Chapter Five

13 3 0
                                        

Overnight

Ellaine's POV

Nang matapos kami kumain ay nagtungo na kami sa kwarto namin ng kambal. Doon gustong patulugin ni inang si Luigi kahit pwede namang sa kwarto nalang nila ni Andreau.

Tumungo naman si Luigi sa banyo namin para magbihis. Pinahiram siya ni tita Sasha ng damit ng tatay niya. Akala ko ay di niya iyon tatanggapin dahil kupas na ito at mukhang basahan kumpara sa lagi niyang sinusuot pero sa halip ay tinanggap niya iyon at nagpasalamat.

Inayos na namin ang tutulugan namin. Humiga na ang kambal. Nilatag ko na rin ang banig sa papag pati na rin ang mga unan. Pagkatapos naman namin mag-ayos ay saka pumasok si Luigi sa kwarto.

"Sam, tabi nalang tayo dito sa papag para diyan matulog si kuya Luigi mo." Utos ko kay Sam dahil iisa lang ang higaan sa kwarto namin. Sa papag ako lagi natutulog at ang kambal naman ay sa kama.

Tumango naman si Sam. Nang tatayo na sana si siya ay bigla namang tumanggi si Luigi.

"The twins should stay on the bed. Okay lang naman sa'kin dito sa papag. Tabi nalang tayo." Sabi niya sabay hila sa'kin sa papag.

Natahimik naman kami nang pinatay na ni Jam ang ilaw sa kwarto. Sa tingin ko ay tulog na agad ang kambal pero hindi ang katabi ko. Sobrang likot.

"Huy. 'Wag masyado dumikit. Sumbong kita kay inang eh." Sabi ko dahil umusog pa ito sa akin.

"Hindi ako makatulog eh." Sabi niya sabay dantay ng binti niya sa bewang ko.

"Ano ba! Ang kulit mo naman eh. Sabi ko na nga ba hindi ka makakatulog dito eh." Bulong ko sa kanya dahil baka magising ang kambal.

"Sorry naman. Magkwento ka muna para makatulog ako."

"Ano naman ikukwento ko sa'yo aber? Fairytale? Ano ka bata?" Mahinang sabi ko sa kanya na may pang-uuyam.

"Nope. Basta magkwento ka ng kung ano ano para makatulog ako." Sabi niya. Umusog na naman siya papunta sa akin kaya siniko ko siya.

"Ikukwento ko nalang sa'yo yung buhay namin. Pero magkwento ka rin ng sa'yo, okay? Para fair." Sabi ko.

"Deal. Okay start."

"Since birth, 'di ko nakilala o nakita manlang ang papa ko. Magkakaiba ang tatay naming magkakapatid. Si inang nagbebenta siya ng laman. Yun lang kasi kaya niyang trabaho kasi elementary lang naman natapos niya. Nung una nahihiya kami dahil sa kanya pero kalaunan narealize namin na ba't naman namin siya ikakahiya eh siya na nga gumagawa ng paraan para mabuhay kaming magkakapatid. Proud kami sa kaniya kasi kahit ang hirap ng buhay niya eh hindi niya naisipang ipalaglag kami." Mahabang kwento ko sa kaniya. Naramdaman ko naman gumalaw siya at hinaplos ang braso ko.

"Go on."

"Walang wala kami noon. Maski tulong ni tita Sasha sa amin eh kulang pa rin kaya nagdesisyon akong magtrabaho sa bar. Wala akong choice eh. Ano ba naman makukuha kong trabaho eh highschool graduate lang naman ako. Kung meron man, hindi naman kasing laki ng sweldo sa bar. Titiisin ko para sa pamilya ko. Kaya nga nag-aaral ako mabuti para pag nakapagtapos na ako ng pag-aaal at nakagraduate ako, matutulungan ko na si inang at mapag-aaral ko na ang mga kapatid ko sa magandang paaralan at hindi lang sila basta kumakapit sa scholarships." Dagdag ko pa sa kwento ko sa kanya. Napansin kong tahimik na siya kaya inisip ko nalang na siguro ay nakatulog na ito. Pero bigla naman itong nagsalita.

"I know you'll succeed on your dreams. A girl with goals in life is for keeps. Don't worry. I'll help you kung may problema ka man. Don't hesitate to tell me, okay?"

Lipstick StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon