Laine
Hayup talaga yung Ice Lee na yun. Putaaakteeeeee! Arghhhh!
"Damn him! Till death! I really really hate him.! I hate you Ice.!" Sigaw ko dito sa music room.
Ganito naman palagi e. Eto yung bestfriend ko yung Music room ...
"The more you hate, the more you love." Sabi ni Ice ---
Teka anong ginagawa nya dito?
"WHAT ARE YOU DOING HERE?! THE HELL! " sigaw ko sa kanya
"Palagi mo na yata akong iniisip." Sabi niya na walang kaemo-emosyon.
"Hindi kita iniisip. Naiinis lang talaga ako at di ka mamatay-matay sa utak ko." Pagtataray ko naman sa kanya.
Kasing cold ng attitude nya yung pangalan niya. Di ko maintindihan tong payasong lalaki na to e.
Mang-aasar tapos magiging cold. Haysss.
"Simpleng thank you di mo masabi." Sabi niya ulit sakin
"At bakit ko naman kailangan magpasalamat sayo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Because....." Sabi niya habang lumalapit yung mukha nya sakin
"Because... I kiss you and..." Lumapit pa lalo mukha nya
"And alam kong nagustuhan mo yun" sabi niya at lumayo bigla habang nakangiting pangdemonyo. Putakte talaga.
MUKHA TALAGA SIYANG PAYASO PAG NGUMINGITI SIYANG PANG-ASO!
Oh di ba? Rhyme. Hahahahaha
"Still remembering our kiss?" Tanong niya sakin.
Tumingin lang ako sa kanya..
"Don't worry I'm just teasing you. Di ako interesado sayo ..And sorry if I kissed you. Sorry kung nakuha ko yung first kiss mo. Nagustuhan mo naman yata e." Pagkasabi niya nun umalis na siya at ako?
Literal na napanganga at ewan ko ba....
Paano niya naman nalaman na first kiss ko yun?Tssk. Stalker ko ba siya?
Pero....
Feeling ko ang sakit nung mga sinabi niya.
So ano pinaglaruan lang talaga nila ako?
Niloloko lang nila ako palagi?
"Yah! Nakakainis talaga kayong mga lalaki! Ang hilig nyo magpa-asa!" Sigaw ko ulit sa loob ng music room
"Tss. Nagsasalita ka parin mag-isa?" Sabi nanaman niya.
Eh sino pa ba edi si payaso.
"Ano nanaman ginagawa mo dito? Di ba umalis ka na kanina?!" Sigaw ko sa kanya.
"Yakap yakap mo kasi yung bag ko. Kaya kung pwede lang, wag ka sana magalit pero bag ko yang yakap yakap mo. So, can I have my bag now?" Sabi niya at ako putakte eto literal na napapahiya.
Lupa kainin mo ako!
Binigay ko na sakaniya yung bag nya
"Oh ayan! Saksak mo sa baga mo!" Sabi ko sakanya.
Aalis na sana siya pero nagsalita nanaman siya...
"Sa susunod ako na lang yung yakapin mo hindi yung iniimagine mo na ako yung bag ko." Sabi niya at ngumiti pa ang loko!
Arg!
"EWAN KO SAYO! MUKHA KA TALAGANG PAYASO! "
--------