Magaling siyang mag basketball, sa katunayan nga eh, MVP siya!Gwapo rin siya.
Mayaman.
Matalino.
Magaling kumanta at sumayaw.
Basta napaka talented niya.
Kaso... Sabi nila mabait raw siya, pero nag kamali ako.
Mabait siya sa iba pero sa kagaya kung walang role sa school iniitsapyera niya lang.
Mike... Ako pala yung ka-partner mo sa science. Bulol bulol ko pang sabi sakanya, habang nakayuko.
Hindi ako binge. Napakagat ako sa labi ko, grabe siya! Ang sakit mag salita, pero kung sa ibang babae ang hinhin parang anghel sa langit ang loko! Pero diko parin madidiktahan ang puso kong patay na patay sakanya.
Ahh.. OK. Yun nalang sinabi ko at umupo malayo sakanya, baka kasi pagalitan nanaman ako nito, tatawanan na talaga ako ng lahat ng kaklase ko dahil sa kahihiyan.
Bakit ang layo mo?! Di ba partner tayo? Gusto mo bang mag individual nalang tayo? Parang tinahian yung bibig ko dahil ni kahit isang kataga wala akong masabi sakanya. Napayuko lang ako't dinala ang gamit ko't umupo sa gilid niya .
Sabi ko bakit ang layo mo, hindi ko sinabing lalong lumapit ka sakin. Hindi ko rin sinabi na dumikit ka sakin. Malapit na talaga akong sumabog. Kung pwede palang i-unloved ko na siya, kanina ko pa ginawa! Letseng pag-ibig ito! D-i ako aware na kapatid ni satanas ang nagustuhan ko.
Narinig ko ang mga mahihinang tawa ng kababaihan.
Shut up, girls. Wag kayong tawa ng tawa, library to hindi bahay niyo. Natahimik ang kaninang puno ng mga bulong-bulongan at tawanan.
Tumayo ako, dumestansya sakanya yung tipong okay lang.
Tama naman siguro to, dahil baka sa sobrang lapit ko sakanya mawalan ako ng malay.
Xeeje, dapat professional ka !pangangaral ko sa sarili ko.
Let's start. Inangat ko na ang ulo ko't hinarap ang gwapo niyang mukhang may pink-pink pa sa mga pisnge nitong parang walang mantsa dahil sa kinis, yung labi niyang nakaawang na mapula-pula pa.
Tumango lang siya't umiwas ng tingin sakin. Ganun ba ako ka pangit para iwasan niyang titigan?
What I have here is a list of person that we need to take an interview. Diretsahan kong sabi. Mygosh baka mahalata niyang namumula naako dito. Iwinaksi ko ang kaekekan ng utak ko at inisip ang task namin. Ang task kasi namin eh, ang mag interview ng taong successful sa life nila. Yung tipong nasa stage na sila ng Self-actualization.
We need to start it tommorow. Dag-dag ko pa,mas safe kung daliin naming matapos ito para iwas kahihiyan at umiwas narin tong puso ko sa kakakatok na tumatama pa sa rib cage ko. Tumango lang din siya at pokus na pokus sa cell-phone niya.
Napatingin ako sakanya.Baliktad yung pag hawak mo sa phone mo. Parang natamaan naman siya't umupo ng maayos at tinago ang cell-phone. Oh diba! Ang unfair masyado?! Pag siya naging clumsy bakit ang cute?? Eh pag ako? Bakit ang pangit!!Bakit hindi kita kayang kalimutan?tanong ko sa isip ko. Saket bes!
So... That's for today, our meeting is over. Dali-dali kong iniligpit ang mga magasin na kinunan ko sa mga taong successful sa life nila. Kailangan kong tumakas sa presence niya! Baka mamatay ako dahil sa puso kong malapit ng lumabas.
