Chapter 1. Lakad

148 8 0
                                    

___________________

Angelo R. Dimaano

Hindi ito pangalan ng isang artista. Hindi rin pangalan ng isang nanalong kapitan. Hindi rin pangalan ng isang natalong kapitan. Hindi rin pangalan ng isang sikat na model. Hindi rin ng photographer. Hindi rin to pangalan ng isang sikat na brand ng wine. Hindi rin pangalan ng alagang aso ng inyong kapitbahay. Hindi rin sa may ari ng aso. Hindi rin sa bayaw ng may ari ng aso. At lalong lalo ng hindi sa asawa ng bayaw ng may ari ng aso. Hindi ito pangalan ng kung sino sino lang.
Ito ay ang pangalan ng aking sinisinta. Ang lihim kong pag ibig. Ang palagi kong iniistalk sa IG. Sa Twitter . Sa Facebook. Lahat na.

Moreover, sya kasi ang crush na crush ko dati pa. Simula nung first day na nakita ko sya sa katabing building lang na pinapasukan ko. Pawisan pa sya nun dahil kagagaling lang nilang mag basketball kaya yung mga biceps at abs nya bumakat dun sa shirt nya. Pasimple lang akong tumitingin tingin sa kanya. Hindi dahil mahiyain ako kundi dahil sa turing nya sakin.

Ako si Keith. My real name. But my friends call me 'Soy' hindi ito hinango sa maalat na toyo. Tinawag nila akong Soy dahil daw tisoy ako. Ewan. Siguro nga dahil don. 19 na ako. Status ko, its complicated. Haha
At oo, isa akong patagong sahog ng adobo. Hindi ko alam kong bakit. Tinry ko namang tanungin si inay kung bakit, ngunit imbis na umiyak sya at yakapin ako ng mahigpit upang mabigyan ng self confidence ay matalim nya lang akong tinignan na parang sinasabing 'Don't-Me'. Si itay naman, hindi ko na tinanong. Hindi na muna. Nakakatakot syang magalit.

Mayroon din akong isang matalik na kaibigan. Si Rona. Simple lang syang babae. Mahinhin. Pabebe. Pa virgin effect. Ngunit parang halimaw kumain.

Isa sya sa mga taong tumulong sa akin sa mga panahon ng kagipitan.

Minsan, kasabay ko rin syang gumagala sa mall. Napagkakamalan pa kaming mag jowa. Ang di nila alam, mag beshies kami. XD. Close kami dahil nga sa sya palang ang kaisa isang taong nakakaalam ng sekreto ko.
Ang pagusbong ng aking love life, at ang pagsisimula ng pagkaligaw ng tadhana sa aking landas ay nagsimula nung araw na yun.

Lagi ko kasi syang nakikita na dumadaan sa harap ng building na pinagtatrabahuan ko. Lagi syang sumusulyap at ngumingiti hindi lamang sa mga kasamahan ko kundi pati na rin sa akin.
Minsan tumatambay sya sa gilid ng building nila na katabi lang ng sa amin. Nakaupo sya run sa ilalim ng mangga na minsan ko ng ninakawan ng bunga.
Isang araw, namataan ko sya sa puno na yun habang kumakain ng lunch. Matiwasay syang nakaupo run at mabilisang nilulunok ang tinapay na para bang ilang araw ng hindi nakakain.
Ilang minuto lang, napansin kong sumusulyap sya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ako ba o yung babaeng customer ko ang tinititigan nya. Halos sumabog naman ang puso ko ng itinaas nya ang palad nya at kinawayan ako ng may kasamang ngiti.
Kinawayan ko rin sya ng nakangiti habang tumitili ng sobra sa loob loob ko.

Oo, gusto ko sya.

Mabait kasi sya, palangiti, palakaibigan at higit sa lahat, Gwapo <3.
Bumalik naman ako sa realidad ng tawagin niya ako.

"Kamusta dyan? Pasigaw nyang tanong ng may malapad ngiti. Sinagot ko iyon ng isang mahina at pabebeng

"o-okay leng nemen" sabay hawi ng buhok ko papunta sa aking tenga. Char.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagpaalam na sya. Tapos na raw kasi ang break nya. Kumaway sya at pumasok na sa loob. Ako naman naiwan at parang timang na ninanamnam ang simpleng kamusta nya. Malay mo, malay nating lahat.

Kinabukasan, hiningi ko ang number nya sa isa sa mga kasamahan ko na kapitbahay lang 'daw' nya. Si Rona, isang simpleng dalagang pilipina na tahimik ngunit balasubas kumain.

Binigay rin nya naman agad pero bago yun, sandamakmak na mga katanungan ang pinaghaharap ko. Para akong kriminal na naipablotter at iniimbistigahan. Pero ayos lang, at least napasakamay ko na ang ilang numerong magsasakatuparan ng pag ulan sa tigang kong puso, kaluluwa at bituka.

Ang Pamintang si Soy (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon