"Marikina"

7 1 0
                                    

Genre: Normal 
Character(s): Kurt , Ivan, yung may-ari ng tindahan ng sapatos
Summary: "Sabi ko na nga ba't ganoon nanaman ang mangyayari. Mga lalaki talaga."

--------

Maganda ngayon ang panahon sa Marikina.

Madaming taong naglalakad at nagkalat ang magagandang mga sapatos. Ayaw man sumama ni Kurt, pinilit siya ni Ivan dahil gusto nilang kasama siyang bumili ng sapatos.

"Bakit nga ba ako sumama ulit," Napaisip si Kurt na may halong inis, "Kalayo-layo ng lugar, eh!"

"Ano ba Abnoy! Nandito na tayo!" Sabi ni Ivan na natatawa, "Uy brad, ganda ng sapatos oh!"

"Wag mo nga akong abnoy diyan! KURT! Kurt ang itawag mo--"

"Che! Sori ka nalang, bumili ka na nga lang!"

"Geh, iikot muna ako."

Pumunta sa loob ng tindahan ng sapatos ang dalawa at tumingin ng sapatos. Nagandahan si Ivan sa mga 'sneakers' dahil akalain mong mukha silang mamahalin. 

Maya-maya pa ay nahumaling sa mga sapatos si Kurt. Ngayon lang siya nakakita ulit ng ganitong magagandang klase ng sapatos. Nakatawag-pansin ang mga black shoes na nandoon sa gilid. Gusto man niyang bumili ay di niya alam kung anong bibilhin. Sakto nalang at may dumaan na mukhang pamilyar sa mga ito. Syempre, magbebenta ka ba ng di mo alam.

"Iho, mukhang nalilito ka ata," Mungkahi ng babae sa kanya, "Sapatos yan noh?"

"Sapatos nga, tsaka--- OI, MAS MUKHANG BATA KA PA," Muntik na mapasigaw ang lalaki sa kanya.

Tumawa nalang ng nakakairitang tawa ang babae.

"Sus, alam ko ang ganyang tingin. Yun bang naghihintay ng magandang sapatos at dito nalang pala makakakita. Wag ka nang maghirap dahil malayo ang Marikina sa tirahan ninyo," Ang kanyang sunod na inimungkahi.

"Nababasa mo isip ko ah. Medyo bilib na ako pero mas nakakabilib ako," Sagot ni Kurt.

"Di ko na rin kailangang mag-Benguet. Ang hangin mo boi."

"Chill. Ganito kasi, may nakita akong black shoes. Maganda sila pero gusto kong pumili ng tingin mong patok. Lam mo na, medyo galante ako ngayon."

"Tama lang ang pinuntahan mo."

Kinuha ng babae ang isang itim na sapatos at ipinakita kay Kurt.

"Ito oh. Magandang klase ito. Pwedeng casual, pwedeng formal." Naka-ngiting sabi nito, "Mukhang mamahalin kung titignan pero sulit ang pera mo dito dahil mura."

Kinilatis ito mabuti ng Black Shoes adik at sumang-ayon din.

"Salamat ah. Hahanapin ko na yung  katropa ko. Babayaran ko muna ito at hahanapin ko siya pagkatapos." 

"Geh lang, no problem, pero sana di ka katulad nung isa kong kostumer nung pagkatapos bilhin ang brand new na sapatos niya dito."

Pumunta sa isang gilid si Kurt at binili ang sapatos. Pumunta ito sa medyo patagong sulok at binuksan ang kahon ng dahan-dahan. Inamoy-amoy niya ito at tinignan kung may tao pa sa paligid.

"Clear coast," Sabi ni Kurt sa sarili at dinilaan ang mga sapatos.

Ilang segundo lang ay nakita siya ni Ivan. 

"ABNOY OI ANONG GINAGAWA MO," Pasigaw na tanong nito.

"I CAN EXPLAIN---" Naputol ang sinabi ni Kurt nang umalis ang katropa niya.

Tumakbo nang natataranta si Ivan at iniwanan niya ang kaawa-awang Kurt. Sa isang sulok, hindi alam nung may-ari kung matatawa siya o mangingiwi sa nakita niya.

"Sabi ko na nga ba't ganoon nanaman ang mangyayari. Mga lalaki talaga."

𝓚𝓪𝓫𝓪𝓵𝓲𝔀𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪 🥀Where stories live. Discover now