Isang napaka bigat na buntong hininga ang aking pinakawalan sa loob ng jeep. Hingal, pagod, at puno na ng uhog ang aking kawawang katawan. Akala ko talaga may mangyayareng aksidente kanina muntik na sana akong mag hysterical or specifically saying mangisay sa sahig na parang nigga.
Ang kaninang ingay pala ay nanggaling sa pumutok na makina ng jeep ni manong drayber na ngayoy nakatirik na sa gitna ng kalsada at naghihintay nalang ng hatol mula sa taas. Gusto ko sana syang pagtawanan at ipamukha sa kanya na yan talaga ang mangyayare kung magiging sakim ka sa iyong mga pasahero ngunit hindi ko ginawa. Instead, tinulungan namin sya ng boyfie ko or 'self proclaimed boyfie' ko na itulak ang kanyang naghihikahos ng jeep.
Ngunit imbis na umandar ay madrama pa itong umusok sa gitna ng daan na syang ikina yamot ng drayber.
Humingi na lamang ito ng paumanhin sa mga pasaherong naabala ng trahedyang iyon. Ibinalik rin nya ang mga bayad namin ng walang labis at walang kulang.
Kaya naman dali dali kaming nagsisitakbo na parang hinahabol ng batas at pumara ng dadaang jeep. Nagmukha tuloy kaming mga survivor sa isang isla kung saan may pinaparang barko.
Kaway kaway pa more ang drama, ngunit imbis na huminto ay pinakain lang kami ng usok. Kabanas, beastmode on na mga dre. Kaway kaway ulit sa paparating and lastly at sa awa ng dyos ay huminto ito. Muntik pa naming halikan ang makinis na noo ng drayber sa sobrang tuwa pero parang ang eksaj na kaya agad nalang kaming kumaripas ng sakay rito.And now, andito na nga kami at matiwasay nang nakaupo habang isa isang hinahabol ang aming mga ex, i mean ang aming mga hininga.
Maya maya pa, Pinara na ni Gelo slash my boyfie, may kokontra ba? ang jeep kaya tumigil ito.
Huminto kami sa isang liblib na lugar. Joke, basta yung walang medyong tao. Una akong bumaba sunod sya pero sya yung unang naglakad at sinenyasan akong sumunod lang.Halo halo ang emosyon ko ng gabing yun. Kaba, dahil parang kami lang yata ang tumatahak sa lugar na yun. Kilig, dahil kasama ko sya. Tapos biglang Takot, dahil baka maging bampira sya at kagatin ako which is bet ko naman haha.
Pero, overall masaya ako sa mga pangyayare.Patuloy parin kami sa paglalakad, nasa unahan sya ako naman nasa likod nakasunod sa bawat hakbang nya. Tahimik parin kami at walang umiimik. Tanging yabag lang ng mga paa namin ang bumabasag sa katahimikan ng lugar. Unti unti, yung dilim ay napapalitan ng liwanag ng neon lights. Unti unti ko ring natatanaw at nasisigurong papasok kami sa isang bar. Yung pangalan ng bar ay pangalan ng isang planeta.
[A/N: oo nga pala, yung ibang parts ng story ay hango po sa mga totoong pangyayare sa makulay na buhay ng inyong malanding Author. Thank you]
Nang makapasok na kami ay medyo nanibago ako sa ingay ng lugar. Malakas, maingay at patay sindi pa ang ilaw nakapagdududa kaya hinagilap ko kung sinong mokong ang naglalaro nang switch nito ngunit nabigo ako. Ang engot ko nu.
Bigla naman akong kinabahan ng mawala sa paningin ko si Gelo. Oo ang tanga ko, mukha na tuloy akong paslit na nawala sa gitna ng mall dahil nahiwalay sa kanyang ina sa pagsunod ng koryusidad. At isa rin itong lesson sa akin at sa inyu narin na nagbasa at napadpad sa storyang ito naKapag ka mahal mo, wag mong bitawan, hawakan mo ng mabuti wag mong hayaang mawala sa mga kamay mo kahit isang segundo, dahil kapag nawala na sa yo,
Makikita mo nalang ang iyong sarili na sumusunod sa anino ng inyong kahapon.Palingon lingon pa ako sa paligid ngunit wala talaga eh.
Iiyak sa sana ako na parang bata ngunit sa walang ano anoy may mga kamay na humawak sa aking balikat. Muntik na akong matriggered which is lilingon ako at ikarate kung sino man yun bilang self defense kumbaga. Peru naging behave ako at malumanay iyong nilingon.Sya yun. Nahanap nya ako. At hawak nya ulit ang kamay ko. Hindi ko man sya masyadong maaninag ay ramdam kong nakangiti sya. Ewan, i just feel it. From the way he holds my shoulder, mahigpit, pahigpit ng pahigpit yun na parang isang aparatus na ginagamit sa pagkuha ng BP.
Maya maya pa ay hinigit na nya ako papunta sa isang table na may mga lalake. This is it, hopia. Alam ko medyo magiging awkward ang mga pangyayare at hindi ako handa sa mga posibleng katanungan gaya ng Ilang taon na kayo? San kayo nagkakilala? Ano ang term of endearment nyu sa isat isa? Kailan nyu planong mag pakasal?
Ngunit nabura lahat ng mga ilusyon ko dahil sa pagsalita ng isa nyang kasama.
BINABASA MO ANG
Ang Pamintang si Soy (boyxboy)
HumorDear crush, Kung sakali mang mabasa mo to, sana nasa maayos kang kalagayan. May mga bagay lang talaga akong nais itanong sayo ng sa ganon ay maliwanagan ang aking nagugulumihang isipan. Bakit mo ba ako sinama sa inuman? May magandang rason ba a...