Deal
"Huy babaita! Magbihis ka na at simulan mo nang gumiling at maghanap ng fafa. Uhm~" Malanding saad ni tita Sasha. Hay naku. Tungkol na naman sa lalaki.
"Ano ka ba tita! Sasayaw lang ako pero di ako magpapatable noh!" Inis kong sabi. Pero alam ko namang hindi ako hahayaan ni tita Sasha na itable ng kahit sinong lalaki. Syempre mahal na mahal kami nyan.
"Oo alam ko. Ito naman di mabiro. Che!" Natatawang sabi nya. Tumalikod na sya at kinuha ang susuutin ko mamaya pangsayaw. Medyo revealing yun pero sanay na ako. Sinimulan ko nang isuot ang makinang na pulang tube dress. Isinuot ko din ang bigay ni tita na stilettos. Alam kong madami sya nun dahil lagi syang bumibili sa tiangge at pag may extra siyang pera ay bibilhan na din nya ako. Pero mahirap kuhanan ng size ang paa ko dahil siguro sa american size nito. Pagkatapos nun ay nag-apply na din ako ng makapal na make up para mas seductive ang look.
"Oh ayan. Ready ka na! Omg ang ganda! Galingan mo mamaya ha para meron kang dagdag sa sweldo mo." Pagkasabi nya'y kumindat sya at umalis na.
"Oo naman tita! Ako pa. Di ko sasayangin ang malaki kong puwet." Pagmamalaki ko. Oo nga't asset ko ang malaki kong dibdib at pang-upo. Maliit din ang bewang ko at matangkad ako na sa tingin ko ay dahil sa may lahi akong banyaga. Di rin ako umiitim kapag nagpapaaraw, pero namumula ang aking balat. Di ko na rin kailangan ng makapal na make up pag ako'y lumalabas ng bahay dahil natural na mahahaba ang aking pilikmata at makakapal ang aking kilay. Naglalagay lang ako ng makapal na make up pag ako'y sasayaw sa bar na pinagtatrabahuhan ko.
"Aba'y dapat lang! Wag kang magpatalo dun sa mga ibang babae doon. At least ikaw fresh. Yung mga yoon ay laspagera na. Oh ha!" Saad ni tita. Kapag kasi nagustuhan ng may-ari ng bar ang sayaw namin ay dadagdagan nya ang sweldo namin depende sa reaksyon ng mga customers. Nagdadagdag din kasi sila ng tip base sa pagsayaw namin. Minsan nga'y may nagbigay ng tip sakin na amerikano na isang libong piso. Yayamanin! Ang maganda lang dito'y hindi ka nila gagalawin hindi gaya sa mga pokpok dun na puwedeng itable at ikama. Alam kong mas mataas ang bayad sa kanila pero ni minsan ay di pumasok sa isip ko na pumasok sa ganoong trabaho. Isa na din sa dahilan ay sa pag-ayaw ni inang.
"Oh sya sya inang. Halika na." Pag-aaya ko dahil baka mapagalitan na naman ako sa pagiging late. Jusko lagi nalang.
- - - -Luigi's POV
"Dude, ba't ba naisipan mong dito pa magbar eh ang cheap dito. Why don't we go to Alexander's?" Maarteng sabi ni Gab. Ang arte arte ng lalaking 'to. Parang babae.
"Eh 'di ikaw pumunta mag-isa. Palagi nalang tayo doon. Why don't we try a new environment, right?" Saad ni Chase habang naninigarilyo. Nagsisumula na syang halikan ang leeg ng kanyang tinable.
Hindi ko nga alam kung bakit dito pa kami pumunta. Sa lahat ba naman ng sikat na bar eh dito pa. My friends are fond of having a lot of adventures so they're trying to go to different places. Kaya't sumasama nalang ako. Luminga linga ako sa bar at natuon ang pansin ko sa babaeng nagsasayaw sa stage. Iniisip ko na parang pamilyar ang babaeng iyon. It's like I've seen her somewhere.
"Dude, ba't nga pala di mo sinama si Sharmaine dito?" Sabi ni Vlade pero di ko siya pinansin dahil nakatuon pa rin ang paningin ko sa babaeng nagsasayaw.
"Uy! Ano ba 'yang tinitignan mo?" Nagtatakang tanong nya kaya't sinundan niya ng tingin kung anuman ang tinitignan ko.
"Ah! Si Ellaine yun ah. Yung sikat doon sa Accountancy department. Balita ko nga'y ang daming nanliligaw d'yan pero walang inientertain. Pakipot kumbaga. Pero bakit sya nandito at nagsasayaw sa bar?" Nagtatakang tanong na naman nya pero hindi ko sya sinagot. I remembered. She's the girl who interrupted my make out session with whoever that girl is. Pinasadahan ko ng tingin ang hubog ng katawan nya. Hindi man kita ang magandang hubog ng katawan nya sa uniform na suot nya ay kitang kita naman ngayon sa suot nyang pulang dress. Nag-iinit ako habang tinitignan ko bawat galaw niya na sumasabay sa tugtog ng musika sa bar. Hindi ko akalaing ganito pala ang kanyang trabaho.
BINABASA MO ANG
Lipstick Stain
RomantizmI might be your worst destruction. You're a perfect man with a great future ahead of you. A lot of people respects you. Perfection is a part of your life. I'm a woman full of flaws and imperfections. We're total opposites. You're like heaven and i'm...