Naging laman ng mga tabloid atr ng mga talk shows ang nangyaring suntukan sa pagitan nina Raymond at Mark kinabukasan. Maraming mga hakahaka ang nagsilabasan tungkol sa kung ano ang punot dulo nito. Pero iilan lang ang nakakaalam ng totoong nangyari sa dressing room ni Suzzaine. Mga taong ayaw na itong pagusapan at ayaw magkumento tungkol sa nangyari. Isa na dito ang taong matatagpuan sa tabi ng isang ilog sa Bicol. Nakaupo sa batuhan habang nakatingin sa malayo. Ninanais na kalimutan ang mga nangyari at pilit na binabalikan ang kanyang masayang nakaraan sa lugar na iyon. "Can I join you?" tanong nang isang babae kay Mark. Lumingon siya upang tingnan kung sino ito at nang makilala ang pinanggalingan ng boses at ngumiti ito. "Ang ganda pala dito sa lugar ninyo." wika ni Rachelle nang makaupo na ito sa tabi ni MArk. "Yeah... mas gusto ko dito kaysa sa manila." sagot ni MArk. "I see, pero pano kayo napunta sa Manila?" tanong ni Rachelle.
Hindi kumibo si MArk. Ayaw niya itong sagutin dahil ayaw na niyang maalala ang kasalanan niyang nagawa sa isang kaibigan. pero dahil sa matalik niyang kaibigan si Rachelle ay naisipan din niyang ikuwento dito ang dahilan. Tumayo si Mark at hinubad ang t-shirt niya. Inihagis niya ito kay Rachelle na ikinabigla naman ng dalaga. Biglang lumusong si MArk sa ilog at lumangoy. "Alam mo..." pasigaw nitong sinabi kay Rachelle. Malayo na kasi siya sa kausap. "madalas ako dito noong bata pa lang ako. Kasama ko parati dito ang bestfriend ko, si Sarah. KAya lang noong 14 years old na kami, lumipat kami ng manila. Doon na daw kami titira. Its been ten years bago ako makabalik dito. Pinuntahan ko si Sarah sa lumang bahay nila sa kabilang kanto, pero sunog na iyon." dagdag pa ni MArk.
Lumangoy uli ito palapit kay Rachelle at naupo sa tabi nito. Seryoso muli ang tono ng pananalita ni Mark. Mapula na ang mga mata nito. "PAgpunta namin ni Ate sa bahay ni Sarah, sunog na ito. Tatlong taon na raw ng mangyari iyon..." matamlay na kuwento ni Mark. "And then?" tanong ni Rachelle kahit may hula na ito sa sasabihin ng kausap. "Sabi ng kapitbahay nila, may nakita daw bangkay ng dalawang babae so loob ng bahay. Isa nga daw doon ay..." putol-putol na pagsasalita ni MArk."ay...ay..." dagdag pa nito."isa sa kanial si Sarah?" diretsahang dugtong ni Rachelle. Tumango na lang si Mark at may tumulong tubig mula sa mga mata niya. Umiiyak na ito. "Namatay siya na hindi ko man lang nasabing mahal ko na siya." hindi nakayanan ni MArk ang sarili at umiyak ito. Buti na lang at katabi niya si Rachelle. Isang kaibigan na handang dumamay sa nasasaktang kaibigan. Pero ang totoo, mahal niya si MArk. Ngunit dahil sa nalaman niya, tila mas nadagdagan ang pagmamahal niya dito.
Pinuntahan nina MArk at RAchelle ang sementeryo na kung saan ay doon inilibing si Sarah upang magdasal. Hinayaan ni Rachelle si MArk na kausapin ang puntod ng kaibigan. "Sarah, I'm back." umpisa nito. "Alam mo, natupad na yung pangarap kong maging isang singer. At kayang kaya kong ipamukha kina mommy and daddy na kakayanin ko ang naging buhay nila noon. Na kaya kong maging sikat na mangaawit kahit wala ang suporta nila. Alam ko namang ampon lang nila ako kaya ganoon na lang ang pagbabalewala nila sa akin pero magkaganoon man, mahal ko pa rin sila. Hindi ko nga lang ginusto na umabot pa sa ganito ang galit ko sa kanial dahil lamang sa ginawa nilang paghihiwalay sa atin noon. Alam kong nasabi ko na saiyo kung gaano kita amahal at kung gaano ako nagsisisi nang hindi man lang ako nakapagpaalam sa iyo. Sarah, sana mapatawad mo ako. Gusto ko lang malaman mo na hindi hindi kita makakalimutan. Pero alam naman natin na we all must move on diba. Aaminin ko sa iyo, may minamahal ako ngayon pero mukhang imposible niya akong mahalin. LAlo na dahil sa nangyari sa amin ng boyfriend niya..." halos isang oras din ang nakalipas nang maisipan nang umalis ni Mark.
Pauwi na silang dalawa ni Rachelle nang may biglang naitanong ang dalaga sa kasama. "Ano na ang balak mo ngayon?" ika ni Rachelle. "Saan?" balik tanong ni Mark, naguguluhan sa ibig ipahiwatig ng kasama. "Ano na ang balak mong gawin after nang nangyari sa MNS? I mean, anong sasabihin mo sa press and sa mga taong naghihintay sa iyo?" pagisaisa nito. Tama nga si Rachhele, ano nga ba ang mga sasabihin niya sa mga taong siguradong magtatanong sa kanya. Hindi niya ito naisip nang nasa Bicol pa lang sila. Bahala na. yan ang nasabi ni Mark sa sarili.