Chapter 3
---
Secret's POV
One last bite. Yum!
Kinakain ko ngayon ang breakfast ko. Yes, ang baboy ko.
Hindi naman ako gutom eh. Sadyang masarap lang ang cookies.
Umaga ngayon, obvious ba? At malamang tulog pa si Vance.
Bakit hindi ko sya binabantayan? Ang lakas ng hilik nya!
Nababanas lang ako! Kaya ngayon, stress eating lang din peg ko. Mwehe.
Meron pa ritong nakahandang ibang mga pagkaing hindi ko alam kung ano yung tawag.
Eh malamang, anghel ako eh. Hehe.
Umakyat na ko sa kwarto ni Vance. Dinala ko na rin yung cookies para may mapaglibangan ako habang tinitiis na bantayan sya.
Don't ya worry. Hindi naman ako nakikita ng maids. Nakatago naman akong umakyat.
Hindi na ko kumatok, kasi malamang tulog sya, at tuloy-tuloy na pumasok na.
Hindi pa sya gising.
Umupo ako sa stool na katabi ng kama nya para dun tumambay habang binabantayan sya.
Ngayon ko lang naalala, nasa akin pa pala yung 'Book of the Guardians'. Hindi ko pa nababalik.
Pumunta agad ako sa balkonalya para tawagin si Devon.
"Devooon!" agad na lumitaw naman si Devon.
Hindi yata busy 'to ah. Ang bilis. Anbilibabol.
Binigay ko na sakanya 'yung libro.
Aalis na sana sya pero may biglang nag-pop sa ulo ko na tanong.
"Devon. Bakit nga pala hindi ko nakikita yung mga tagabantay nung mga maids?" hindi ko na hinanap kanina sa libro kasi magkikita rin naman kami ni Devon eh. Mas magandang tanungin ko nalang sya.
"Ganun talaga ang mga tagabantay. Para syempre 'wag magdaldalan. Baka mamaya patay na pala alaga mo di mo alam," sabi nya.
Nagdadalawang-isip naman ako kung sasabihin ko sakanya na nakikita ako ni Vance.
Yes or no?
Ano (Sino) ang pipiliin ko~
Charot. Narinig ko 'yan sa radyo kagabi.
Naisipan kong wag nalang pala. Baka kung anong gawin pa nito kapag nalaman nya.
"Sige. Bye na," sabi ko sakanya at kumaway na. Agad naman syang nawala.
Sanay naman akong maiwan eh. Charot.
Bumalik na ko kaagad sa kwarto ni Vance pero pagbukas na pagbukas ko ng pintuan, mukha nya agad yung bumungad.
Yan tuloy, nasapak ko.
"Owh. Shet," sabi ko. Ang taray pa naman neto baka mamaya itali ako sa kama neto.
Ay. Ahe. Sa kama talaga nasabi ko? Ahe.
"Shouldn't you say sorry first?"
"Pake mo ba," sabi ko sakanya tapos tuluyan nang pumasok sa kwarto nya.
Kinuha ko kaagad yung cookies ko at umupo sa gilid ng kama nya.
Pumasok din sya sa kwarto at umupo sa study table nya.
"Aalis ka ba? Geh, lumayas ka na," sabi ko sakanya.
Kanina kasi diba, pagbukas ko, mukha nya kaagad bumungad sa'kin? So ibig-sabihin lalabas sya.
"No. Hinahanap kita," nabulunan ako.
Imbis na bigyan nya ko ng tubig, sinamaan nya lang ako ng tingin.
Ay, umasa akong bibigyan nya ko ng tubig.
Paasa. Patchu.
"Bakit?" tanong ko tapos linapag ko na yung cookies sa side table.
Baka mamaya kasi kung ano-ano na naman sasabihin nito tuluyan na kong maghingalo.
"Look at the mess in my room," sabi nya habang tinuturo yung lapag na malapit sa kama nya.
Hindi naman ako kumain kanina ah? Baka yung ibang mga anghel yung nagkalat.
"Hooy! Hindi ako nagkalat nyan!" pag-depensa ko sakanya.
"Who else would it be? Clean it,"
"Hello~ Guardian angel mo ko hindi maid! Ang dami-dami mong maid ako uutusan mo! Aba!" sabi ko tapos pinagkrus ang mga bisig ko.
Walangya. Ako ba naman utusan. Di naman ako nagkalat.
He rolled his eyes at me. "Clean it," sabi nya tapos lumabas na ng kwarto.
"Hayst. Masagasaan ka sana," charot. Ang sama ko.
Paano naman ako maglilinis? Di ako marunong maglinis.
Ano, didilaan ko 'yung sahig?
Ew.
Eh kung kaya, bigyan ko yung note yung maid? 'Hawak ko pamilya mo. Linisin mo kwarto ni Vance'.
Charot. Ang brutal.
Ako na nga lang maglilinis. Tutal masipag naman ako.
Kinuha ko yung bagay na parang spaghetti sa gilid na walang sauce. Panglinis yata to eh. (A/N: mop yun hehe. alam kong walis yung dapat gamitin. Eh sassy si Vance, mop lang gamit eh HAHAHA)
Pinunasan ko na yung kalat ng kung sino mang Hudas Barabas na yun.
Letse.
Pumunta ako sa cr at binanlawan na yung spaghetti na walang sauce.
Lumabas na ko sa kwarto para hanapin si Vance.
"Vaaaaaaaaaaance!" kami lang naman nakakarinig eh.
Lol walang kami. Charot.
Pero hindi boses nya yung narinig ko, "Bogoshipda~" (A/N: ringtone yun hehe)
Ano yun? Hindi naman yata boses ng tao yun eh. Robot?
Sinundan ko yung tunog ng kung anong bagay na yun.
Napunta ako sa isang kwarto na puno ng libro.
Ano nga ulit tawag dito?
Librory?
Ah basta. Pinuntahan ko na yung table kung nasaan yung tunog na yun.
May umiilaw pero alam kong hindi iyon aura. Habang papalapit ako ng papalapit, palakas ng palakas yung tunog.
"Animyeon naega byeonhan geonji~," ano bang lenggwahe to? Mygahd.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit sa bagay na iyon, may biglang humablot sa braso ko.
"Aahhhh!"
---
A/N: Cliffhanger, mwehe. Sino kaya yung tumawag. *wiggles mah eyebrows*
Kilala nyo yun. Mwehe. Kung sino man makahula, i-de-dedicate ko yung next chap sakanya.
Tsaka. Kanta ng BTS 'yun. Ringtone ni _______. Mwehe. Find out in the next chapter!
BINABASA MO ANG
The Angel of the Devil: Fallen Angel (Book 1)
Teen FictionWe all know everybody has a guardian angel. But let us stop for a minute and ask ourselves, does an angel guard a devil? "I'm always tired....but never of you" --- All Rights Reserved. PLAGIARISM IS A CRIME. xx not edited xx --Trilogy-- Book 1: Fal...