eighteen (minus one?)

842 49 31
                                    

To: Mikuyg

Hoy humihinga ka ba.

Sent 6:12 am

Saglit na tumitig sa phone niya si Wonwoo bago maisipang bumangon na para mag asikaso. Nag linis  na ng katawan si Wonwoo at nagbihis bago bumaba sa kusina. "Aga." Aniya nang maabutan ang kapatid na kumakain na.

"Pake mo." Sagot sakanya ni Seulgi, nakababata niyang kapatid, habang nilalagyan ng jam ang tinapay na hawak.

Dirty dirty jam jam.

Umupo si Wonwoo sa upuan na tapat lang ng inuupuan ng kapatid saka kumuha na rin ng tinapay para kumain. "Diba foundation day niyo?" Tanong niya kay Seulgi.

Tumango lang naman ang kapatid niya. "O, bakit ganyan suot mo?" Tanong ni Wonwoo na tinutukoy ang suot ngayon ni Seulgi na pantalon at maluwag na t-shirt. Pati na rin ang sumbrerong sinuot niya pabaliktad at ang buhok niyang tinago niya sa sumbrero.

Tinignan ni Seulgi ang sarili, "tao naman ako a?"

"Sinabi ko bang hindi?"

"E parang ganon pagkakasabi mo e. Adik ka?"

Napailing si Wonwoo habang natatawa sa sagot ni Seulgi, "parang hindi ka babae."

"Parang hindi ka lalaki." Agad tinignan ni Wonwoo si Seulgi nang sabihin niya yun. Ngumisi lang naman si Seulgi saka nag peace sign. "Charot lang hyung." Pagbawi niya.

"Charot?" Tanong ni Woo habang nakakunot ang noo. Tinaasan naman siya ni Seulgi ng kilay. "Di mo alam ang charot?" Tanong sakanya kaya agad siyang umiling.

"Tao ka ba?" Di makapaniwalang tanong ni Seulgi sa kuya niya.

"Tanong ba yan ng taong normal?" Tanong ni Wonwoo habang puno ng pagkain ang bibig. Pero hindi iyon pinansin ng kapatid niyang puno rin ng pagkain ang bibig at sinagot siya, "di ka halatang tao."

Sasagot pa sana si Wonwoo nang biglang magvibrate ang phone niya at nagbukas dahil nakarecieve ito ng message.

From Mikuyg

Asa school ka na, 'go? Kakagising ko lang. Good morning! :)

Sent 6:43 am

"Muntanga, ngumingiti mag-isa." Ani Seulgi saka kumagat sa hawak na tinapay habang nakatingin kay Wonwoo na ngayo'y nakatitig sa phone niya at nakangiti. "Luh, di namamansin."

Tinignan naman ni Wonu si Seulgi, this time nabura na ang ngiti niya sa labi at nakapinta na ulit ang masama niyang tingin sa kapatid, "diba alasyete pasok mo? Male-late ka na a?"

"Foundation namin, ungas." Sagot ni Seulgi.

"Ah okay, mabulok ka na diyan sa kinauupuan mo."

Sinipa ni Seulgi sa tuhod ang kapatid niya, "mabulok rin sana yang cellphone mo pati textmate mo."

Tumango lang si Wonwoo at nagpatuloy sa pagkain.

Saglit na tumahimik ang magkapatid. Pero saglit lang yun. Wala naman kasing nagtatagal. (Charot!)

"Hyung sino yang nilalandi mo?"

Tinignan ni Wonu ang kapatid na seryosong nakatingin sakanya. Natawa naman siya, "nakadrugs ka?"

"Hindi, ikaw ba?" Hindi sumagot si Wonwoo at nagbalik nalang sa pagkain ng almusal niya. Pero hindi parin nagpatinag si Seulgi, "di nga, hyung, seryoso... may boyfriend ka na?"

"Wala." Diretsong sagot ni Wonwoo, "ikaw, meron ka na?"

"Nakakainsulto 'yang tanong mo hyung a. Pasapak nga." Ani Seulgi. "Puro torpe kasi mga nagkakagusto sakin kaya single ako."

"Landi mo."

"Mana sayo, hyung."

From Mikuyg

'Go? Asa school ka na? Naks di nagreply, senpai notis me po?

Sent 7:04 am

To Mikuyg

Otw.

Sent 7:04 am

Umiling iling nalang si Wonwoo bago tumayo at ligpitin ang pinagkainan. "Mabulok ka sana diyan sa upuan mo, una na ako." Aniya pagkatapos magligpit at aalis na sana, kaso nagsalita ang kapatid niya.

"Sana hindi ka ulit magpakatanga sakaling lumandi ka ulit, hyung." Nagcross arms si Seulgi at sumandal, "Mabulok ka rin."

××

+trivia 002

Alam niyo bang

Humihinga tayo

Too much for a sasaengWhere stories live. Discover now