Chapter 1

26 6 0
                                    

Chapter 1

Chapter 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Devon^

---

Angel's POV (wala pa syang pangalan)

"Ahhhh!", m-may ahas..

Papalapit ito ng papalapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras. Baka maalis ako sa garden of eden gaya ng nangyari kina adan at eba kung lalapitan ko ito.

Sisigaw pa sana ako muli kaso bigla nalang nagka-kulay berde na aura ang ahas. Nakita kong unti-unti na itong nagiiba ng anyo.

Tiningnan ko ang librong hawak ko. Kulay berde rin ang aura nito.

Baka sakanya ito.

Tiningnan ko muli ang ahas ngunit iba na ang anyo nito. Isa na itong anghel...

At...kilala ko kung sino ito.

"D-Dev-", bati ko rito.

Ngumiti lamang ito sa'kin. Iniabot ko sakanya ang libro dahil alam ko na kung kanino ito.

Sakanya ito...

Kinuha nya ito at binuklat. Kumunot ang noo nya nang makitang basa ang laman nito.

Tiningnan nya ako at dinuro, "Paano nabasa ito?", tanong nya sakin na siguro ay obvious naman ang sagot kasi katabi ko na yung sagot which is yung ilog.

Nginuso ko yung ilog at sinundan nya naman yun ng tingin.

Napabuntong-hininga naman sya at napapikit dahil sa kapabayaan ko.

"Follow me," sabi nya sakin. Sino ba naman ako para hindi sya sundan diba?

Lakad lang kami ng lakad. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta.

Malayo-layo na ang nalakad namin dahil hindi ko na makita ang ilog na aming pinanggalingan kanina.

Nakatingin lang ako sa likod ko sa buong paglaakbay namin. Baka kasi mamaya may sumulpot na namang nilalang.

"Aray," nabunggo ako sa likod ni Devon. Oo, devon ang pangalan nya.

Hindi ko napansin na naka-tigil na pala siya.

Tumingin muli ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko.

Nasa labas kami ng 'garden of eden'!

Tumakbo ako papunta sa pintuan nito kaso wala na.

Naglaho nalang na parang bula ang garden of eden.

Lilingon na sana ako sa likod ko upang tingnan si Devon ngunit nasapo ko ang ulo ko dahil naramdaman kong sumakit ito.

At bigla nalang naging itim ang lahat..

---

Devon's POV

The Angel of the Devil: Fallen Angel (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon