A/N
Omg sorry ngayon ko lang naupdate to 😂😂 Tinapos ko lang yung Goblin at Lotbs 😍💯 Sino kdrama fan sa inyo? Feel free to message me. Usap tayo ♥️
- - -Luigi and Friends
Ellaine's POV
Naglalakad ako pauwi nang sunod-sunod na nagvibrate ang phone ko. Tinignan ko ito at napangiti ako. Loko talaga.
"Ingat pauwi! Oh. Wag na magtext baka mabangga ka 😂"
Nakatanggap ako ng maraming text kay Luigi pero hindi ko nalang binasa ang iba. Kulit talaga.
Nang makarating ako sa bahay ay pupuntahan ko sana si inang para magmano pero narinig kong nag-uusap sila ni tita Sasha sa kwarto. Hindi muna ako pumasok doon at nakinig sa pinag-uusapan nila.
"Ano ba Minerva! Ba't ba balak mo pang balikan 'yong gagong 'yon eh iniwan ka na nga niya dati. Gaga ka ba?" Narinig kong sigaw ni tita Sasha kay inang. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
"Anong balikan? Hunghang! Nag-usap lang kami. Napaka-OA mo talaga kahit kelan. Tsk."
"Eh saan din ba ang punta niyan? Eh diba magbabalikan din lang kayo? Wag ako ha. Alam ko galawan mo. I'll be honest with you na teh. Hindi kayo bagay kasi mayaman sya, 'kay?"
"Ano ka ba. Natuto na ako. Napakajugdmental naman neto oh."
"Mahabaging Diyos, Minerva! Kahit na mayaman yang gagong yan 'wag na 'wag kang papatol ulit diyan kundi itatahi ko na talaga yang keps mo." Pagkatapos namang sabihin ni tita Sasha 'yon ay narinig kong tumawa ng malakas si inang.
"Ate ano ginagawa mo diyan?" Sa gulat ko ay nauntog ulo ko sa pinto. Nakita ko naman ang nagtatakang ekspresyon ni Andreau.
"K-Kanina ka pa ba diyan, 'nak?" Nauutal na tanong ni inang sa'kin.
"Ah opo 'nang. Ano po ba 'yong pinag-uusapan niyo?" Tapang kong tanong habang hinihimas ang noo ko.
Pucha. Sa susunod talaga di na ako makikinig sa iba ng patago.
"Ha? Ah wala yun, Ellaine. Oh andito na pala kayo ni Andreau. Gusto niyo ba ng makakain? May meryenda diyan sa kusina kuha nalang kayo." Sabi ni inang at dumiretso na siya sa kusina. May tinatago ba siya sa amin?
- - - - -Luigi's POV
I sat on the couch as I scroll on my facebook's newsfeed. Nagvibrate naman ang phone ko kaya tinignan ko at nagtaka ako kung ba't madaming messages. Isa-isa ko 'yong binuksan.
"Kuya Luigi, totoo bang nagdidate kayo ni ate Ellaine? Edi break na kayo ni ate Sharmaine?"
"Dude, usap-usapan na yung gulo niyo kanina ni Chase. Pati si Ellaine at Sharmaine nadadamay. Usapan-usapan na din sila sa school."
"Luigi, what happened earlier?"
"Bro, anong nangyari sa inyo ni Chase kanina?"
"Omg baby Gigi 😭 Ba't si Ellaine pa pinatulan mo? Pwede naman ako? 😭💔"
I stopped reading their messages. Kumunot ang noo ko dahil sa bilis ng pagkalat ng balita tungkol sa kaguluhan kanina. Stupid rumors. Nadadamay pa si Jergen.
BINABASA MO ANG
Lipstick Stain
Roman d'amourI might be your worst destruction. You're a perfect man with a great future ahead of you. A lot of people respects you. Perfection is a part of your life. I'm a woman full of flaws and imperfections. We're total opposites. You're like heaven and i'm...