Chapter 5. Date (Part 1)

69 4 0
                                    


"Hi soy.. " *3*

Una nyang bungad sa akin pagka upo na pagkaupo ko palang sa table.
May pakaway kaway at pangiti ngiti pa itong nalalaman. At dahil nga sa naiinis parin ako sa mga pangyayare ay sinuklian ko rin sya ng isang isang ngiti.

Yung mapait.

Oo, bitter na kung bitter.
Marami parin kasing bagay bagay ang bumabagabag sa aking isipan na hindi ko mawaksi waksi katulad nalang ng mga sumusunod;

Bakit gayun na lamang ang talim ng titig ng cashier sa aming tatlo?

Bakit nagsuot ng backless na dress si Rona gayung maitim naman ang kanyang back?

Bakit mainit kahit walang araw?

Bakit hindi ginamit ni Miss Philippines ang translator nya sa question and answer portion sa Miss U?

Bakit nakakaadik ang mga Kdramas?

Bakit ang mahal ng tubig sa SM?

Bakit lahat ng gwapo may boyfriend?

Bakit ang dami kong tanong?

Bakit nakangiti si Rona?

Bakit nakangiti parin sya kahit alam na nyang nagseselos na ako?

At bakit ba ako nagseselos?

Kami ba ni Gelo?

May karapatan ba akong magselos?

at higit sa lahat,





Bakit ang gwapo talaga ni Gelo?

" Soy!"

Pasigaw na sabi ni Rona sa akin sabay tapik sa balikat ko. Medyo matagal narin pala akong nakatunganga lang sa kawalan. Mataray kong inalayan ng tingin ang pagdampi ng palad nya sa balikat ko tapos bumaling sa gwapo kong katabi.
Makahulugan akong ngumiti sa kanya tapos  ibinaling ko ulit ang mga mata ko kay Rona at saka nagsalita gamit ang mga mata.

Mariin ko muna syang tinignan tapos nag eye sign ako.Kailangan naming maging maingat dahil katabi namin si Gelo. Ang una kong ipinarating na mensahe gamit ang mata ay

'Bakit magkasama kayo'  look.

Bumuntong hininga si Rona at mukhang nakuha na nya ang nais kong ipahiwatig na  mensahe kaya nagreply sya .

" Eh , nag hahanap kasi ako ng ice cream kaya pumunta ako rito , tapos nakita ko si Gelo" pagpapaliwanag nya.

Hindi , Rona, HINDI!!!! sa prisinto ka magpaliwanag!

" Ah , ganun ba? " malumanay kong tugon.

Napansin naman Gelo ang tensyon  kaya nagprisinta itong kumuha ng makakain. Sabi nya pa baka nagugutom na daw kami. Actually si Rona lang naman yata ang gutom eh dahil nginangata na nya yung table! Oo , gutom na naman sya.
Palagi syang gutom.
Palagi syang kumakain pero ang nakakainis , di man lang sya tumataba.  Minsan napapaisip tuloy ako na baka may tyanak syang tinatago sa tyan nya at yun yung kumakain ng mga nilulunok nya. Creepy..

Pabebe pa itong nag pasalamat kay Gelo na may pahampas pa sa balikat nito. Nanlaki tuloy ang aking mga mata sa aking nasaksihang kalandian.
Babaeng to!
Bat nya hinampas ng ganun si Gelo ko!? 
Eh kung sya kaya hampasin ko ano!?

At dahil nga sa biglaang pag alis ni Gelo sa table namin ay nagkaroon kami ng time ni Rona na mag usap.
Isang banayad at masinsinang pag uusap.

" BES , ANO YUN!!!?" galit  kong tanong sa kanya.

Imbis na masindak at tumakbo  palayo na parang di nakabayad ng utang  ay tumawa lang sya. Malakas yung tawa nya. Malakas,  kasing lakas nung amoy.
Maya maya pa pinag hahampas nya na ako.  Hindi parin sya tumitigil sa pagtawa.
Hayup na babae.  Hanep kausap.

Ang Pamintang si Soy (boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon