Chapter 3. Sukli

75 5 0
                                    



"BALOOOOOOOT!! " Buong sigaw nito na para bang may nasunugang kapitbahay.
Muntik ko na tuloy ipakain sa kanya lahat ng mga itlog nya dahil sa gulat. Nasa gilid lang kasi namin sya pero para syang nasa loob ng Araneta Coliseum kung makasigaw.

" Hindi na po, kuya manong" pangiti ngiti ko pang sagot sa lalake kahit gustong gusto ko na syang bigwasan.
Tumango naman ito at saka umalis habang patuloy parin sa pagsigaw.
King ina ng taong yun. Hanep makabasag ng pantasya. How to be you po kuya?

Umayos naman ako ng tayo tapos nagpatuloy na sa paglalakad. Kahit nahihirapan ay pinipilit ko paring isaayos ang estado ng pagkakakapit nya sa balikat ko. Napapansin ko kasing unti unting dumadausdos ang kanyang kamay na nakakapit sa aking balikat papunta sa aking chest. Kaya naman dinampot ko yun at hinimas, Joke. Dinampot ko yun at ibinalik sa aking balikat.
Sa aking balikat.
Sa aking balikat na malambot at makinis. Sa aking balikat na inosente at sya lang ang dapat humahawak. Sa aking balikat na okay, okay tama na, itigil na natin.
So ayun na nga. Matiwasay na kaming naglalakad sa tahimik na daan. Wala na kasi akong ibang mahagilap na tao o mga dumadaang sasakyan sa bahaging tinatahak namin. Sobrang tahimik. Nakapagdududa. Nakakatakot. Parang may zombie apocalypse na kung saan may bigla na lamang lilitaw na isang nigga sa likuran at dambahin ako. Jusko! Wala naman sanang ganong mga pangyayare.

Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad at makahulugan ko nang tinititigan ang dulo ng daan which is isang dipa na lamang ang layo or specifically mga 1.38 meters na lamang. Kung pano ko na kalkula ay hindi ko alam.

Konting konti nalang.

Ilang hakbang nalang sana at maaabot ko na ang finish line.
Ang pisi na madrama kong puputulin kasabay ng masigabong palakpakan. Ngunit, subalit, datapwat..
Sa walang ano anoy, gumalaw sya. Nangisay at nagpagulong gulong sa sahig. Joke lang. Gumalaw sya at tumingin sa akin. Mata sa mata mga bessy. Ngumiti naman ako sa kanya. Yung matamis. Ngunit inirapan nya lang ako. Ilang segundo syang ganon. Yung kumukurap kurap lang ang mga mata. May deperensya ba sya sa mata? Pagkuway biglang nagbago ang reaksyon ng mukha nya. Alam nyo yung hitsura ng parang natatae? Oo, ganun yung hitsura nya.
At ang sumunod na ginawa nya ay hindi ko inaasahan.

Yumuko sya paharap sa akin at ipinatong ang kanyang ulo sa aking chest. Oo, sa aking flat na chest at pagkatapos ay agad akong niyakap.
Natulala ako.
Gusto kong sumigaw, magwala o manghambalos ng tao ng walang dahilan ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Baka kasi pag nag ingay ako ay may magising akong natutulog na mag asawa at sabuyan ako ng isang arinolang ihi. eww.

Tahimik parin ako at dinarama lang ang init ng katawan nya na dumadampi sa balat ko. Ibinaling ko naman ang aking mga mata sa mabitwing langit at saka tahimik na nanalangin.

"Lord, eto na ba? Sya na ba?
Ang iyong itinakdang makakasama ko habang buhay? Sya na po ba ang makakasama kong tumanda at kasabay kong magsisimba tuwing linggo ng umaga? Sya na po ba ang makakatuwang ko sa pagpapalaki ng aming magiging alagang mga baboy? Sya na po ba? Lord, kung sya na po talaga, Pramis, magbabagong buhay na ako. Hindi na po ako muling mangungupit pa ng barya sa pitaka ni itay, Pramis po, last na po yung kanina. Lord, sana po sya na talaga" bulong ko sa langit na may patango tango pa ng ulo.

Tahimik ko ulit syang pinagmasdan. Iba talaga ang yakap nya para akong naiihi. Nakakakilig.
Maya maya pay bigla na lamang umihip ang malamig na hangin sa di malamang dahilan. At imbis na akoy mangisay sa lamig na para bang sinabuyan ng isang basong iced tea na parang sa mga kdrama ay bigla akong nakaramdam ng init.
Yung kakaibang init na hindi ko pa nararamdaman dati. Yung init na unti-unting humahaplos sa aking katawan or likuran which is literally yung part na may mainit.
Huli na ng aking mapagtanto.
Siya, na naging parol sa namamasko kong puso ay walang ka imik imik akong sinukahan.
Sinukahan nya ako sa gitna ng daan kung saan kami ay madamdaming nagyayakapan.
Sinukahan nya ako at saksi ang langit at ang mangilan ngilang tambay sa kanto sa ginawa nyang ito.
Sinukahan nya ako, mabaho man at hindi kaaya ayang panoorin ay tinanggap ko ito bilang isang pagmamahal. Mainit na pagmamahal xD.
Dumako naman ang aking paningin sa aking balikat. Nagulat ako ng may masagi ang aking paningin. Isa yong chicharon, oo, chicharon. Buong buo pa ito ngunit basa na at ngayoy nakadikit na sa aking balikat.
Mula doon ay aking nahinuhang, kahit ano pa man ang aking mga pagkukulang sa buhay ay hindi ko parin maiisipang lunukin ng buo ang pulutan. Pero sya, kinain nya yun ng buo. Nakakamangha sya. Nakakabilib. Nakakainlab <3

Ang Pamintang si Soy (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon