Chapter 17: Back

33 5 2
                                    

Justin's POV

Agad kong binuhat si Jeika at dinala sa clinic. May parteng nagsasabi sakin na dapat ay masaya ako dahil sa sinabi niya at may parte namang hindi dahil sa pangyayareng iyon ay makakaranas na naman siya ng sakit.

Bakit ang dami kong alam? Kasi hindi lang naman ako simplemg transferee. Lahat ng ginagawa ko ay may dahilan.

Keiji's POV

Nom nom nom whooo sarap talaga ng chicken. Kasalukuyan akong kumakain ng biglang may nagtext sa akin.

From: Rizza

Nasa clinic si Jeika.

Agad akong tumakbo sa clinic. Shete anong namgyare sakanya? Hindi kaya... aish possible
naman mangyare yun. Pagkadating ko ay nandun sa tabi niya si Justin. Wala akong dapat ikaselos dahil kilala ko si Justin, kilalang kilala.

"Anong nangyare?" Tanong ko

"Sumakit ang ulo niya tapos nahimatay na lang siya bigla"

"Hindi kaya--"

"Possible yang nasa isip mo."

Natulala na lang ako. Sa wakas

"Alam mo ba sinabi niya sakin bago siya mahimatay?"

"Ano?"

"Jeik."

Nanlaki yung mata ko. Paanong?

"Nagtataka rin ako" sabi ni Justin

Natulala na lang kaming dalawa. Eto na ba yung hinihiling ko?

"Nasaan ako?" Nagulat ako ng magsalita si Jeika. Gising na pala siya

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"O-oo anong nangyare?" Tanong niya

"Nahimatay ka." Simpleng sagot ni Justin.

"Ang weird" nagtaka ako sa sinabi ni Jeika.
"Bakit?"

"Parang natulog lang kasi ako eh. Nanaginip ako. Buhay daw si Jeik tapos siya si Justin tapos Boyfriend daw kita Keiji haha" nanghihina niyang sabi.

Nagkatinginan kami ni Justin.

"Haha ano ba yang panaginip mo." Natatawang sambit ni Justin. Pero deep inside kinakabahan na yan.

"Oo nga eh"

"Jeika anong gusto mo." Tanong ko. Baka nauuhaw siya or nagugutom.

"Tubig lang" sagot niya.

"Siga wait lang bibili lang ako"

Agad akong lumabas. Kinakabahan ako. Nangyayari na. At sana magtuloy tuloy na siya. Tutulungan ko siyang bumalik. Alam kong babalik siya. Niligaw lang siya ng isang walang kwentang tao.

But she's on her way back again. She is coming back

Catch me if you canTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon