"Sabunutan sa Salon"

12 1 0
                                    

Genre: Comedy
Character(s): Faizal at Sosa
Summary: "Nagkita nanaman tayo"

-------

"Hay naku! Ampanget na ng hair style ko bes," Sigaw ni Faizal habang nakatingin sa salamin. Wala siyang kausap ano ba, "Nakakarindi! Makadaan nga sa salon muna!"

Naiiritang pumunta si Faizal sa pinakamalapit na salon sa kanila. Pumasok siya rito at pataray na tumingin sa hairstylist. Nagrequest si Faizal na gandahan ang ayos dahil sa totoo lang ay kaganina pa siya naiinis sa buhok niya. 

"Ate, magpapaayos din ako ng buhok," pataray na sabi ni Sosa. Waw bes, ano 'to.

Naging pamilyar ang boses kay Faizal kaya dahan-dahan (with sound effects) itong tumingin kay Sosa. Naging cat eyes ang kanyang mata at nadaragdagan lamang ang pagkainis sa katawan niya. Tinry niya talagang hindi magpakita ng pagkainis sa karibal niya at ngumiti nalang ito.

"Oh, Sosa. good to see you here! Hindi ko alam na dito ka rin magpapa-hairstyle," ang bati ni Faizal kay Sosa na nandoon parin ang ngiti. 

Sa totoo lang din, naiirita na din si Sosa. Araw-araw ba naman niya makita! Ang malupet dun, karibal pa niya sa lahat ng bagay: kagandahan, katarayan, at kayamanan. Nagpapabonggahan sila ng kasuotan at nagpapaangatan. 

"Someone told me that this salon is actually one of the most recommended," ang reply niya kay Faizal, "Hindi ko rin alam na dito kita matatagpuan. Kung sabagay mukhang bird's nest yang buhok mo."

Dun na nagsimulang kumulo ang dugo ni Faizal. Dinaan niya nalang ito sa simpleng ngiti pero 3gered talaga siya. 

"Magkano 'yang bag mo? Ang ganda naman. Pero mas maganda pa yung mga nakikita ko sa Divisoria at Quiapo," Pataray na sabi nito.

"Damit mo ba talaga iyan o balat mo?" Sagot ni Sosa.

"Ayan ba, buhok mo ba yan o dekorasyon lang? Ang laki kasi ng ulo mo."

"Bakit ba ang itim mo?"

"Bakit ba ang pangit mo?"

"Bakit ba ang ganda ko?"

"EXCUSE ME, hiyang-hiya naman ako!"

"Mahiya ka kasi di ka maganda!"

Nagsimula na silang mag-sigawan at nagkatinginan lahat ng tao. 

"Bakit ba lagi akong nakakakita ng mga trash na katulad mo?"

"Kaya pala laging polluted ang dinadaanan ko kasi may dumi!"

"Bakit ba iniirita mo ako? Sobrang ganda ko ba? Oh! Maganda talaga ako at insecure kalang."

"Aba, kinaganda mo na yang mamahalin mong bag?"

"Hoy, mahal ata ito. Masyado ka kasing cheap kaya hanggang yan lang afford mo!

"Excuse me, mamahalin yata lahat ng gamit ko!"

"At lis pinagkakaguluhan ako ng mga lalaki, di katulad mo! Laging iniiwanan sa ere kahit landingan ka ng eroplano!"

"HOY PINEPERSONAL MO NA AKO!"

"BAKIT, GANON KA DIN NAMAN AH!"

"SUNOG!"

"MEGAMIND!"

"ABA G*GO ITO AH---"

Nagsabunutan ang dalawang panig at sinubukan itong pigilan ng guwardiya, which is successful naman pero pati siya nadamay. Sa huli, nasipa palabas ang dalawa at payapang nagpa-hairstyle ang ibang tao.

"Kahit kailan talaga," Pabulong na sabi ng nag-aayos ng buhok sa kanyang sarili.

𝓚𝓪𝓫𝓪𝓵𝓲𝔀𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪 🥀Where stories live. Discover now