Nag kita tayo dahil nabangga kita,nahulog ang mga libro kung dala-dala pinulot mo iyon at ibinalik ng walang isang salitang iniwan .
Ganun rin nangyari ang pag ibig ko sayo.
Nakilala kita dahil sa katangahan. Minahal kita kahit na alam kung may iba na,dahil nga ako si TANGA at wala nang iba.
Nahulog ang mga libro kasabay ng puso kong parang nag kakarera sa bilis ng takbo.
Sa klase binabantayan kita. Bawat galaw mo sinusundan baka kasi mawala ka't di na kita makita pa.
Pag lumalapit ka ako'y nangangaba nanlalamig at parang mamatay na,kung kaya't ako'y dumedestansya sa pag aakalang baka ikaw ang dahilan ng napaka aga kung kamatayan.
Kapag nag papataas ka ng kamay,bilib na bilib ako sayo,kunting salita muna lumulundag na ang puso kong hindi ko ba alam kung saan na nakaparoon dahil parang may kung ano rin sa tiyan kong kumikiliti pag nakikita ang mga ngiti mong nakakahawa.
Pero nung isuli mo ang libro't iniwan akong nag iisa nanlumo ang damdamin ko.
Akala ko crush lang kita ngunit bakit ang sakit ng puso ko,ng makita kong may kasama kanang iba at hindi ako yun?
Yung ngite mong napaka saya,mga hawak na kamay niyong hindi mapagbitiw ,yung mga asaran niyong puno ng pag mamahalan,at ako nandito nakatingin at iniisip kung pwede bang palit nalang kami ng puwesto ng babaeng mahal mo.
Alam ko tanga ako,dahil minahal ko ang taong may mahal ng iba ,nag paalipin ako sa nararamdaman kung wala namang patutunguhan.
Napatingin ako sa langit,at humiling na sana'y sa pag pikit ko maging ako siya,ngunit limang minuto na akong nakabuka kitang-kita ko parin sila.
Umalis ako dahil hindi ko na kaya,tumakbo ako dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't sabihing MAHAL KITA MANHID KA BA?! nadapa ako umiyak,tumawa ng mapait.
Ang tanga ko! Pati tubo diko nakita sa dinadaanan ko.
Na pati puso ko hindi ko alam na nahulog na pala at nabiyak na,nang dahil sa pag iibigang ako lang ang bumuo.
Masakit tagos sa puso ang sakit,gutay gutay na ang aking paningin ni hanging dumaraan sa akin hindi ko na maramdaman,tila namanhid ang aking katawan dahil sa sakit na diko inaasahang tatama saakin.
Para itong baril at sakit ang bala,ako ang kumalabit ngunit sakin tumama.
Alam ko nang tatama iyon saakin,ngunit hindi ko inilagan,sumugal ako na baka pag natamaan ako pwede niyang sagipin ang puso ko't buhayin ng pag mamahal sa ikabuturan ng puso niya,ngunit ako'y mali dahil sa puntong pag tama nun,wala ka pala,naghintay ako sayo ngunit dimo ako makita dahil may ibang pasyente kang inuuna,nalagutan ako ng hininga ng hindi man lang nakita ang pag aalala sa mukha mong DIYOS kong tawagin dahil sa pag mamahal ko.
Doon ko lang naisip,bakit diko naisip na umilag bakit diko inuna ang sarili ko't umiwas sa balang nakaabang.
Dapat sa una palang hindi ko na kinalabit ang baril dapat sa una palang hindi na ako naging TANGA.
NGUNIT ALAM MO BA?MAHAL PARIN KITA,KAHIT MASAKIT NA TITIISIN KO PA DAHIL HANGGANG MALAGUTAN AKO NG HININGA IKAW PARIN ANG ISISIGAW AT MAMAHALIN NG WALANG KATAPUSAN.
Ganyan pag nag mahal ka,minsan tiba-tiba lang,minsan panalo at minsan naman talo.
Pero mas mabuti nang sumugal ako ng hindi ako mag sisi at masabi kung sumugal ako kahit papano para sa pag ibig kung walang sigurado.
Pwede bang ako nalang siya?
BINABASA MO ANG
Love Problems, BITTER FOREVER.
HumorSa librong ito'y ang laman ay pag iibigan lamang na palpak at sawi,mga pag mamahalang ni minsan hindi natupad. Heart broken ka ba? Bitter? NBSB?UMAASA?PINA-ASA?GUSTONG MAPANSIN NI CRUSH?AT HIGIT SA LAHAT NI BIAS? OKAY NA OKAY ANG LIBRONG ITO PARA SA...