Can't we do it today? I mean ang sayang ng 4 hours vacant natin kung tatanga-tanga lang tayo at FYI ayaw kung gumaya sayo. Abat!psh!napairap nako sakanya. Bwesit to! D-i niya ba feel na kailangan kong mag practice para hindi halata na may gusto ako sakanya? Mag papaganda pa ako!!
Hindi ako tanga, hindi ako katulad mo na hindi na shoot yung bola kanina sa P. E. Nag P. E kasi kami kanina, at siya yung sinali namin sa paramihan ng na shoot nang bola at kami namang babae taga cheer at dahil ako ang may pinakamalakas na boses sa lahat, ako ang ginamit nilang Mega phone roon at taga sigaw ng pangalan niya! Sayang yung effort ko d-i naman pala niya ma sho-soot! expect na expect kami nuh! MVP siya! Ngunit my god! Yun ang pinaka una niyang hindi na shoot ang bola at hindi lang isang beses lahat ng chance na maipasok niya ang bola d-i niya nagawa.
Tumalikod ako sakanya. Lamunin na sana ako ng lupa ngayon! Bakit ba kasi nasabi ko yun? Edi turn off na siya sakin.
Tumakbo ako palabas... kaso may humawak sa kamay ko. Isang sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong library.
Oo na tanga na ako! Tanga narin ako sayo! Isali mo pang may pag ka torpe ako dahil diko magawang sabihin sayong gusto kita! Ikaw naman na walang gusto sakin pinapahalata masyado !ang sakit ha!
Agad akong natulala. Humihinga pa ba ako? Patay na ba ako? Nanaginip ba ako?
Sorry if ganun ako mag salita sayo... Gusto ko lang naman na d-i mo mahalatang may gusto ako sayo, ayokong ma busted dahil first time kong makaramdam ng ganito para sa isang babae.
Napalunok ako ng sabay sabay.
Sumagot ka naman Xeeje! Kahit "gusto rin kita" nalang isagot mo para happy happy nako. Nag kamot pa ito sa batok niya, namumula rin ang tenga nito. Haba ng hair ko guys! Wag niyong tapakan.
Napatingin ako sa kapaligiran. Parang nag edsa revolution lang ang peg. Nag dagsaan ang mga tao .
Napatingin ako sakanya, nakayuko ito parang anytime iiyak na.
Hindi kita gusto mike...nakita ko ang mga mata niyang luhaan na. Napalaki ang mata ko! Shit! Umiiyak si Mike na MVP ng school! Shit!
Okay lang...
Binitiwan nito ang kamay ko. Ngunit bago yun yinakap ko na siya.
Hindi kita gusto dahil gustong-gusto kita mike noon pa!
Naramdaman ko ang pag ka bigla niya sa sinabi ko.
Eh, bakit ang hirap basahin ng Mata mo? Tanong niyang...namumula parin habang nakayuko at nag dadalawang isip na yakapin ako pabalik. Cute!
Kasi ayokong malaman mong patay na patay ako sayo.
Ngumite siya ng matamis at hinalikan ako sa noo ng walang pasabi saka niyakap ako, parang milyong milyong bultahe ang nasa katawan ko ngayon. Kinikilig ako guys!MEGEHD.
Bakit pinatagal ko pa, kung abot kamay naman pala kita. Hangin na sabi niya.
Napangite ako. Noon akala ko imposibleng magustuhan niya ako pero ngayon napatunayan kung posible palang mag katotoo ang minsang pinangarap ko lang.
The End
BINABASA MO ANG
Love Problems, BITTER FOREVER.
ComédieSa librong ito'y ang laman ay pag iibigan lamang na palpak at sawi,mga pag mamahalang ni minsan hindi natupad. Heart broken ka ba? Bitter? NBSB?UMAASA?PINA-ASA?GUSTONG MAPANSIN NI CRUSH?AT HIGIT SA LAHAT NI BIAS? OKAY NA OKAY ANG LIBRONG ITO PARA SA...