2nd

30 11 5
                                    

[Talking back to her]

Heliza's POV
Good morning! Oh! didn't saw you there hihi. Heliza is my name, ay teka alam nyo na yan eh.
Full name is Heliza Grace Morel, Princess of the kingdom Doragon.
I know right? Pinagsama siyang 'Dora' and 'Dragon' lol. Wag nyo ko susumbong kay Papa.
Wait lang guys ah? Gagayak lang me.

A few minutes later...

Yay! Okay na! I got my new hair dye done. And now, susunduin ko na si Zoe.
I now consider her as my friend, lagi ko to'ng ginagawa tuwing may bagong student.
Ay teka pala, hindi pa ako nakakapag-make up! Light lang noh, ayoko yung makapal, duh.
Okay, good to go na ako!
Lumabas na ako ng kwarto at naglakad patungo sa kwarto ni Zoe.
Habang naglalakad ay biglang dumating si Blaze.

"Hi! Heliza, right?" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Saan ka patungo?"

"Zoe's room, how 'bout you?"

"Uhh, I don't know actually hehe. Can I come?" Napakamot nalang siya ng batok.

"Sure!" Tugon ko. Naglakad na kami patungo sa kwarto ni Zoe.

After a few minutes of walking, we saw Zoe on her door. Mukang hinihintay nya kami ah.

"Zoe!" Sigaw ni Blaze.

"Good morning" nakangiti niyang sabi.

"Sorry Zoe kung late na ako ah? Buti nalang nandyan ka pa."  Paumanhin ko.

"Nako, okay lang. magle-leave naman ako ng note sa door kung naka-alis na ako eh."

"So, tara na? We don't wanna be late, don't we?"

"Yeah, gutom na din ako eh." Sabi ni Zoe. Pumunta na kami sa Breakfast Hall.

*Breakfast Hall*

We just arrived at the Breakfast Hall, nababasa nyo nga pala noh?

"Ano sa inyo Ma'am, Sir?" Sabi ng Waiter.

"We'll have omelete and orange juice, Thank you." -Blaze.
Umalis na yung wa--- wait, umalis?! Hindi pa ako nakakorder ah!

"Oy Blaze, 'we'? Talaga?"

"Eh, ang lalim kasi ng iniisip mo. Kaya sinabi ko sa waiter omelete nalang , agree naman si Zoe."

"Tss, whatever!" Pag aarte ko. Hindi sa masarte ah? Hindi ko kasi alam lasa non eh, pag hindi ko alam yung lasa hindi ko kakainin.

"Haha! Oo nga, ano ba iniisip mo?" Ano nga ba? Ganon na ba ako ka-tulala? Gosh!

"Hindi ko rin alam eh" napakamot nalang ako sa batok, saka sila naglabas ng tawa.

"Hahahah! You're so cute, Heliza." -Zoe

"I know right?"

"Here's your food, Madame and Sire." Pagka-alis ng waiter kumain kaagad ako. Gutom na ako eh! Pake nyo ba? Narinig kong napatawa yung dalawa ng mahina. Bagay sila, diba? Ang cute nila parehas. Shush lang kayo ah?! Baka kung ano gawin sakin ng dalawa na yan eh.

"Let's go?" Aya ni Zoe.
Tumango nalang kami bilang tugon.
Pumunta na kami sa unang klase namin, at one good thing, magkakaparehas kami ng schedule! Except for me, isang class ang naiiba ko.
Katabi ko ngayon si Zoe, habang si Blaze sa isang upuan. Mukang may hinihintay. Ayaw nya magpa-upo sa isang bakanteng upuan eh.

"Sino hinihintay mo?" Tanong ko.

"A friend of mine." Tugon niya.
Napa-'ah' nalang ako.
Biglang may pumasok na lalaki---anghel ata to eh?! Sht. Ba't ang pogi niya? Oh my gosh! Lumingon siya dito, lumingon siyaaaaa!

"Oy Andy! Where have you been?" Bati ni Blaze. Oh, so Andy ang pangalan ni Pogi! Hihi oo na! Malandi na kung malandi.

