Alam mo yung feeling na may minahal ka, ang kaso napaka high standard niya?
Napaka BAD rin niya minsan dahil parang bulkan ang bunga-nga niya kung magalit, at minsan rin loka-loka siya dahil kumakanta at sumasayaw sa harap ng mga kaklase namin, kakaiba kasi talaga siya.
Siya yung Vice president namin sa room pero kung umasta siya para siyang walang muwang na bata, basta wierd siya.
Siya rin yung nag susuggest na mag laro ng tago-taguan sa room, tumbang preso mga laro ng bata ang alam niya pag vacant time, napapasalampak nalang ako sa noo ko't natatawa sa kanya.
Sa umaga rin iba ang mood niya, yung tipong pag dumaan sa hallway ng school parang modelo ng BENCH dahil napaka fashionista niya, kaya naman bilib ako sakanya.
Yung tipong palaging may headset na nakasabit sa leeg niya dahil baka ma bored raw siya at walang pumansin sakanya kaya musika ang pinag diskitaan niya, ang cute niya lang kasi, sarap kurutin ng pino.
Kailan kaya niya mapapansin si AKO? yung tipong d-i puro koreano ang crush niya, yung tipong d-i puro laro, salita tawa at mga libro ang aatupagin niya, meron pa kaya siyang oras sa lovelife? Eh, sa paningin ko kulang pa nga ang isang araw niya para magawa lahat ng gusto niya eh.
Halos lahat rin ng kaklase kung lalake, may crush sakanya kahit napaka magagalitin niya dahil pinapasok namin ang sapatos sa loob ng room, ayoko naman talagang galitin siya, gusto ko lang mapansin niya ako sa paraan ng pang aasar kasi nakakatawa ang expression niya sa mukha pag ka ganun, naka pout at naka kunot ang noo at maya-maya'y tatawa dahil sa ginawa niya, baliw diba?
Close rin niya lahat ng lalake maliban saking nahihiya pag kausap siya kaya lumalayo ako't nagtatago.
Mahilig rin siyang mag jokes ng mag jokes, sweet rin siyang tao dahil kung hindi pa bakit niya yinayakap, hinahalikan, sinusubuan ang bestfriend niyang apat? Sabay sabing I LOVE YOU BESTFRIENDS! naisip ko minsan sakin valid kaya yang salitang yan? Pwede bang sabihan niya rin ako ng ganyan? Kaso sabi nila high standard siya.
Almost perfect ang kailangan niya, at hindi niya pa yun natatagpuan.
Pero nung tinanong ko siya sa messenger ng seryoso tungkol sa gusto niyang lalake smile lang ang nireply niya. Nag dasal pa naman ako't lumuhod na makakaya kong ma sabing hi! 😁 tapos smile lang din reply niya? Aba nakakasakit na siya ah.
First time kong makausap siya nun, sa chat ngalang at hindi sa personal.
Hinintay ko ang reply niya kaso wala, kaya naman napag pasiyahan kung mag log out nalang kaso... Nakaramdam ako ng excitement ng may nakalagay na typing...
Zia: Ang love may dalawang kasangkapan, MAHAL KA NIYA, MAHAL MO SIYA. Wala naman talaga along ideal man, dahil ang puso kusa nalang yang titibok pag dumating na siya.
Habang binabasa ko yun, napalunok ako. Malalim rin pala siyang tao.
Ako: bakit ka tumatawa palagi?
Zia: Hindi lahat ng taong nakatawa masaya at hindi lahat ng masaya tumatawa.
Nangunot ang noo ko, tokwa! Hindi ko rin alam na sa sobrang lalim niya pati puso ko nahukay na niya.
Ako: Pwede mang hingi ng advice?
Gagawin ko na ang dapat kung gawin na noon ko pa dapat ginawa.Zia: Yup. Naiimagine ko ang mukha niyang naka tangong nag po-pout, ang cute niya talaga!
Ako: nagkagusto kasi ako sa babae, eh ang problema baliw yung nagustuhan ko, manhid at BAD ng slight.Torpe rin si ako at musmus pa sa mga relasyon, kaso sa sobrang gusto ko sakanya gusto ko akin lang siya. Ano ang gagawin ko.
Zia: Edi, ligawan mo! Problema ba yan?! Wag kanalang pala humingi ng advice sakin, sa iba nalang marami pa akong trabaho! About love nanaman! LIGAWAN MO NG MATAPOS! KA IMBYERNA!
NAPAHAWAK AKO SA BIBIG KO. Bakit iba na mood niya? Para siyang babaeng nag seselos!
Ako: Okay, Edi ligawan.
Zia: 😑
Ako: Pwede manligaw Zia? Ay hindi pala liligawan kita sa ayaw at gusto mo, dahil noon pa kita gusto susuko pa ba ako? Aba sobra ng pasakit ang ginawa mo sakin ah! Simula bukas akin ka na!
Aaminin ko, lakas ng loob ko dito sa chat kaya naman papanindigan ko na ito sa personal.
Zia: Nanliligaw kaba talaga? Pwede namang mahinahon diba? Yung d-i pinapa konsensya ang nililigawan?
Ako: Edi OO na? Pwede nakong manligaw?
Napa talon ako sa kama! Kyaah! Ako lang yung kaisa-isang lalakeng tumatalon sa kama na mukha ng loko dahil kinikilig ako!
Ako: umo-Oh kana, kinikilig pa naman ako ngayon😍
May forever! Bahala nang forever manliligaw basta kasama ko siya sa FOREVER KO.
Zia: Oo na...
I blinked my eyes. Totoo?! Yes! Yes! Yes! This is it! Nagawa ko!
Ako: I love you Zia... Muah!
Sa ngayon hindi ko masasabing mahal na niya ako, pero sana matutunan niya at gagawin ko ang lahat para magawa niya yun.
Napa kagat ako sa unan ko.
Mama! Yung gusto ko po, nililigawan kona! Sigaw ko sa mama ko.
Binata ka na anak! Napangiti ako. Binata na talaga ako at sa susunod magiging ama naako ng mga anak namin ni Zia... Haha😁😁😁
Ms. A
BALIW PO SILANG DALAWA.
BINABASA MO ANG
Love Problems, BITTER FOREVER.
HumorSa librong ito'y ang laman ay pag iibigan lamang na palpak at sawi,mga pag mamahalang ni minsan hindi natupad. Heart broken ka ba? Bitter? NBSB?UMAASA?PINA-ASA?GUSTONG MAPANSIN NI CRUSH?AT HIGIT SA LAHAT NI BIAS? OKAY NA OKAY ANG LIBRONG ITO PARA SA...