"So ayon nga kinasal sila," sabi ng isang co-worker nila Kate at Jolo na si Thea, "Shet sana ol diba."
"Eh ano naman sa iyo," sabi ng kumare nyang si Joem na wala naman talagang papel sa buhay nila Jolo at Kate, "Wala ka bang six life?"
"Anung six life, baliw!, 'Di naman anim buhay ko! Sax life kase! Kaya Bobita second name mo e!"
"Aba aba dahan-dahan ka sa pananalita mo ha! Mas marami akong naging jowa kesa sayo!"
"Pakielam ko naman, walang nagtatagal sa anghit ng kili-kili mo huy!"
At nag-away na nga sila, pero natigil eto nung dumating na si Kate sa opisina. Nakita nyang nagsasabunutan ang dalawa at kulang nalang magbalatan na ng buhay. Pero sabi nga nila, makulay ang buhay pag sumakabilang buhay.
"Hoy anung gulo to!?" Sigaw ni Kate habang nakain ng isang paketeng Hershey's Dark Chocolate™, "Baket may nag-aaway?"
Napahinto ang dalawa at nag-ayos ng mga sarili. Kabog teh nag ayos pa ng foundation at blush-on.
"Eto kasing si Thea, nakakainis, nagseselos sa inyo!" Wika ni Joem na malaki ang pata, "Ikaw raw kasi may lovelife sya wala!"
"Dapat kase aken si Jolo e! Hayop kang babaita ka inagaw mo saaken si Jolo!" Sigaw ni Thea habang naghihisterikal sa pader. Oo pre, pader kausap nya kase walang may gustong umintindi sakanya.
Napatigil si Kate noong marinig nya yoon. Halos pagpawisan eto ng yelo kasi di nya alam gagawin nya. Pero buti nalang dumating na ren si Jolo, pero kala nya lang e makakabuti to.
"Jolooooo," Lumapit si Thea sa kaawa-awang lalaki na kumakain naman ng isang baldeng Dairy Milk™, "Mag divorce na kayoooo, tayo nalaaang."
"Mag hulos-dili ka, di ako nangongolekta ng higad," Sabi ni Jolo na may tinga, "Ayokong may makati sa balat ko."
"Pero Jolocutie naman e, kala ko ba tayo lang?"
"Anung tayo lang tayo lang ka dyan? Baliw! Ang ibig ko sabihin tatayo lang tayo non!"
*time skip*
Umeyak si Kate sa labas (syempre di nya tinapos ang pakikinig) kase akala nya ay naloko sya ni Jolo. Nakita sya ni Jolo na nasa gilid na kumakain nalang ng tsokoleyt kasi chocolate is life.
"O asawa ko, baket ka umiiyak?" Tanong ni Jolo na iiyak den kasi iyakin sya.
"Jolo?.... Mahal mo ba ako?" paiyak na tanong ni Kate.
"Oo naman syempre. Kahit sabihin pa natin na ang kasal na iyon ay dahil sa mga kasalanan ko, hindi ako magsisisi. Mahal k0 naman pinakasal ko e."
Umiyak lalo si Kate pero di dahil sa lungkot, pero nagtanong eto ule.
"Pero mahal mo ba talaga ako?"
"Oo naman, kahit ulit-ulitin moang tanong e ulit-ulitin kong isasagot ang parehong sagot."
"Baket mo sinuot ung gown na para saaken nung wedding naten?"
-end-
YOU ARE READING
𝓚𝓪𝓫𝓪𝓵𝓲𝔀𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪 🥀
RandomMga kabaliwan ko lang ito. Minsan naiisip kong ano e... (A n o) Kung sino man sa mga kaibigan ko makabasa nito...... S u f f e r uwu