four

924 61 69
                                    

Muling inilagay ni Mingyu ang yosi sa gitna ng mga labi niya saka humithit, at di kalauna'y ibinuga rin ang maitim na usok. He watches as the smoke rises up and slowly fades. Ito lang ang ginagawa niya for the past two hours pero hindi parin siya nabobored.

He surely knows smoking is bad and that it could kill. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paggamit nito, at mas pinadalas niya pa. He lets a stick kill him for he believes it's the only thing that can make him feel alive.

It's also the thing that can make him forget life, other than alcohol. Hindi siya ganoong kalulong sa alak pero sa yosi? Nakakailang pack ata siya per day.

"Mingyu, wala ka pa bang balak tumigil? Baka mahuli ka ni ma'am!" Nilingon ni Mingyu ang lalaking nagsalita. Nalaman niyang si Seokmin ito, isa sa mga tropa niya.

Tumango lang si Mingyu saka tumalikod ulit.

"Parang tanga naman, gyu? Kapag ikaw talaga nahuli ulit!" Sigaw ni Seokmin saka napakamot sa ulo. "Bahala ka na nga!" Saka siya umalis.

Napailing lang si Mingyu saka pinatay ang pagkakasindi sa sigarilyong hawak, at tinago ang pakete nito. Tinignan niya rin ang pinagpwestuhan niya ngayon lang para icheck kung may naiwan siyang bakas ng paninigarilyo niya pero wala naman.

Lumabas siya ng music room bitbit ang bag sa kaliwang balikat at nasa bulsa ang kaliwang kamay. He's wearing his well-known expression. His emotionless face that everybody loves to stare at.

Dumiretso siya sa garden para tumambay doon.

Dalawa lang naman kasi ang destinasyon niya sa eskwelahan; it's either the music room or the garden. Minsan pupunta siyang rooftop if he feel so pero sobrang dalang lang n'on. Pumupunta lang siyang rooftop kapag sobrang daming nakatambay sa garden at may gumagamit ng music room.

Umupo siya sa ilalim ng puno saka tinignan ang mga kapwa mag aaral na may sari-sariling mundo. Naalala niya ang lalaking nakakausap niya sa telepono, naisip niya kung nandito rin ba sa garden ang lalaking iyon at hinahanap siya.

Pero alam niya namang kahit nandito ang lalaking yun, hindi niya parin makikilala ito. He doesn't even know what that guy sounds like. Sabi kasi, gumagamit siya ng app para mapababa ang boses niya, so how is Mingyi supposed to find him?

Bumuntong hininga nalang si Mingyu saka sumandal sa puno para pagmasdan ang langit.

Problema. Napakaraming problema.

"Uy." Napapitlag si Mingyu nang may biglang sumiko sa tagiliran niya at umupo sa tabi niya.

Agad napaayos ng upo si Mingyu, "uy rin." Sagot niya dito at pasimpleng inayos ang buhok.

Nilingon siya ni Soonyoung na masama ang tingin sakanya, "uy uy ka diyan. May kasalanan ka sakin!" Aniya saka binatukan si Mingyu.

"Para namang- bakit mo ko binatukan?!" Singhal ni Gyu sa kaibigan.

"Hindi mo pinapunta si kabayo kahapon nung inaya ko kayong lumabas!" Singhal ni Soonyoung.

"Para yun lang?" Tanong ni Mingyu.

Mas pinanliitan ng mata ni Soonyoung ang kaibigan, "alam mo namang gusto ko si Seokmin pero hindi mo siya sinama?"

"Andoon naman ako a?"

"Tanga!" Hinampas ni Soonyoung sa braso si Mingyu, "ikaw ba si Seokmin? Gusto ba kita?"

Naitikom ni Mingyu ang bibig. Tinignan niya ang kaibigan, pero agad ring umiwas ng tingin. "Hindi." Sagot niya.

Katahimikan.

Walang nagsalita sa dalawa. Hindi awkward ang pagkatahimik nila, pero hindi rin ganoon kakomportable. Nakatulala lang si Soonyoung samantalang si Mingyu e nagnanakaw ng tingin sakanya.

Minu-minuto ang pagnakaw ni Gyu ng tingin hanggang sa mahuli siya ni Soonyoung, "galit pa rin ako sayo." Ani nito.

"Do you want me to leave you alone?" Tanong ni Gyu.

"Galit ako, hindi nasasaktan." Sagot ni Soonyoung. "Nanghihinayang lang ako, kasi, kasi diba! Chance ko na yun para umamin pero, aish!" Napasapo sa mukha si Soonyoung.

"Dapat ba akong magsorry?"

"Choice mo yun."

"Okay, sorry." Sagot ni Gyu saka tumayo at nagsimulang lumakad palayo, palayo kay Soonyoung.

Tinanong pa siya ng kaibigan kung saan siya pupunta, pero hindi na siya nag abalang sumagot. Pakunwari'y hindi niya narinig dahil nakakalayo na siya.

Nagpatuloy lang siya sa paglakad habang diretso ang tingin sa daan. Wala namang masyadong nakatambay sa corridor kaya wala naman siyang makakabangga. Nasa lobby na siya nang may bigla siyang naalala-- naiwan niya pala ang bag niya sa garden.

So he turned around, pero laking gulat niya nang may makabangga siyang lalaki. Nakauniform ito gaya niya, at may bitbit na backpack habang nakayuko kaya hindi niya makita ang mukha nito.

"Aish! Bakit ka ba nasa likod ko-"

"Sorry." Agad na lumakad palayo ang lalaking nakabangga niya.

Pero nanatiling nakatayo si Mingyu, nakakunot ang noo, nagtataka.

Bakit familiar ang boses niya?

××

Too much for a sasaengWhere stories live. Discover now