Madaling sumikat si Mark sa kanyang piniling pasukan na trabaho. Mabentang mabenta ang mga album nito at nakailang beses na rin siyang naimbitahang lumahok sa ibat-ibang bansa. Next month ay aalis siya papuntang India upang lumahok sa Voice of Asia International. But ang pinaka hihintay niya ay ang nalalapit na Major Solo Concert niya sa Araneta. Kinakabahan siya sa magiging resulta ng unang concert niya, lalo pa ngat solo concert niya ito. Puspusan ang ginagawang preparasyon para sa concert ni Mark. Guest niya dito ang mga co-Voice of Asia contestants nila and ang ilan sa mga kinikilalang personalidad sa showbiz. Pero ang ikinalulungkot lang ni Mark ay hindi makakapunta sa concert niya ang ilan sa pinaka importanteng tao sa buhay niya. UNa ang kanyang kapatid dahil nasa ibang bansa ito at inaasikaso ang asawa nito dahil na hospital matapos maaksidente. Pangalawa ang kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay galit sa kanay dahil sa pagsuway sa kanilang kagustuhan, si Suzzaine na kaibigan niya at minahal pero ang pinaka importanteng tao sa buhay ni Mark, si Sarah na hindi man lang niya makalimutan. Oo, mahal nga niya si Suzzaine pero napagtanto niya sa kanyang sarili na minahal niya ito dahil nakikita niya si Sarah sa katauhan ni Suzzaine. Kung sana ay naging isa na lang ang dalawa. Hindi na sana siya mahihirapan nang ganito. Kaya lang paano magiging ganoon kung wala na sa mundong ito si Sarah!
"Nakita mo ba si Mark?" Tanong ni Rachelle sa isang crew. Nagaayos na sila ng venue ng concert dahil kinabukasan na ang concert ni Mark. "Hindi pa po siya dumadating. Kanina pa nga po siya hinahanap ni direk kasi mageensayo pa daw po sila." paliwanag ng crew. "Ah ganoon ba. Salamat." umalis si Rachelle at naghintay sa labas. Halos dalawang oras din siya doon nang makita na nito ang sasakyan ni Mark paparating. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa naghihintay sa loob si direk!" agad na sinabi ni Rachelle pagkalabas ng kotse ni Mark. Hindi sumagot si MArk bagkus ay patuloy ito sa paglalakad papasok. "Darn it, Mark! Kung ayaw mong pagsabihan ka, please lang ayusin mo naman ang buhay mo!" galit na nasabi ng dalaga. "Huwag mo akong simulan, Rachelle. Please lang..." pakiusap ni Mark sa dalaga. Pumasok na ito sa loob at pagkakita sa kanayng mga tao sa loob ay agad silang nagsimula sa pagensayo. Galit na sa kanya ang direktor pero dahil sa paliwanag ni Mark ay naunawaan nila ito.
Madaling araw nang natapos ang ensayo nila. Pero imbes na umuwi ay nagpaiwan muna si Mark. Gusto nitong mapagisa. Nilapitan siya ni Rachelle at kinausap. "Mark, anong problema?" wika nito sa malumanay na tono. "Tiningnan lang siya nito at napayakap ng mahigpit. "Hindi makakadating sina ate at parent ko mamaya. Hindi sila makakapanood."
"What do you mean hindi sila makakadating? Nakausap mo na ba sila?"
"Oo, pinuntahan ko sila kahapon,,,"
"And then..."
"Si ate, binabantayan niya si Kuya Robert dahil naaksidente daw ito. Ang mommy ko naman ay galit pa rin sa akin dahil sa pagsuway ko sa gusto niya. Magisa lang ako sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko."
"No you're not. I'm still here, andito kami ni Christian, ni Jeffrey, ni Jaycee... We're all here for you."
Lalong napahigpit ang yakap ni MArk sa kaibigan at napaluha ito.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Ala-siyete ang umpisa ng concert ni MArk pero alas-cuatro pa lang ay marami nang taong naghihitay sa labas ng araneta. lahat sabik sa pagpanood ng concert ni MArk. Sa backsatge naman ay halos hindi na magkada tuto ang mga tao sa sobrang kaba at taranta sa preparasyon. Naging usap-usapan na sa showbiz ang concert na ito ni Mark. lalo pa ngat siya ang magiging representative ng bansa para sa Voice of Asia.
Alas-sais y medya. kalahating oras na lang bago magsimula ang concert. Puno na ang araneta at madami pang taong naghihitay sa labas. Handa na ang lahat para sa inaabangang concert ng taon. Sigawan ang mga tao nang magdilim sa loob ng Araneta at tanging ilang lamang ng isang spot light na kaka focus sa gitna ng stage ang makikita. Simula na ito ng pagtupad ng pangarap ni Mark.