Chapter 20: Small talk

41 5 0
                                    

Jeika's P.O.V.

Myghad sino ba nagsabi na dapat maaga ang klase? Katamad tsk. On the way na ako sa school namin. Yeah it's Monday. My most FAVORITE day of the week.

"Di ka naman bad trip?"

"Ah hindi ba Kei?"

"Ays lang"

Inirapan ko na lang si Keiji. Oo si Keiji. Kasabay ko siya ngayon. So ayun nga nakarating na kami. Nung dumadaan kami sa hallway napansin ko na may nakatingin sakin. Binaliwala ko na lang yun at dumirediretso lang.

Kaso. Nagulat ako ng biglang umakbay sakin si Keiji. Ano ba to? Pilit kong tinatanggal yung braso niya pero di ko magawa. Pagkadating namin sa room namin ay agad niyang tinanggal. Pag ka tanggal niya ay agad ko siyang sinuntok sa braso.

"What was that for?!"

"Mamaya ko na lang ikwekwento" nakangiti niyang sagot at pumunta na sa upuan niya.

3 hrs later

Lumabas agad ako ng room pagkaring ng bell. Nagcr muna ako bago kumain. Tahimik akong naghuhugas ng kamay ko ng biglang may humila ng buhok ko.

"Napakalandi mo talaga!"

Pfft ako pa talaga sinabihan nito. Hinawakan ko yung kamay niya at agad na inikot ito.

"Wag mo namang pintasan sarili mo. Love yourself" mahinahon kong sabi.

"Bitawan mo ako!" Reklamo niya

"O sige sabi mo eh"

Marahas ko siyang binitawan dahilan para mapaupo siya sa sahig.

"Next time na saktan mo ako, siguraduhin mong ako ang babagsak ha. Ikaw unang nanugod tapos bandang huli ikaw ang babagsak. So sad naman" pangaasar ko sakanya. Weak

"Pagkatapos mo kay Zander si Keiji naman" sabi ni Lei habang nakatingin sakin ng masama.

"Oh. Anong pinuputok ng buchi mo? Diba nasayo na si Zander?"

Nakatingin lang siya sakin ng masama.

"Nagutom tuloy ako dahil sayo. Makaalis na nga"

Akmang aalis na ako ng bigla siyang magsalita

"Akala mo ikaw ang mananalo. Huh wait and see"

Di ko na lang yun pinansin at umalis na.

Sa Canteen

Tahimik lang akong kumakain ng Pizza sa isang table. Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa tambayan ni Justin. Hay nakakarelax talaga dito.

Sinalpak ko ang earphones ko at nagpatugtog. Nagmasid masid ako sa paligid ng makita ko si Keiji na palapit sakin. Kumakaway siya sakin habang nakangiti. Blank face lang ako huahua.

"Explain." Sabi ko

Umupo siya sa tabi ko at nagsalita.

"Ginawa ko yun kasi nakita kong ang sama ng tingin sayo ni Lei. Kaya ayun"

Ahhh kaya pala

Tinanguan ko lang siya at pumikit.

"Pwede bang magmahal ng di nasasaktan?" Aba. Napamulat ako ng marinig ko siya.

"Pinagsasabi mo dyan?"

"Yung magmamahal ka lang tapos di ka masasaktan."

Umayos ako ng upo at humarap sakanya.

"Alam mo ang love ay kakambal ng pain. Walang meaning ang love kung wala ang pain." Sabi ko.

"Oh bakit? Pwede naman yun ha. Nagmamahalan lang kayo. Walang away, hirap, sakit at luha" naks llim naman nito.

" Hindi love ang tawag dun. Kasi kung nagmamahalan talaga, kahit anong klaseng sakit pa yan, madadaanan niyo yan kung nagmamahalan kayo" explain ko.

"Magmahal ka ng taong kahit nasasaktan mo na siya, andyan parin siya na patuloy kang minamahal." Dagdag ko.

"Nahanap ko na siya eh. Tumakbo lang siya." Sabi ni Keiji sabay tingin sakin.

Nakatingin lang ako sakanya hanggang magsalita siya muli.

"Tinakbuhan niya ang love. Ngayon, Love will catch her."
Sabi niya

"Baka naman natatakot lang siya" sabi ko.

"Hindi ha. Ang tapang kaya niya. Pero baka nga. Sa kamatayan hindi siya takot samantalang sa pagibig naduduwag siya." Tugon niya.

Natulala na lang ako. Sino kaya yung sinasabi nito.

"Tara na baka malate tayo" aya niya sakin. Sumunod na lang ako pero pareho kaming natigilan sa nakita naming dalawa.

Si Justin, nakahiga habang nakapikit ang mata at may dugo sa balikat

Catch me if you canTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon