Chapter 14: Sa huling pagkakataon

13 0 0
                                    

Ito na siguro ang pinaka masayang gabi para kay Mark dahil sa wakas ay kasama na niya ang kanyang ina sa pagtupafd ng kanyang pangarap. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan na sina Jeffrey, Jaycee, Cherrie, Christian, Hide at Rachelle, siyempre hindi din mawawala ang mga supporters niya at ang tatlong mahahalagang tao sa buhay niya, ang kanyang kapatid na si Lourdes at ang kanyang mga magulang. Matagal na niyang ipinagdarasal na sana ay MAkasama niya sa gabing ito si Suzzaine pero mukhang imposibleng magkatotoo ito. HAnggang ngayon ay hindi pa niya ito nakakausap o di kaya ay makita man lang. At ang ikinalulungkot pa niya ay ang hindi man lang niya nakasama ang isang taong mas kukumpleto sa kanyang kaligayahan, si Sarah. Alam kasi niyang ito ang mauunang matutuwa sa mga magagandang nangyayari sa kanya ngayon. Pero sadyang malupit ang tadhana dahil wala na ito.

 Sa mga pangyayaring ito kaya naisipan niyang ihandog ang dalawang natitirang awitin para sa dalawang pinakaespesyal na tao sa buhay niya. Una ay para kay Suzzaine na minahal niya at ang huli ay para sa pinaka ugat ng mgta pangarap niya, ang naging inspirasyon niya, isang mabuting kaibigan, at ang pinakaiibig niyang babae, si Sarah.

 "For my second to the last song for tonight, this is for a very special person in my life who became one of mjy inspiration for writing this song. Actually, this is a poem but then again decided to include this on my Album. This is a poem made specially for the person whom I secretly loved, admired, and longed for. I know, I caused her enough troubles to hate me... but... I just want her to know that no matter what happen... I'm still here... waiting... hoping... and nandito lang ako... kung sakaling... o... kapag ako'y kailangan mo."

Ang paghihirap mo’y nakita ko no’ng siya’y kapiling pa,

ngunit hindi ko magawang lapitan at kausapin ka.

Unang lumabas si Rachelle mula sa likod at siya ang dumiugtong sa awitin.

ang pagdurusa mo ay tila akin ding nadarama,

ngunit wala akong lakas na kunin ka

Kasunod ni Rachelle ay si Jeff at siya ang nagpatuloy ng awitin.

At di nga nagtagal tuluyan ding ika’y nilisan niya,

laking pasasalamat ko dahil ika’y malaya na,

Kssunod naman niyang lumabas ay si Christian,

sinabi ko noon sa ‘yo kapag ako’y kailangan na

tawagan lang ako’t pupuntahan kita

Pagdating sa chrous ay sabay-sabay nila itong kinanta kaya naman damang dama mo ang mensahe ng awitin habang ipinapakita ang ilang mga shots mula sa Voice of Asia at SOP kasama si Suzzaine. Alam ni MArk na sa pamamagitan man lang nito ay sana mapatawad na siya ng dalaga.

Hindi ka na luluha,

hindi ka na tatangis

at di mo na mararansan ang pait,

dahil ako’y laging maaasahan mo

narito lagi pag ako’y kailangan mo

At di nga nagtagal tuluyan ding ika’y nilisan niya,

laking pasasalamat ko dahil ika’y malaya na,

sinabi ko noon sa ‘yo kapag ako’y kailangan na

tawagan lang ako’t pupuntahan kita

Muli, palakpakan ang mga tao sa emosyonal na pangyayaring ito. Umaasa ang mga ito na sana, katulad nang nangyari kanina ay bigla ring susulpot si Suzzaine at magkikita ang dalawa.

Hindi ka na luluha,

hindi ka na tatangis

at di mo na mararansan ang pait,

dahil ako’y laging maaasahan mo

narito lagi pag ako’y kailangan mo

Pero nabigo silang lahat, walang Suzzaine na lumabas mula sa likod o kahit mula sa mga nanonood. Wala sa loob si Suzzaine. Walang Suzzaine na lumabas.

Hindi ka na luluha,

hindi ka na tatangis

at di mo na mararansan ang pait,

dahil ako’y laging maaasahan mo

narito lagi pag ako’y kailangan mo

Natapos ang kanta pero walang Suzzaine na lumabas. MAsakit pero iyon ang katotohanan.

Narito lagi... pag ako'y kailangan... mo...

Ako'y MaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon