This story is requested to my dearest heart. Kung sino man ang may kpop idol dyan taas kamay! Dahil ako rin po, parehas tayo.
#BTSFORTHEWIN
Dear Jungkook,
Ako nga pala si Nitchel, ang babaeng adik na adik sayo. Ako yung fan mong pinipilit na mag papansin sayo. Ako yung fan na comment ng comment sa twitter at Instagram nag babakasakaling replayan mo ng THANK YOU.
Ako pala yung babaeng palaging nag fe-feedback sa YouTube MV'S NIYO.
Yung feeling na gusto kitang itago sa bulsa ko para lang hindi ka makita ng tao, yung feeling na pag sumayaw ka pinipiktusan ko na pala yung bestfriend ko dahil sa kilig.Minsan nga natanong ko kung may gamot ba sa pagiging fan-addict? Kasi may ibang Tao d-i naman nadali sa mga K-pop idol eh, mahirap na kasi eh, masaya ako na malungkot, galit na nanghihinayang.
Malungkot ako dahil kahit anong gawing papansin ko sayo walang epekto, idagdag mo pang napaka layo mo at hindi tayo pareha ng culture, nakakaloka lang! Baka nga pag nagkita tayo SARANGHAE lang yung masabi ko sayo eh.
Masaya naman ako dahil may ipag mamalaki ako sa buong kaklase ko na yung crush ko magaling sa lahat ng bagay! Magaling sumayaw, kumanta, mag rap, ang cute at gwapo pa!magaling mag luto at kumain! Napaka talented ng crush ko diba? At masaya ako dahil sa simpleng bagay umaasa ako't nag hahalucinate na may tayo pa, wag mawalan ng pag asa ,laban lang! Walang impossible, pero kahit anong sabihin ko ,kahit anong pag chi-cheer ang gawin ko sa sarili ko, reyalidad parin ang nagpaparealise saking HINDI TAYO BAGAY.
Mahirap, dahil pag na sobrahan na ako sa pagiging fan ko sayo, there's a possibility na mabaliw na ako, bakit? kasi baka diko makayanan ang distansya natin at languyin ko ang south Korea! O kaya naman mag pa kidnap or worst ibenta ko ang atay ko para lang makita ka! Mahirap kasi hindi ko kayang mag move-on sayo at ang paki ko ay salihan ng WALA, para WALANG PAKI, ang kaso... Hindi ko kaya, parang d-i kompleto ang araw ko pag diko makita ang mukha mo ,marinig ang kanta mo at sumayaw ka ng Blood sweat tears! Lalo pa ang I NEED YOU! minsan iniisip ko pasok naman ako sa taste mo diba? Marunong akong mag luto, hilig ko ang all black na damit, hindi ako maarte yung simple lang pero swabe, may boses rin naman ako, d-i ngalang 168 cm ang height pero alam ko namang tataas pa ako! 14 years old pa ako kaya may pag asa pang tumubo ako ng 9 cm para maabot ang 168 cm! At okay naman siguro sayo ang mas bata diba? Ang kaso... Ang dami Kong kaparehas na ganyan at mas higit pa saakin.
Nang hihinayang ako, dahil nandyan ka sa south Korea at NASA pilipinas akong nag d-daydream sayo araw-araw, pano nalang kung naging asawa moko edi hindi ko maluluto ang favorite food mong puno ng noodles! At higit sa lahat baka mag muka lang akong basahan pag pinagdikit tayo, kasi naman po nung may nag interview sayo kung saan ka nakakita ng maraming babae? Anong bansa? Nag hihintay akong sabihin mong pilipinas! Pero among sinagot mo! JAPAN! lecheng mga otaku yan! Adik sa anime! Mga pabebe! Bakit Japan pa! Pwede namang Philippines diba? Dami kayang naging Miss universe rito sa pilipinas kung alam mo lang! Nakakasakit ka ng feelings!
At nagagalit ako minsan dahil sa mga K-pop idols na na li-link in sayo! Anak ng tokwa naman! Hindi ba nila alam na may nasasaktan? May umiiyak ngayon? Diko mapigilang ibash at murahin ang na lilink sayo dahil alam kung AKO ANG KARAPATDAPAT PARA SAYO! (Assumera) nakakatawa pero ganun talaga ako pag dating sayo. Hindi ko mapigilang ma insecure dahil ang ganda ng kutis at ang ganda ng na lilink sayo! Eh ako? Hindi kaputian! D-i masyadong talented! Sino ba naman ako diba? Ako lang naman yung patay na patay mong fan na ang kaya lang gawin ay ang supportaan ka.
Supportaan ka lang hanggang sa huli ang role ko sa buhay mo, d-i mo nga alam na nag e-exist ako eh! Sa dami namin hindi moko mapapansin dahil ordinaryo lang ako, yung tipong pag naka salubong mo makakalimutan mo lang nang ilang segundo.
Ganyan naman talaga ang fan diba? Kaya nga bilib ako sa kanila eh, dahil kahit asang-asa, nasasaktan, umiiyak na sila simusupportaan parin nila ang taong paulit-ulit ng nag papasakit sa kanila at the same time nag papa saya at nag bibigay sigla.
How ironic right?
Nakakatawa na nakakabilib ang pagiging fan, dapat nga may award ito sa school at sa bansa eh, dahil hindi madaling mag dala ng isang sako ng bato sa araw-araw mong buhay, hindi madaling patayin ang buhay mo at buhayin rin kasabay ng pag patay sa sarili mo, wierd ba? Yun kasi talaga tayo eh kaya naman wag niyo nang subukang mag move-on dahil hindi kayo makaka move on dahil hindi niyo kaya, hindi niyo sila kayang kalimutan dahil nakapaskil na sila sa puso niyo, matagal na.
So... Jungkook my loves, wag ka masyadong mag pa-gwapo! Nakakasira ka na ng sight eh.
#A FAN IS A DEFINITION OF A WARRIOR.
#ARMY
BINABASA MO ANG
Love Problems, BITTER FOREVER.
HumorSa librong ito'y ang laman ay pag iibigan lamang na palpak at sawi,mga pag mamahalang ni minsan hindi natupad. Heart broken ka ba? Bitter? NBSB?UMAASA?PINA-ASA?GUSTONG MAPANSIN NI CRUSH?AT HIGIT SA LAHAT NI BIAS? OKAY NA OKAY ANG LIBRONG ITO PARA SA...