Ayan nanaman siya,ngumingiteng mag-isa,tumatawa ng wala sa tono,humahagalpak ng walang katawa-tawa.
Ayan nanaman siya nakikinig ng musika ng nakapalsak ang headset sa tenga,nakahalumbaba't sumasabay sa kantang diko maintindihan.
Ayan nanaman siya,sumasayaw ng nag-iisa,nag p-practice ng sayaw na hindi ko alam kung saan niya napulot dahil napaka kakaiba.
Ayan nanaman siya ang seryoso ng mukha,parang binagsakan ng lupa,galit na naluluha,bakit kaya?
Ayan nanaman siya late sa school,na animoy nag paganda pa ngunit ni suklay ay hindi magawa.
Ayan nanaman siya natutulog sa klase ng tulo ang laway,ayan tuloy tinatawanan siya ng lahat,ngunit wala lang siyang pakialam kinuha ang panyo't pinunasan ang bibig.
Ayan nanaman siya nag sasalita mag isa,ng mga lenguwaheng kakaiba.
Ayan nanaman siya sa kakaiba niyang kasuotang parang out of the world ang taste,naka itim lahat na animo'y dadalo ng libing.
Ayan nanaman siya at ayan nanaman siya parate ko nalang sinusubaybayan at hindi masabi sabing mahal kita pwede bang manligaw?
Ayan nanaman siya at ayan nanaman siya at ayan nanaman siya ilang araw ko bang pag hahandaang sabihing mahal na kita.
Tumayo ako't tumungo sa desk niya.
Mahal kita.nakapikit pa ako ng sabihin ko yun,ngunit lumipas ang minuto'y ni hindi ka nag re-react natakot kaba?o parehas tayo ng nararamdaman.
Tumingin ako sayo at napagtantong...naka headset ka pala.
Napa kamot ako sa batok ko,okay na sana nasabi kona ang kaso hindi ko alam na manhid at kakaibang tao ang minahal ko.Bumalik ako sa upuan ko.
Mahal kita...wika ko sa hangin at sana rinig niya.
BINABASA MO ANG
Love Problems, BITTER FOREVER.
HumorSa librong ito'y ang laman ay pag iibigan lamang na palpak at sawi,mga pag mamahalang ni minsan hindi natupad. Heart broken ka ba? Bitter? NBSB?UMAASA?PINA-ASA?GUSTONG MAPANSIN NI CRUSH?AT HIGIT SA LAHAT NI BIAS? OKAY NA OKAY ANG LIBRONG ITO PARA SA...