Chapter 2: Panibagong simula

18 0 0
                                    

"Congratulations!" bati sa kanya ni Suzzaine nang maupo na ito kasama ang apat

pang mga nauna nang napili. "Salamat." wika ni Mark. naupo ito sa katabi ng

dalaga at pagkaupo niya  ay kinuha agad niya ang kanyang cellphone at tinext

ang kapatid. "te nkuha me... pasok me sa aution... kwen2 ko sau mamya..." ang

laman ng kanayang message. "Mag-isa ka lang ba?" naitanong ni

Suzzaine. "Pardon?" sagot ni Mark. hindi kasi niya ito nadinig nang mabuti

kasi busy siya sa kanyang pagtitext. "Ang sabi ko po, magisa ka lang na

pumunta dito?" ulit ni Suzzaine. "Ah hindi po, kasama ko po Ate ko. Nasa labas

po siya naghihintay." Sagot ni MArk. "Ikaw?" balik tanong niya sa dalaga. "Oo,

magisa lang ako." Tumango na lang si Mark at may kinuha sa loob ng kanyang

bag. "Gusto mo?" tanong ni MArk sabay abot sa kausap ng isang sandwich. "No

thanks busog pa ako." pagtanggi ng dalaga. "I insist, kunin mo na. Dont worry,

walang lason iyan. Actually, masarap ito. Ito kasi ang favorite food ko eh."

Paliwanag ni Mark. "Ano ba yan?"

"Bacon Sandwich plus one bottle of iced tea."

"Sige na baka para sa iyo yan."

"Sige na kunin mo na at may dalawa pa ako dito sa bag."

"Sure ka?"

"Oo naman noh! And besides, mabuti na yung makahanap na ako ng kaclos ko sa

contest para hindi ako magisa sa dressing room diba?" wika ni Mark sabay

kindat kay Suzzaine. Ngumiti na lang si Suzzaine at nagpasalamat. Nagpatuloy

sa pagkuwentuhan ang dalawa na hindi man lang namalayan ang oras. Alas Siyete

na pala ng gabi at labing lima na ang napili. "Okay listen up." Wika ng isang

crew sa kanila. "You should be back on wednesday next week for the rehearsals.

As you all know Saturday next week na kayo magsisimula. And another thing, be

here on saturday para maipakilala na kayo sa mga televiewers. isisingit kayo

bago mag-awardings ng nanalo for this month. Understood?" pagtatapos ng

babae. "Yes ma'am!" sagot nilang lahat.

Lumabas na silang lahat at nagsiuwian na. Sabay na lumabas ng studio sina Mark

at Suzzaine. "So saan na ang punta mo ngayon?" naitanong ni MArk nang nasa

harap na sila ng sasakyan nito. "Maghahantay ako ng taxi diyan sa may labasan

then uuwi na ako." sagot ni Suzzaine. "Gusto mo hatid ka na namin?" alok ni

MArk. "Huwag na, nakakahiya naman sa ate mo. Sige na at baka may pupuntahan pa

kayo." Nagpaalam na si Suzzaine kay Mark sabay talikod sa bagong kaibigan. Si

Mark naman ay nakatingin pa rin sa unti-unti nang papalayong si

Suzzaine. "Huli ka!!! Ahem, kakaiba ang tingin mo dun sa kasama mo ah!" Biro

ni Lourdes. "Tigilan mo nga ako ate!" inis na sagot ni MArk. "Asus, kunwari ka

pa! Kilala kita tsong!" Hindi na nagsalita pa si MArk bagkus ay umakyat na ito

sa loob ng van. Habang nasa biyahe ay si Suzzaine pa rin ang nasa isip nito.

Ako'y MaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon