Chapter 16: Weird

43 6 0
                                    

Jeika's POV

Andito ako ngayon sa school library namin para matulog. Half day lang kami ngayon kaya dito muna ako. Ang ingay kasi sa room namin eh.

So andito ako sa pinakadulo at nakikinig ng music. Patulog na ako ng may narinig akong ingay. Parang nahulog. Napabangon ako at shete si Justin pala.

"Oh. Anyare sayo?" Natatawa king tanong at inalalayan siyang tumayo.

"A-ah wala nabagsakan kasi ako ng libro haha" sagot nito.

"Medyo clumsy ka pala haha"

"Hahaha."

Awkward.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Matutulog sana eh kaso..."
Di ko na tinuloy yung sinabi ko kasi parang gets niya na.

"Ganun ba? Tara may alam akong lugar" omo

"S-sige"

Sinundan ko siya palabas ng library hawak niya yung libro na nahulog. Hmm mahilig pala siya sa anime. About sa anime kasi yung libro eh.

Dinala niya ako sa likod na building. Woah. Madamo yung lugar at malaki. May puno dun na sakto para makapagrelax ka.

"Ano? Ayos ba?" Tanong niya

"Oo. Nakakarelax pala."

"Dito ako natambay tuwing break."

"Paano mo nahanap tong lugar na to?"

"Naglibot libot kasi ako kaya ayan natagpuan ko to"

Ayos ha. Dumiretso ako sa puno at saka humiga at pumikit. Naramdaman kong may tumabi sakin at alam kong si Justin yun kaya hindi ko na dinilat mga mata ko.

Kaya nakaidlip ako....
~.~

"Sana bumalik ka na sa dati Jeika, sana maalala mo na kami."

Napadilat ako ng marinig iyon.

"J-justin?"

"Hmm?" Sagot niya. Nagbabasa pala siya. Siguro guniguni ko lang yun.

"May binulong ka ba kanina?" Tanong ko.

"H-ha wala ha nagbabasa lang ako dito" sagot niya

"Ah sige. Ano ba yang binabasa mo?"

"Anime"

"Haha para ka palang kapatid ko."

"H-ha bakit naman?"

"Parang ikaw kasi siya eh. Mahilig sa anime at medyo mahiyain"

"Ah ganon ba?"

"Oo"

Napangiti siya at bumalik sa binabasa niya.

That's weird. For a minute parang hawig niya ang kapatid ko sa paningin ko. Napahawak ako sa ulo dahil bigla itong sumakit.

"Jeika!" Narinig kong sigaw ni Justin.

Patuloy pa ring sumasakit ang ulo ko. May nakita ako. Isang lalaki kahawig ko. Nakatayo siya sa harap ko at may binubulong.

"Please come back"
Napadilat ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

"Jeik" bigla ko na lang nasabi ng makita ko ang taong nasa harap ko bago mawalan ng malay

Catch me if you canTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon