sixteen

650 50 64
                                    

Hinga, Wonwoo, hinga.

"Sadya mo ko?" Ngiting ngiting tanong ni Seokmin. Ngumiti naman pabalik si Wonwoo kahit ang totoo'y kabadong kabado siya lalo na nang makitang tinignan siya ni Mingyu.

Nag bow lang siya, nag iisip kung anong pwedeng sabihin. "Makikiraan lang." Sagot ni Wonwoo.

Nagpeke ng tawa si Seokmin, "ah, haha. Ang lawak naman ng lobby pero sumiksik ka pa sa pwesto ko. Free ako mamaya after lunch."

Napakamot sa batok si Wonwoo at magsasalita pa sana kaso nakita niyang may inabot sakanya si Mingyu. "Phone mo nga pala." Aniya. "Saka ano," nagclear throat si Gyu, "may tumawag kagabi diyan. Mikuyg pangalan?"

Natigil si Wonwoo sa narinig. Gusto niya nang magpabatok at magpasampal sa noo. Nagkatotoo yung kinatatakutan niya kagabi.

Kilala na siya ni Mingyu.

"Di mo kukunin?" Tanong ni Mingyu kaya agad nang kinuha ni Woo ang phone niya.

"Salamat." Nauutal niyang sabi saka yumuko para itago ang pisngi niyang nangangamatis na sa pula. "Ah ano, una na ako." Lalakad na sana si Wonwoo nang magsalita nanaman si Mingyu.

"Bagay sayo yang suot mong beanie." Sabay na tinignan ni Wonwoo at Seokmin si Mingyu nang sabihin niya yun. "Bakit?" Takang tanong ni Gyu dahil sa biglang pagtingin ng dalawa sakanya.

Sinimangutan ni Seokmin ang kaibigan kaya natawa lang si Mingyu at nagkibit balikat. "Free ka mamayang lunch?" Tanong ulit ni Mingyu kay Wonwoo kaya lalong natameme si Woo.

"Uhm-" naputol sa pagsagot si woo nang biglang sumingit si Seokmin.

"Hindi naman kita pinipilit na sumabay sakin mamayang lunch. Haha mukanggago lang 'tong kasama ko." Ani Seokmin. "Pero free ka nga mamaya?"

Saglit na tahimik lang si Wonwoo bago tumango bilang sagot. Lalong lumawak ang ngiti ni Seokmin habang pasimpleng kinukurot sa tagiliran si Mingyu dahil sa kilig.

"Una na ako." Paalam ni Wonwoo at kahit hindi pa nakakasagot ang dalawa, dali dali na siyang umalis.

Kasing bilis ng lakad ni Wonwoo ang tibok ng puso niya. Unang beses itong makita niya ng malapitan si Mingyu at makausap ng medyo matagal matapos ang isang taong pang stalk sakanya. Gusto niyang magwala sa kilig pero hindi pwede, kasi alam niyang hindi ganoon ang pagkakakilala sakanya.

Pinipilit niya pa ngang hindi ngumiti habang naglalakad patungo sa room niya. Kinikilig siya, at wala siya sa tamang pag iisip para itanggi yun.

Biglang nag ring ang phone niya kaya kinuha niya yun mula sa bulsa.

Mikuyg calling. . .

Accept | Decline

"Beanieeeeeeeeeee"

".."

".."

".."

".."

"Tangina mo."

"Wow lutong."

"Bakit ka ba tumawag?"

"Masama?"

"May klase ka diba?"

"Absent teacher namin."

"Okay."

"..."

"..."

"Beanie."

".."

".."

"Bakit"

"See you later."

Call ended.

"Uhm, Wonwoo Jeon?" Nalipat ang tingin ni Wonwoo mula sa phone patungo sa teacher niya na nasa harap. Napansin niya ring pinagtitinginan siya ng mga estudyante habang naglalakad siya papunta sa upuan niya. "Okay ka lang ba, Wonwoo?" Tanong ng teacher na siyang tinanguan niya habang nakangiti.

Nagulat ang guro nang ngitian siya ni Wonwoo. Bihira lang kasi kung ngumiti ang binata at mas madalas ay napakaseryoso lang ng mukha nito. Naisip tuloy ng guro na baka kinukumbulsyon na si Wonwoo o baka nasapian.

"Okay ka lang talaga?" Tanong ni Wonwoo.

"Yes ma'am, bakit po?" Nakangiting sagot ni wonwoo.

Saglit na natahimik ang lahat at nagkatinginan. Nilibot rin naman ni Wonwoo ang tingin sa buong klase hanggang sa may mapansin siya kaya agad siyang napasampal sa noo.

"Maling room ang pinasok mo, Wonwoo Jeon."

-

+NABALIK KO YUNG NAWALANG DRAFTS HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAYAHAYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAA BOMBAYAH

Too much for a sasaengWhere stories live. Discover now