Caught
"Putangina naman!" Anas ko ng may bumuhos sakin ng malamig na tubig. Tangina kasi ang aga aga.
"Wag mo 'kong pinuputang ina dyan Ellaine! Bumangon ka na at magbihis! Jusko kang animal ka! Kailangan ka pang buhusan ng tubig para magising dyan! Tanghaling tapat na. Hindi ka ba papasok?!" Galit na bulyaw ni inang sakin sabay pingot sa tenga ko. Kingina ang sakit.
"A-Aray. Opo inang. Puyat lang naman ako kagabi eh. Alam mo naman raket ko diba?" Paawang sabi ko. Oo nga pala't dancer ako sa bar pag gabi. Ellaine na estudyante sa umaga, Scarlet na dancer sa bar pag gabi. Ayaw ni inang na pumasok ako sa ganong trabaho pero wala na akong magagawa. Ito lang ang pwedeng trabaho na mataas ang sweldo para sa mga hindi nakagraduate.
"Oo na. Oo na dyan. Basta sinasabi ko sa'yo 'to Ellaine ha. Wag na wag mong ibibigay ang bataan mo kahit kanino o basta basta dyan sa mga costumers mo! Kahit gwapo pa yan o mahaba, wag na wag mong ibibigay yan."
"Oo naman 'nang! Alam mo naman na kahit sexy at maganda 'tong anak nyo eh hindi ko ibibigay ang bataan ko." Masiglang sabi ko kay inang sabay akbay sa kanya at halik sa pisngi. Ganyan kami kaclose ni inang.
"Siguraduhin mo lang Ellaine. Alam mo naman ayokong magaya ka sa'kin na maging puta. Alam ko hirap nyan Ellaine kaya wag na wag ha? Mag-aral ka din mabuti para di ka magaya sa'kin." Malungkot na saad ni inang. Oo nga't binansagan sya sa lugar namin na puta. Ito'y dahil yun nga ang trabaho nya. Pero ba't ba nila sya hinuhusgahan? Di naman sya nananakit ng tao ah. Kaya lang naman ginagawa ng inang nya yun ay para may maipangtustos sya sa pag-aaral naming magkakapatid.
Apat kaming magkakapatid. At ako ang panganay. Ang sabi ni tita Sasha Aussie daw ang tatay ko pero ni minsan ay di ko sya nakilala o nakausap manlang. Ni hindi ko pa nga sya nakikita. Si Andreau naman akong sumunod sakin. Anak sya ni inang sa isang hapon. Pero ang balita ko ay may ibang pamilya nang mabuntis nya si inang. Ang bunso naman namin ay kambal na si Sam at Jam. Anak sila ni inang sa isang Pilipino pero kalaunan ay iniwan din nya kami dahil di na nya masikmura ang trabaho ni inang. Pero wala ng pake dun si inang. Ang mahalaga sa kanya ay mabuhay kaming magkakapatid. At kahit ganon ang trabaho nya eh proud na proud kami sa kanya.
Ako'y naligo na para makapasok na sa University na pinapasukan ko. Nakakuha ako ng scholarship dun pero 50% lang dun ang mababawas sa tuition ko. Ang 50% naman ay pinaghihirapan kong kitain kada gabi. Kumukuha ako ng kursong Accountancy. Ang unibersidad na pinapasukan ko ay isa sa pinakaprestihyusong unibersidad sa bansa. Ewan ko ba kay inang at dun pa ako pinag-aral eh ang mahal mahal ng tuition.
"'Naaaaang! Alis na po ako!" Sigaw ko upang marinig ni inang na nagluluto sa kusina.
"Oo sige na! Kelangan mo pa ba ng baon?"
"Hindi na 'nang! May natira pa naman sa kinita ko kagabi eh."
"Sige. Ingat ka at umuwi ka ng maaga."
"Opo 'nang! Pasabi na din kay tita Sasha na hihiram ako ng damit nya mamaya para sa susuutin ko mamayang gabi, ha?" Si tita Sasha ang baklang ninong ko. Matalik na kaibigan yan ni nanay dati pa. Sya ang tumutulong sa'min pag kami'y nagkaproblema. Pwera nalang pag pera ang usapan dahil kapos kami lahat dito. Sya din ang nag-alok sa'kin na magsayaw sa bar na pinagtatrabahuhan nya.
- - - -
BINABASA MO ANG
Lipstick Stain
RomanceI might be your worst destruction. You're a perfect man with a great future ahead of you. A lot of people respects you. Perfection is a part of your life. I'm a woman full of flaws and imperfections. We're total opposites. You're like heaven and i'm...