Chapter Four

17 3 0
                                    

Ellaine's Home

Ellaine's POV

Pagkatapos akong ihatid ni Luigi sa bahay namin ay nagdedesisyon ako kung sasabihin ko ba kila inang o hindi ang offer ni Luigi sa akin. Gulong gulo ako. Hindi ko alam kung igigive up ko ba ang pagsasayaw ko sa bar o tatanggapin ko ang offer niya. Kaya naisipan kong kausapin si inang.

"'Nang, may tanong ako." Sabi ko kay inang na parang wala sarili.

"Oh ano 'yon?" Pagsagot ni inang habang siya ay nagmomop ng sahig.

"Pano kung may nag-offer sa akin ng trabaho na disente tsaka mas mataas ang sweldo kesa sa nakukuha ko sa bar pero hindi ko naman masyadong kilala ng lubusan. Tatanggapin ko ba?" Tanong ko.

"Eh di nasa sa'yo na 'yon. Pero dapat sa palagay mo ay mapagkakatiwalaan ang nag-aalok sa'yo ng trabaho at saka depende na rin sa inaalok niya. Bakit, may nag-aalok ba sa'yo? Anong trabaho? Sino 'yon?" Sunod-sunod na tanong ni inang. Ito ang ayoko kapag may ipagtatapat ako sa kanya. Andaming tanong at back-up questions.

"Eh 'nang, kasi.. gan'to kasi.. Uhmm.. Y-Yung.. Ano--" Sabi ko pero hindi ko masabi kay inang dahil hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Pero agad naman niyang pinutol iyon.

"Ano ba Ellaine? Sabihin mo na. Mukha kang tanga d'yan eh." Sabi ni inang.

"Kasi diba kilala niyo naman si Luigi? Yung unico hijo ng mga Monteverde. Inaalok niya ako ng trabaho. Pero ang kapalit eh titigil ako sa pagsasayaw sa bar." Pagdadahilan ko naman.

"Eh bakit ka naman niya tutulungan? Ano motibo niya? Nako Ellaine ha. Baka may binabalak 'yang masama sa'yo." Pang-aakusa naman ni inang.

"Si inang naman. Ba't naman siya gagawa ng masama? Eh di madudungisan 'yong pangalan nila kung ganon. Tsaka kung gagawa man siya ng masama hindi na ako yung biktima. Sino ba naman ako diba?" Sabi ko sabay ngiti na hindi naman umabot sa mata.

"Hindi naman ganon ang ibig kung sabihin, 'nak. Nagtataka lang naman ako kung bakit ka niya aalukin ng ganoon eh wala naman siyang makukuha sa'yo. Eh baka naman may gusto sa'yo si Tisoy." Sabi ni inang. Halata ang nang-aasar na ngiti sa kanyang mga labi.

"Ay hala! Hindi noh. May girlfriend na 'yong tao. Tsaka 'nang. May ipagtatapat sana ako sa inyo." Sabi ko naman.

"Oh ano na naman 'yon?"

"Kasi diba sabi ko sa inyo ipon ko iyong pinangbayad sa hospital bills ni Jam? Ang totoo po niyan eh si Luigi po talaga ang nagbayad nun. Pero ang kapalit eh parang ako na 'yong yaya niya sa tinitirhan niyang condo unit." Pag-amin ko.

"Huh? Eh bakit naman niya binayaran 'yon? Bakit parang sobrang close niyo yata at andami na niyang tinutulong sa'yo. Baka naman talagang may gusto sa iyo 'yon pero di niya lang maamin." Sabi naman ni inang.

Ako gusto ni Luigi? Psh. Impossible. Ang mga tipo niyang babae iyong mga katulad ni Sharmaine.

"Hindi 'nang. Alam kong mahal niya yung girlfriend niya kaya imposibleng magkagusto 'yon sa akin." Sabi ko naman dahil iyon naman talaga ang katotohanan.

"Ay nga pala. Imbitahan mo nalang dito sa bahay si Luigi bilang pasasalamat na din natin sa pagtulong niya sa kapatid mo." Sabi ni inang.

Lipstick StainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon