Chapter 6. Date (part 2)

82 4 0
                                    

Umalingaw ngaw ang tunog ng pito sa paligid na syang naging dahilan ng paghinto namin sa aming kinakain. Galing yun sa isang pulis na ngayoy tumatakbo papalapit sa direksyon namin.
Kagat kagat nya parin ang bakal na pito sa kanyang bibig at patuloy iyong gumagawa ng ingay.
Napatigil kami ni Gelo sa pagkain ng mga chocolates at nagiisip ng paraan. Sa sitwasyon namin ngayon ay meron nalang kaming tatlong option.

Una, tatayo kami at itataas ang aming mga kamay saka sasama ng matiwasay sa prisinto kung saan kami ay pupukulin ng sandamakmak na mga katanungan.
Pangalawa, tatakbo kami at tutungo sa aming sekretong hideout at sabay na magbibilang ng aming mga nakulimbag na mga salapi.
Pangatlo, hahawakan ko si Gelo at hahalikan sa labi, oo kasama to sa mga option.

Unti unti ng papalapit ang pulis , ilang madramang hakbang na lang. Hawak hawak na nito ang posas na syang magbibigay hatol sa aming pag iibigan or basta. Kaya naman gagawin ko na.
Hinawakan ko si Gelo at akma na sanang gagawin ang pangatlong option ng biglang nagsisisigaw ang pulis na paepal.

"WAG KAYONG GAGALAW! ITAAS ANG KAMAY AT IWAGAYWAY! SUBUKAN NYO LANG TALAGANG TUMAKBO AT HIHILAHIN KO TALAGA YANG MGA BAYAG NYO!!" pananakot ng Pulis.

Bumuntong hininga muna kami tsaka dahan dahang tumayo. Itinaas namin ang aming mga kamay bilang patunay na kami ay inosente at walang tinatagong mga ilegal na mga bagay tsaka unti unting humarap sa nag aamok na Pulis. Biglang nanlaki ang mata ng Pulis ng makita si Gelo. Patuloy pang lumalaki ang mata ng Pulis at kulang nalang ay mapunit ito.

"Angelo?" tanong nito sabay ngisi.

"Tito?" tugon naman ni Gelo sa Pulis.

Ganun yung kaganapan nila habang ako parang pusa lang sa tabi.
Meowwws... Notice me senpai.

"Akalain mo nga naman" sabay tawa ng Pulis na parang di makapaniwala sa nasaksihan.

"Tito please , wag mo nalang tong iparating kay Dad, malilintikan ako nun" bulong ni Gelo rito na syempre dinig na dinig ko, echosera kaya ako.

Ilang minuto pa silang nag usap tsaka laking gulat ko nalang ng mag apir silang dalawa. Agad na umalis ang Pulis tsaka kinawayan ito ni Gelo. Agad na lumapit si Gelo sa akin saka ngumiti.

"Tito mo yun?" tanong ko sabay turo sa papaalis na pulis.

"Uh, oo. Ano , tara?" sabay akbay nya sa balikat ko ng nakangiti parin. Ngumiti nalang din ako. Para kasing ketong yung ngiti nya, nakakahawa.

Hinakot namin ang mga chocolates at naglakad pababa. Tahimik lang ako habang pababa kami ng hagdan. Naguguluhan ako. Oo, stalker nya ako pero madami pa talaga akong hindi alam sa kanya. Pati na sa family nya. Palagi kasi syang mag isa sa apartment nya. Wala rin akong nabalitaan na dumadalaw sa kanya dito. Wala rin akong nabalitaang gf niya eversince the world begun.
Mas madalas pa nyang kasama ang tropa nya sa lahat ng bagay.

Minsan kapag pasekretro ko syang inaabangan sa exit ng building nila ay madalas syang mag isang umuuwi. Ilang buwan na rin syang nagtatrabaho sa building na yun na katabi lang ng sa amin.
22 na sya pero ayaw na ayaw nyang tinatawag ko syang kuya o kahit ninuman. Naiinis daw sya.
Ang sabi nya kasi

' Dapat pantay lang tayo, dapat pantay pantay lang lahat..'

*********

Tahimik naming nilakad ang daan patungo sa labas . Nakaakbay parin sya sa balikat ko at mahigpit nyang hinahawakan ang aking leeg.
Hindi ko alam kung nanggigigil lang ba talaga sya o baka may lihim syang planong patayin ako--sa kilig.

At sa bawat may madaanan kaming mga kumpulan ng tao ay mapapansin ko talaga ang mga mata ng mga malalanding babae na nakatingin sa amin. Sa gwapo ba naman ng kasama ko aba pati may asawa tyak mapapatingin talaga. Nakakaattract kasi talaga yung pormahan ni Gelo. Naka gray na sando kasi sya kaya kitang kita talaga yung magandang hubog ng kanyang katawan. Mula sa mga biceps nito hanggang sa mga umbok sa dibdib at sa tyan nyang hindi gaanong ma abs , yung typical type lang . Kung pano ko nakita yun? Nong minsang sumilip ako sa basketball practice nila tas pawisang pawisan sya nun at laking gulat ko nalang ng bigla syang maghubad ng damit na tinapon nya lang sa gilid. at Oo, hindi uso ang pagkurap nong mga panahong yun. Haha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pamintang si Soy (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon