seven

716 61 78
                                    

Pumangalumbaba si Mingyu habang nakatitig kay Soonyoung, "o, bakit mo nga ako niyaya lumabas?"

"Tinanong lang kita kung may ginagawa ka."

"Ganun na rin yun."

Tinignan ni Soonyoung si Mingyu, kaya ngumiti si Gyu ngunit irap lang ang natanggap sa kaibigan.

Hinalo ni Soonyoung ang lugaw nang malagyan ito ng kalamansi, saka kumain at hindi na nag abalang sagutin ang tanong ni Mingyu.

Si Mingyu nama'y nanatili lang sa pagtingin sa kaibigan. Tila ba hindi siya nagsasawang pagmasdan ang singkit nitong mga mata, ang makinis nitong balat at ang matatabang pisngi.

Kaya siguro hindi niya makitang gusto ko siya kasi maliit mata niya. Aniya sa isip.

"Wag mo kong titigan, itim. Nakakainis." Sambit ni Soonyoung matapos tignan ng masama si Gyu.

Natawa naman ang binata, "anong masama sa pagtitig?" Tanong niya. "Pumayat ka."

Nagulat si Soonyoung, saka tinignan ang mga braso. "Weh? Totoo?" Nakangiti nitong tanong.

Tumitig sakanya si Mingyu ng ilang saglit bago sumagot, "'di ka naman mabiro."

Sinamaan siya ng tingin ni Soonyoung, "bwisit ka. Alis na nga."

Tumawa lang si Mingyu, may kasama pang paghampas sa lamesa at paghawak sa tiyan na akala mo sobrang nakakatawa talaga ang sinambit kahit sa totoo, sobrang ikinainis lang ni Soonyoung ang sinabi niya.

"Di nakakatuwa a." Ani Soonyoung saka tinulak palayo ang kinakaing lugaw. "Nagpapapayat ako para pansinin ni Seokmin. Kasi feeling ko may iba siyang gusto."

Natigil sa pagtawa sa Mingyu.

"Madalas na siyang bumisita sa simbahan ngayon, tapos balita ko ang aga niya nang umuwi. Tapos hindi na siya nagka-cutting, tapos tambay na siya sa library tapos nagpepray na siya bago kumain sa canteen." Sabi ni Soonyoung saka pumangalumbaba, "isa lang naman ibig sabihin nun."

"E sino namang popormahan niya?" Tanong ni Mingyu, na ngayo'y naka cross arms na.

"Hindi ko alam." Bumuntong hininga si Soonyoung. "Ayoko na, naistress na ako."

Napangiti si Mingyu, "mag hanap ka na kasi ng ibang magugustuhan." Payo niya.

"E siya nga gusto ko! Siya lang!" Mariing sagot ni Soonyoung habang nakakunot ang noo.

Nagkibit balikat si Mingyu, "gusto mo nga siya, gusto ka ba niya?" Tanong niya.

Wow, natamaan ako dun.

Hindi sumagot si Soonyoung na nakakunot parin ang noo at mukhang stressed na nga. Ngumisi si Mingyu, "hindi lang naman kasi siya ang nag-iisang lalaking gwapo ngumiti." Aniya saka ngumiti ng pagkalawak lawak.

Ngumiti si Soonyoung pabalik, pero sa paraang pakutya. "Tantanan mo nga ako, Mingyu baka masipa kita." Pagkasabi niya nun, agad siyang napasapo sa mukha. "Seokmin nanaman!" Sigaw niya.

"Ewan ko sayo." Tumayo si Mingyu, "gusto mong ice cream?"

Umiling si Soonyoung, "sure?" Tumango siya.

"Bili lang ako, 'don." Paalam niya na tinanguan lang naman ng nakapangalumbabang si Soonyoung.

Umalis sa lugawan si Mingyu para pumunta sa ice cream shop sa kabilang kalsada.

Nang makarating, agad siyang pumunta sa counter. May lalaki pa sa harap niya at inaantay ang biniling sorbetes kaya naisipan niyang tumayo nalang sa likod nito.

Naibigay ang ice cream sa lalaki, kaya umorder na si Mingyu, "isang sundae po."

"Ay puta." Rinig niyang bulong ng lalaki sa harap niya.

Nangunot naman ang noo ni Mingyu, pero naisipang huwag nalang pansinin ito.

"Wait lang sir ha." Sabi sakanya ng nagtitinda saka binaling ang tingin sa lalaki sa harap niya. "Sir, wala na po kasi akong barya baka may 5 pesos po kayo diyan?"

"Ha? Wala na e." Halos hangin nalang ang lumabas sa mga salita ng lalaki.

Nangunot ang noo ng nagtitinda, "bigla ata kayong namaos, sir?"

Umiling lang ang lalaki. Nanatili lang si Mingyu sa likod nito hanggang sa masuklian na ng tindero ang lalaki, saka umalis na ito.

Nang makabili ng ice cream, agad ring bumalik sa lugawan si Mingyu at naabutan si Soonyoung, na nakangudngod na ang mukha sa lamesa.

"Ano na nangyari sayo?" Tanong ni Gyu pagkaupo.

Inangat ni Soonyoung ang ulo para tumingin sa binata, saka umiling, "wala, walang nangyari. Walang mangyayari. Di niya ako gusto e."

Napangiti nanaman si Mingyu, "may magugustuhan ka ring iba."

××

+Ano na ba 😂😂😂😂

Too much for a sasaengWhere stories live. Discover now