Chapter 1: Overjoyed

28 0 0
                                    

"Bilisan mo na ang pagaayos dyan at baka mahuli ka na sa audition!" sigaw ng isang babae sa labas ng pinto ng kuwarto ni Mark. "Mark, ano ba naririnig mo ba ako?" sigaw nitong muli. "Nag-aayos na po!" sagot ni Mark. "Pano ko hindi maririnig ang sinasabi niya eh halos mabingi na nga ako sa kasisigaw!!! Pati yata mga kapitbahay namin eh nagising na!" bulong ni Mark sa sarili nito.

Araw ng lunes, ang pinakahihintay na araw ni Mark. Ngayong ang audition para sa isang Singing Contest sa telebisyon. Ang kapatid niyang babae ang nagiisang tao na sumusuporta sa kanya dahil tutol dito ang kanyang mga magulang. Ayaw kasi nilang matulad si Mark sa kinahinatnan nilang mag-asawa na pinukol ng mga mabibigat na intriga noong sila'y mga baguhan palang. Kung tutuusin ay may potesyal si MArk bilang isang singer. Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga magulang na mga magagaling na mang-aawit.

"Mark ano ba, magaalas-otso na! BAka maunahan tayo ng ibang mag-o-audition!" muling nangibabaw ang boses ni Lourdes. "Nakabihis na!" agad na lumabas si Mark sa kanyang silid at bumaba. Si Lourdes ay nauna na sa sasakyan at doon na agalmusal. "Bakit ba ang tagal mo?" tanong ng kapatid ni Mark. "Naligo pa po ako!" paliwanag nito. "Hala, eto na ang almusal mo, kumain ka at baka matagalan tayo sa audition mo." iniabot ni Lourdes ang isang sandwich na may palamang bacon at isang bote ng imported ice tea. May apat pa diyan sa loob ng bag mo at tatlong ice tea." dagdag pa ng kapatid ni Mark.

Pagdating nila sa MNS station ay hindi nga nagkamali si Lourdes, madami na ngang tao sa labas at ang haba na nang pila. Agad na inutusan nni Lourdes ang P.A. nito na humingi ng form. Halos kalahating oras din ang lumipas bago nakakuha ito ng form. Agad namang sinagutan ni MArk ang mga katanungan sa form at ibinigay ito sa P.A. Tinawag isa-isa ang mga panagalan nila at banadang alas-tres na ng hapon ng matawag ang pangalan ni Mark.

"Okay Mark Santiago... please sumunod sa akin!" wika ng isang babae na may hawak-hawak na mga papel. Yun nga ang ginawa ni MArk. Pumasok sila sa loob ng isang studio na kung saan ay may apat pang mga nag-o-auditon. Pagpasok nila ay may nasalubong si Mark na isang babae na umiiyak at yamot nasinasabing, "Feeling ng baklang iyon apakagaling niyang kumanta!!!" Ang tinutukoy ng babae ay ang taong siyang mag-e-screen sa kanila. Tama siya, mataray nga ito kasi isa ito sa mga sikat na talent manager sa showbiz. "Okay next!" sigaw ng manager. May umakyat na isang babae inumpisahang tanungin. "What is your name?" tanong ng manager. "Suzzaine Aguirre po." sagot ng dalaga. Biglang may naalala si Mark sa apelyido ng dalaga. Aguirre. Isang tao na kanyang nasaktan noon siya'y labing-apat na taong gulang pa lang. Ang matalik nitong kaibigan na si Sarah. Isang kaibigan na minahal niya. Minahal higit pa sa isang matalik na kaibigan. Nagsumpaan silang sa kanilang pagtanda ay sila ang dapat na magkatuluyan. Pero sa di inaasahang pagkakataon ay nagkahiwalay din sila dahil nang mga panahong iyon ay unti-unti nang nagiging sikat na mangaawit ang kanyang ina - na di naglaon ay nakilala ang kanyang kinalakihang ama.

Pinakinggan ni Mark ang boses ni Suzzaine sa pagkanata, at talaga namang may ibubuga ito. "Nice voice, iha." Wika ng manager. "You passed the audition, if you may please wait in this side." dagdag pa niya sabay turo sa isang sulok ng studio na kung saan ay may apat nang nakaupo. Ibig ba nitong sabihin, sa halos ilang libo na ang nag-audition ay apat pa lang ang napipili? May dalawa pang tinawag bago si MArk. "Okay, next please..." tawag ng Manager. "Oh my God, ako na pala." wika ni Mark sa sarili sabay nag-krus. "Lord bahala ka na po sa akin." dagdag pa niya.

Umakyat si MArk sa stage na may kaba. Paano kung hindi siya magustuhan? Paano kung lait-laitin siya nito? "Whats your name?" tanong sa kanaya. "Mark Santiago po." sagot niya. "Age?" balik tanong nito sa kanaya. "17 po" agad naman niyang sagot. makalilang beses pa siyang tinanong ng manager bago ito nagwikang, "Okay you may start." Bumuelo muna si Mark bago ito nagumpisa. Hinintay na matahimik sa loob ng studio at saka ito nagumpisa.

Over time...

I've building my castle of love

Just for two, though you never knew you were my reason

I've gone much too far for you now to say

That I've got to throw my castle away

Over dreams, I have picked out a perfect come true

Though you never knew it was of you I've been dreaming

The sandman has come from too far away

For you to say come back some other day

Ganadong kinakanta ni Mark ang paborito niyang kanta. Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa manager kung ano ang nagiging reaction nito sa kanay. Napansin din niyang halos hindi makatingin sa kanya ang inabutan niyang kumakanta kanina, si Suzzaine.

And though you don't believe that they do

They do come true

For did my dreams

Come true when I looked at you

And maybe too, if you would believe

You too might be

Overjoyed, over loved, over me

Over hearts, I have painfully turned every stone

Just to find, I had found what I've searched to discover

I've come much too far for me now to find

The love that I've sought can never be mine

Hihinto na sana siya sa pagkanta ng agtingin niya sa manager ay sinenyasan itong ipagpatuloy ang pagkanta.

And though you don't believe that they do

They do come true

For did my dreams

Come true when I looked at you

And maybe too, if you would believe

You too might be

Overjoyed, over loved, over me

And though the odds say improbable

What do they know

For in romance

All true love needs is a chance

And maybe with a chance you will find

You too like I

Overjoyed, over loved, over you, over you

Sa wakas ay natapos rin niya ang kanyang audition piece. "Mark, are you realted to Mr. and Mrs. Raymond Santiago?" tanong ng manager. "Yes sir. their my parents." sagot niya. "I see, well okay... I can say na napakaganda ng boses mo, no doubt kung saan ka nagmana... all i can say... for na ha... that the contest wouldn't be that interesting kung hindi ka makakasali dito. Congratulations."

Ako'y MaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon