Genre: Comedy
Character(s): Howeird, Kurt
Summary: "Tangina namang buhay to"Ang pagmamahal ay parang isang bunga ng puno ng kahel, bibilugin ka lang hangga't ika'y bilog na bilog na.
So ayun, nakain si Kurt ng kahel habang nanonood ng yo---- joke lang kala mo naman may internet sila na malakas. Dejk lang meron talaga silang malakas na internet. Sana ol talaga.
Kinatok ni Howeird and pintuan nya tapos tumabi sa kanya sa couch kasi pareho silang dakilang tamad at pabigat sa pamilya. Napagdiskitahan nya bigla yung isang malaking box ng kahel kasi mukha itong masarap. Kumuha sya ng isang kahel tapos binalatan ito. Kinain nya ito tapos naasiman. Syempre ang ending diura nya yon sa plastic.
"pwe!" Ang unang panimula sa dialogue ni Howeird, "baKET DI MO SINABI SAKING MAASEM TO POTA?"
"Kaw kase antakaw mong hinayupak ka!" Hindi mapigilan ni Kurt na maasar kasi madalas pinapagbayad niya ang mga taong us2 humingi ng pagkain nya, "bayad muna!"
"Ang asim asim nga ng kahel mo e! Baket ako magbabayad!?"
"TANGINA MO HOWARD AKEN NA BAYAD!"
"O ETO SAYONG SAYO NA! SAWANG SAWA NA AKO! BREK NA TAYO!"
Umalis ito sa kwarto at iniwan si Kurt na nagtataka.
"HOY TANGA WALANG TAYO!" Pasigaw na reply ni Kurt sa VoiceMail.
-Timeskip kasama ang Starwax-
Umupo nalang si Howard sa isang gilid kasi naiinis sya sa kahel ni Kurt kaya nagdesisyon sya sa kanyang utak at balunbalunan.
Balak nya sirain ang box tapos sunugin ang kahel kasi nga bwisit nga diba. Pati ps4 ni Kurt parang gusto nya ren idamay.
"Pati ren kaya manok nila hmmmmm" naisip ren nya. Galing e.
Pero syempre, mas magandang kumuha nalang siya ng palaka para lutuin. Ngumiti ito ng parang may masamang balak at pumunta sa kusina.
Matapos ang isang oras ay nakagawa na sya ng pagkain. Hindi halatang palaka ito kasi isa syang m a s t e r c h e f.
Binigay nya ito kay Kurt na sarap na sarap matapos itong tikman tapos nagtaka si Kurt kung baket gan0n ung buT0 paranG iBa.
"Shutangina, anu tong kinakain ko Howard?!" Tanong ni Kurt na natatakot na kumain (oo pre).
"Kahel dela Krukru" reply neto kay Kurt na may emoji pang happy face.
"ano yon pre."
"palakang may kahel baliw!"
At simula non di nya na ginalet si Howard at binigay na ang isang baks ng kahel.
YOU ARE READING
𝓚𝓪𝓫𝓪𝓵𝓲𝔀𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪 🥀
RandomMga kabaliwan ko lang ito. Minsan naiisip kong ano e... (A n o) Kung sino man sa mga kaibigan ko makabasa nito...... S u f f e r uwu