fourteen

625 57 35
                                    

Calling Seokt. . .

Ringing. . .

"Oy."

"Oy mo to."

"Oy mo lang."

"Kay."

"..."

"..."

"Ano nga ulit yung sinuggest mong passcode?"

"Gusto mo ring buksan no? Gusto mo makita mga stolen ko?"

"Ulol. Wala kasi akong magawa."

"Bakit hindi mo tawagan si beanie mo hahahahaha."

"Di naman ako sinasagot e."

"Luh, akala ko ba loyal ka kay Soonyoung?"

"Bakit, hindi ba?"

"E may beanie ka nga. Unloyal hoe."

"Ulol. Kaibigan ko lang yun."

"Suuuuuus"

"..."

"Suuus"

"Ginagago mo ko?"

"De, open mo na phone bilis! 1988 bilis!"

"Saglit lang."

Inabot ni Mingyu ang cellphone na nasa drawer niya, malapit lang naman ito sa kama kaya hindi na tumayo si gyu. Advantage ng pagiging matangkad: madali lang na abutin ang mga bagay bagay.

Pero hindi ko parin maabot abot si Soonyoung. Napabuntonh hininga siya.

Nang makuha ang phone, agad niya itong binuksan at tinry ang passcode na sinabi ni Seokmin.

"O ano na?"

"Tanga, hindi naman 1988."

"E... hula ko lang naman yun."

"Hindi ka talaga magaling manghula."

"O, ikaw nga hulaan mo?"

"Ilang taon na ba siya?"

"18. Kasing edad natin."

Dinampot ni Mingyu ang phone na nasa kama saka binuksan ito. Tinype niya ang 1999 pero hindi rin pala ito ang passcode.

"Hindi rin pala 1999."

"Try mo kaya, 2189"

"2189?"

"Birthday ko, bakit ba."

Nangisi si Mingyu.

"Lakas mo rin no."

Pero tinry niya parin ang 2189, pero hindi talaga gumana.

"Ano, gumana?"

"Hindi rin, tigil na kakaasa ha?"

"Kay- saglit lang gyu may inuutos nanaman mga tao dito."

"Ge-"

Call Ended.

Humiga si Mingyu pagkahagis ng phone sa tabi. Tumunganga siya saglit. Bored siya ngayon at wala pa siyang makausap.

Tinawagan niya kanina si Soonyoung pero hindi naman siya sinasagot. Tinext lang siya na busy ito kaya hindi niya na magawang istorbohin.

Bumangon siya ulit at kinuha ang phone niya.

Saka dinial ang number ng lalaking hindi tumawag simula kahapon.

Calling Beanie. . .

Ringing. . .

Tumitig lang siya sa phone niya hanggang sa lumabas sa screen niya ang mga salitang call ignored.

"Galit ka ba sakin?" Pagkausap ni Gyu sa phone niya. "Bakit ayaw mo sagutin?"

Muli niyang idinial ang number.

Calling Beanie. . .

Ringing. . .

"Tagal." Reklamo ni Gyu habang nakasimangot. Lumingon siya sa isa pang phone na nasa tabi niya lang-

-at nagtaka siya nang makitang nakabukas ito.

Kunot noo niyang kinuha ang phone ni Wonwoo saka nagulat nang makita ang mikuyg calling sa screen nito.

Natapos sa call ignored  ang tawag ni Gyu kay Beanie at kasabay non ang pagbalik sa lockscreen ng phone ni Wonwoo.

Nagpapalit palit ang tingin ni Mingyu sa phone niya at phone ni Wonwoo. Nanatiling nakakunot ang noo niya at walang ibang tumatakbo sa isip niya ngayon kung hindi pagtataka.

Muli niyang idinial ang number ni beanie.

Tinignan niya ang cellphone ni Wonwoo,

Mikuyg Calling. . .
Accept | Decline

Napatitig si Gyu sa dalawang phone na hawak niya ngayon. Hindi niya alam kung anong mararamdaman ngayon; kung magugulat ba siya o magtataka.

O pwede ring magulat siyang iisa lang pala si Wonwoo at Beanie at magtaka dahil of all people, paanong siya ang natipuhan ng isang Wonwoo Jeon?

××

Too much for a sasaengWhere stories live. Discover now