Deal (Part II)
Nang bumalik ako sa kwarto ng kapatid ko ay nakita kong nakatuon ang paningin nilang lahat sa akin at parang nagtataka. Lumapit agad naman sakin si tita Sasha.
"Hoy Jergen, sino naman ang lalaking yun aber? Boypren mo ba? Jusko fafa!" Malanding sabi ni tita Sasha sabay hampas sa braso ko.
Kung pwede lang.
Gusto ko tampalin ang sarili ko dahil sa naisip ko na 'yon. Ano ba naman. Maghunos dili ka!
"Hindi tita noh. Di mo ba yun kilala? Siya yung unico hijo ng mga Monteverde." Sabi ko naman sa kanya.
"Aba jusko! Iyon ba yung may-ari ng M&J telecom? Puta naman Jergen! Saan mo nahanap iyon?" Exaggerated na saad ni tita Sasha habang nakakapit sa pader ng kwarto sa ospital.
Saan ko nahanap? Edi doon sa school. Nahuli kong muntikan nang may makatalik.
Umiling ako at binura sa isip ko ang alaala ng hubad na katawan ni Luigi. Jusko hindi ko siya pinagnanasahan noh. Pramis!
"Ha? Ah eh basta! Mahabang kwento." Sabi ko. Ang kulit kasi.
"Eh handa naman ako makinig. Dali na." Pangungulit ni tita Sasha sa akin. Jusko naman. Hindi ito titigil hangga't di nya nakukuha gusto niya eh.
"Aba'y huwag mo ng kulitin yan. Pero nak, sino ba talaga yun?" Tanong ni inang.
"Ha? Eh diba kakasabi ko lang. Sya si Luigi Xerxes Monteverde. Iyong unico hijo ng mga Monteverdes." Paliwanag ko naman. Aba't sobrang kulit naman ni inang.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Ang sakin lang eh, sino ba 'yong Luigi na yun sa'yo?" Makahulugang tanong ni inang.
"Hay naku inang. Isa ka din palang makulit. Ah basta! Kakilala o kaibigan." Saad ko. Aba't hindi ko nga alam kung matatawag ko ba iyong kaibigan samantalang kakakilala ko palang naman dun.
"Harujusko. Ang inaanak ko kumekerengkeng na. Aba'y hindi na ako magtataka kung mainlab yung lalaking yun sa'yo eh sa mukha mo ba namang yan. Madami ngang nagsasabi na magkamukha tayo eh. Hihihi." Pabebeng sabi ni tita Sasha. Ano na naman kayang naisip neto at mukhang nananaginip na naman ng gising.
"Aba'y hindi naman mukhang alipunga ang anak ko noh. Tsaka mukha kang tambay sa kanto. Ang laki laki ng katawan mo. Pa-Sasha Sasha ka pa ng pangalan eh ang tawag naman sa'yo ng tatay mo noon eh badong!" Pang-aasar ni nanay kay tita Sasha. Natawa naman ako dahil maskuladong tao si tita Sasha kahit na isa siyang bading. Tsaka Bartolome ang totoong pangalan niyan. Hindi ko nga alam kung saan nya napulot yang pangalang Sasha.
"Aba. Ang kapal naman ng mukha mo! Baka gusto mong tahiin ko yang keps mo." Singhal ni tita Sasha kay inang.
"Oh tama na yan. Baka kung saan pa mapunta yan. Tumahimik nalang kayo at baka mastress si Jam." Sabi ko naman sabay lapit sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok.
Huwag kang mag-alala, Jam. Gumagawa na si ate ng paraan para gumaling ka at makapagbayad na tayo ng hospital bills.
- - - - -Luigi's POV
I already paid for Ellaine's sister's hospital bills. I really wanted to help them without her repaying me. But if I insisted that offer, she might get offended and feel like she's indebted to me.
![](https://img.wattpad.com/cover/103571742-288-k950042.jpg)
BINABASA MO ANG
Lipstick Stain
RomanceI might be your worst destruction. You're a perfect man with a great future ahead of you. A lot of people respects you. Perfection is a part of your life. I'm a woman full of flaws and imperfections. We're total opposites. You're like heaven and i'm...