Chocolate

7 1 0
                                    

Genre: Romance, Comedy
Characters: Jolo, Kate (kung sino man kayong dalawa e di kayo pinagpala at nalagay ko kayo dito)
Summary: "shet masarap pre, parang ako"

Maganda naman talaga lagi ang araw, pwera lang pag tag-init. Ang araw dito ay parang nagbabagang apoy sa init. Ang Pilipinas ay isang malaking pugon na hindi man lang pinasingaw ng kaunti matapos gamitin.

Dali-daling bumili ng ice cream si Kate dahil sobrang init sa Alabang. Hindi masyadong tumatalab ang mahika ng malamig na kahon kasi ganon talaga ang buhay, minsan kailangan mong maghintay ng tamang panahon para sa magandang bagay, at syempre, isa na doon ang AirCon™.

Wala siyang pakielam kung anong flavor mabili nya, gusto lang naman nyang lumamig kahit malamig na sya.

Kalagitnaan ng alas dos ng hapon ay biglang tumambay si Jolo sa faculty room nila.

"Kate, us2 m0ng zh0ck0laTesz" Sabi ni Jolo na hanggang sa dialog ay jejemon paren.

"Hanggang dito ba naman iistorbohin mo ako, ano ba talaga ang balak mong gawen", ang banat ni Kate kasi gusto nya na kainin yung ice cream. Sayang naman e.

"Gusto ko lang naman magb1gay ng zchokoleyts e, anu bang Bhadxs d0n pre?"

"Lahat kasi ng binibigay mo saken may lason ponyeta ka."

Nagkatinginan yung dalawa at naging tahimik ang atmosphere (waw ingles shit).

"Tanggapin mo na kase tsokoleyts ko"
"Sige na nga, kaibigan naman kita e"

*heart breaking effects pshung pshgung c r a ck*

Tinanggap na ren sa wakas ni Kate yung chocolates matapos ang 30 minutes ng pagdedebate sa kanyang isipan. Nagbago isip nya. Nagbago puso nya.

Biglang kumain sa tabi niya si Jolo kasi isa syang dakilang jejemon na kasing bait ni Bord.

"Mmhmmhmhmhm ang sharaaaaap" ang mungkahi neto habang umuungol na parang 60's porn star. Pano nga ba ule y0n.

"Baboy naman neto, di kita kilala",sabi ni Kate habang lumalayo na kasi talagang ayaw nya na mabuhay matapos mangyari yon.

"Ang sarap kasi e! Sobrang sarao ng Cadbury!"

"Dairy Milk lang naman yan a, kala ko naman kung ano."

"Shet masarap pre, parang ako."

*seagulls*

Tumahimik bigla ang paligid, pati na ang mga istudyanteng nagtsitsismisan. Pakiramdam ni Jolo ay nasa ilalim sya ng Genjutsu ng isang Uchiha.

Tumingin sa kanya si Kate na parang di makapaniwala na ang mundo ay hindi patag at ito ay walang hangganan.

"A-ano?!?!?!" Pasigaw na tanong ni Kate. Bale first time nya nagkaroon ng emotion dito bukod sa normal poker face nya.

"Proud ak0 na masarap ak0!" Sigaw pa ni Jolo at nag macho dancing habang natulo galing sa bibig nya ang tsokolate.

"p o t a, it's over na. Friendship over na tayo."

At simula non ay hindi na nagdala ng chocolate si Jolo. Di sila nagkapansinan dahil don pero hindi siya sumuko.

Gusto lang naman nyang umamin na mahal nya si Kate, pero dahil sa self-katarantaduhan nya ay nagkandaleche-leche ang kanyang mga pinaplano. Umiyak ito sa gilid ng bahay nila habang kumakain ng chocolate. Nakita siya ni Kate at bigla itong nag-alala para kay Jolo.

"Jolo, gusto kong humingi ng tawad kasi nagalit ako."

"Ayus lang naman saken yun, sa totoo lang kaya ko lang naman ginawa yon para mapasaya ka. Sa sobrang kagustuhan kong magustuhan mo ako ay ginawa ko ang lahat para maging sabog araw mo."

Nang malaman ni Kate ang confession ay ngumiti eto at niyakap si Jolo.

"Sa totoo lang..... Gusto rin kita."

Nagulat si Jolo at natigilan ang hininga nya. Iniisip nya kung isa ba itong panaginip dahil ayaw nya na magising.

"Pero please lang wag ka na magdala ng chocolates ha, madali akong magtae."

At doon nagsimula ang kanilang matamis na pagmamahalan.

.
.
.
.
.
.
.
.


Ngunit nung matapos ng ilang araw ay may dala nanaman syang bagong pakulo, pero iba naman ang dala nya.

"KATE TIGNAN MO O, MARSHMALLOWS, MASARAP SYA PERO MAS MASARAP AKO R A W R."

"PUNYETA KA JOLO"

𝓚𝓪𝓫𝓪𝓵𝓲𝔀𝓪𝓷 𝓴𝓸 𝓵𝓪𝓷𝓰 𝓽𝓪𝓵𝓪𝓰𝓪 🥀Where stories live. Discover now