nararamdaman ko para sa kanya.
Di ko narealize na di lang pala siya yung nanloloko sakin kasi pati ako, niloloko ko na din yung sarili ko.
Mahal ko pa siya... Pero konti na lang yun. At ayoko ng bumalik pa siya sa buhay ko. Sapat na siguro yung tatlong taon at yung mga chance na binigay ko sakanya noon para magbago kasi ngayon, huli na siya dahil iba na ang lahat. Ibang iba na.
"Anong ginagawa mo dito Zach?" Kalmado kong tanong sa sakanya.
"Nandito ako para humingi ng isa pang pagkakataon sayo sa harap ng pamilya mo..." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Sasagot na sana ako ng biglang...
"Ang kapal din talaga ng mukha mo para magpakita pa samin dito!" Sabi ni kuya Lim
"Kuya... Hayaan nyo muna ako magpaliwanag..." Sabi niya pero
Pero hinawakan siya ni kuya sa kuwelyo ng damit niya
"Pagkatapos mong saktan yung kapatid ko, sa tingin mo hahayaan pa kitang makapasok ulit sa buhay nya? Ang kapal din pala talaga ng mukha mo!" Sigaw sa kanya ni kuya.
Inawat ko si kuya dahil baka kung ano pa yung gawin niya kay Zach
"Zach... Umalis ka na. Please. Ayoko na. Tumigil ka na." Sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko si kuya sa kamay
"Laine, tandaan mo to... Hindi ako titigil hangga't di ka napapasakin ulit" sabi niya at tumalikod na
"Putangina mo! Di na siya ulit mapapasayo! Gago ka!" Sigaw ni kuya sakanya habang naglalakad siya.
"Okay ka lang ba Krystal? May masakit ba sayo?" Sabi ni kuya sakin
"Wala kuya halika na nga. " sabi ko at hinatak na siya papasok ng bahay.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis na tapos nahiga sa kama ko...
Lintek talaga yung si Zach. Ano pa ba kasing gusto niya?
Nakakainis. Sa mga sinasabi niya lalo lang akong nasasaktan.
Natatakot ako. Natatakot na akong magmahal.Natatakot akong... Masaktan ulit.
--------
Zach's
"So, anong plano mo? Pano siya ulit mapapasayo niyan eh kung yung bestfriend mo dati yung magiging karibal mo ngayon?" Tanong niya sakin at hinagisan ako ng can beer.
"Di siya mahal ni Ice dahil sigurado akong pag nalaman ni Ice yung totoo tungkol sa kanila ni Riz, babalik ulit si Ice kay Riz. Mahal niya si Riz di niya lang maamin sa sarili niya lalo na ngayon na sobrang laki na ng pinagbago ni Riz." Sabi ko at tinungga yung can beer na hawak ko.
Tama naman ako e. Mahal ni Ice si Riz kaya nga nung nalaman niya na pinsan niya si Riz naglet go siya kasi ayaw niya ng masaktan sila pareho.
Saksi ako kung gaano niya kamahal si Riz. Yun nga lang di siya naginv saksi kung gaano ko kamahal si Laine.
Gagawin ko ang lahat Laine. Babalik ka sakin. Babalik ka.
Alam kong mahal mo pa ako Laine at kapag nakuha ko na yung chance ko sayo.
Pangako, di na kita ulit bibiguin Laine.
Alam kong may chance pa Laine, please.. Sana wag mo ako talikuran.
----
Ice
Nakita ko kanina si Riz. Kasama yung dati kong bestfriend na si Zach. I think nagkakamabutihan na sila so bakit pa bumabalik si Zach sa buhay ni Laine?
Masaya sila kanina nung nakita ko sila...
Ang saya saya nila..
Akala ko okay na ako. Pero may feelings parin pala ako kay Riz.
Gusto ko lang si Laine pero di ko siya mahal...
Gusto ko lang siya pero mahal ki parin siya...
Si Riz.
Lupet talaga ni tadhana putakte!
Gusto ko mang bumalik siya sakin ulit, hindi na pwede ngayon kasi masaya na siya, may mahal na siyang iba at pinsan ko siya...
Sakit puta!