"Wala ka na don!" Sagot ni Pogi, ay este Andy! Napatingin si Andy sa gawi namin ni Zoe, atsaka binaling ulit ang tingin kay Blaze.

"Oh! I forgot. This is Zoe, the exchange student. And this is Heliza, her friend."

"Alexander, but you can call me Andy. Nice to meet you, girls." Tumango nalang kami bilang sagot.
Umupo na siya sa tabi ni Blaze, sakto naman'g dumating na yung Prof.

Tumingin ako kay Zoe, naramdaman ko kasi na natataranta siya kanina pa.

"What's bothering you?" Bulong ko.

"Huh? I'll tell you later after class."
Binalik ko ang paningin ko sa harap. Nakaka-stress first period namin, MATH. Mental Abuse To Humans. Hahaha! Alam ko naman na lahat kayo nahihirapan sa Math, depende nalang kung matalino kayo.
Next subject namin is, History. One of my favorite subjects. Hindi halata noh? Well, excuse me! Matalino ako.

A few hours later

Yahhhhh! Nakatapos din ng tatlong subject! Four more to go! But, before that, break time!
Habang inaayos ko ang gamit ko ay nakita ko so Zoe, mukang hindi mapakali. Nakaka-curious na ah! Hindi ko pa kasi siya ganon ka-lubos na kilala. Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko ay pinuntahan ko kaagad siya.

"Zoe, kanina ka pa tarantang taranta."

"Yeah Zoe, what's the matter?" Tanong ni Blaze, habang si Andy naman nakikinig lang.

"Uhh, I just miss my friends."

"Yun lang ba? Gusto mo puntahan natin sila?" -Blaze

"Nako! Wag na, bibisitahin ko nalang sila pag may free time ako." Sagot niya.
Binuhat niya na ang bag niya at sinukbit sa balikat.

"Tara na, medyo nagugutom na ako eh." Pag aaya nya.
Naglakad na kami papuntang Cafeteria. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang bulungan, pati na rin yung mga kasama ko.

Diba siya yung nakasagutan ni Kathie?

Ang tapang niya naman!

Mali siya ng binunggo, mga bessy.

"Wooo! Idol!" Sigaw nung lalake. Napalingon naman kami dun. Wow ah! Baguhan palang dito si Zoe, pero may fans na. Sa kanya na ang korona!
Hanggang sa naramdaman kong huminto si Zoe, napahinto rin kami.

"Oh ano? Masaya ka na? May tagahanga ka na? Huh! That doesn't mean you fit in here, loser!" Si Kathie pala. Nakita kong nagtaas ng kilay si Zoe. Uh-oh, taray mode na siya!

"So? Ano gagawin ko? Tatawa na ba ako? Ha-ha-ha. Oh ayan! Tatlo. Baka malugi ka eh." Woah. She is on fire! Lumapit ng onti si Zoe kay Kathie, hindi pala onti! Yung lapit na parang magkikiss na sila. Saka ngumisi si Zoe. Bilib ako sa kanya, ang tapang niya ah.

"Natahimik ka? Cat got your tongue?" Pagtataray nito.

"Tara na, ayokong mag aksaya ng oras sa walang kwentang tao." Naglakad na siya at nagbulungan nanaman ang ibang istudyante. Pumasok na kami ng Cafeteria at naghanap ng table. Agad naman kaming nakahanap, at agad din'g umorder.

"Wow Zoe! Ang tapang mo pala!" Puri ni Andy.

"Hehe hindi naman." Hindi naman?! Gaga ba siya? Nakasagutan niya lang naman ang Queen Bee ng School na'to!

"Ahmm, Zoe? You do know that she's the Queen Bee, right?" Sabi ko.
Tila nagulat siya. I expected that. Hindi kasi halata na Queen Bee siya eh, mayabang kasi tsk.

"Comfort Room lang ako guys." -Zoe

"Wait, samahan n---"

"No, it's okay, stay here." Pagpuputol ni Zoe sa sasabihin ko.

"Okay, balik ka agad ah?" Wika ko.
Tumango nalang ito, at lumabas na ng Cafeteria.

Royals and Rebels #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon