Zack's POV
Naglalakad ako nang marinig ko ang pagsigaw ng isang pamilyar na malakas na boses.
"SOFIA!" napalingon ako sa pinangalingan ng sigaw.
Pagtingin ko ay hindi nga ako nagkamali. Ang step sister ko ngang si Aika.
Lumapit ako sa mga nagtipon-tipong mga tao. Humawan silang lahat at nagbigay ng daan para saakin.
Pagdating ko sa kinaroroonan ni Aika ay mayroong nakahandusay na babae.
Napatingin saakin si Aika.
"Titignan mo lamang ba siya o tutulungan?" Sabi niya habang ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo at buhatin ang babaeng nakahandusay. Anong magagawa ko? Gumamit na ng desperadang tingin ang kapatid ko.
Napasinghap ang lahat ng tao sa ginawa ko. Well as always wala akong pakialam. Nakakagulat ba dahil first time akong tumulong sa isang babae? At sa hindi ko pa kilala. Psh. Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Tsk. Minsan kasi tinotopak ako eh!
Sumunod naman saakin si Aika. Bakit ang gaan nito? Hindi ata ito kumakain eh! Teka! Pakilam ko ba?
Nakakalahati palamang kami ng paglalakad papuntang clinic ay nanghihina na ako. Anong nangyayari? Ang gaan nga niya eh! Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Minadali ko na ang aking paglalakad. Pagdating sa clinic ay ibinaba ko agad siya.
Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito. Bakit ganito? Aish!
Lumabas na ako ng clinic at aalis na sana nang bigla akong tawagin ni Aika.
"Zack!" Lumingon ako sakanya.
Ngumiti siya "Salamat ha?" Tumango nalang ako bilang sagot.
Pumunta ako sa loob ng dorm ko. Hindi nalang ako papasok sa klase ko. Ansama ng pakiramdam ko eh!
Irah's POV
Ouch! Angsakit ng katawan ko. Ansama ng pakiramdam ko. Ano bang nangyari?
Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Yhenna.
"Ui gising ka na pala! Anong pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?" Tanong niya.
"Hmm. Ok lang ako. Medyo masakit lang ang katawan ko. Ano bang nangyari?" Sabi ko habang dahan-dahang umuupo.
"Sabi ni Aika nahimatay ka daw. Sabi din ng nurse na inaapoy ka ng lagnat. Grabe nga daw yung temperatura ng katawan mo eh! Ngayon lang daw siya nakakita ng ganun kataas na temperatura. Sigurado ka bang okay ka lang?" Mahabang sabi niya.
"Hmm. Medyo masama lang ang pakiramdam ko bukod doon ay wala na." Sabi ko at nilibot ang paningin sa buong kwarto. Nasa clinic pala ako, hindi ko pa mapapansin kung hindi sinabi ni Yhenna.
Tumango naman siya. "May dala nga pala akong prutas. Alam ko kasing hindi ka pa kumakain simula kanina. Kain ka na!" Sabi niya sabay ngiti. Bakit parang may nakikita akong lungkot sa ngiti niya?
"Salamat ha? Napakabuti mong kaibigan." Sabi ko sabay ngiti.
Papunta kami ngayon sa cafetiere. At kasama namin ngayon ang hyper na si Aika.
Daldal lang siya nang daldal tapos tawa naman nang tawa si Reinne. Haaay! OP ako. Wala ako sa mood eh!
Napatigil kami sa paglalakad nang makita naming makakasalubong namin yung grupo nung step brother ni Aika.
Tumigil sila sa harapan namin.
"Hi step brother! ^___^" masayang bati ni Aika. Ano kayang tinetake na vitamins nitong si Aika at palaging high? HAHAHA.
Hindi siya pinansin ng kapatid niya at sa halip ay sakin tumingin. Nashookt naman ako.
Bakit ako? Anong ginawa ko?
Nakakatakot talaga siya. Ano kayang kapangyarihan niya? Mangangain ng tao? Waaah!
"Ikaw! Anong charm mo?" Tanong niya. Ako ba kausap nito? Bigla akong kinabahan. Omo! Lord help me po please. Ayoko pong mabuko sa harap ng maraming students.
Tinuro ko yung sarili ko. "A-a-a-ko po b-b-a?" Tanong ko at lumingon pa sa likod ko, baka kasi may iba siyang kausap, hehe.
Tumango siya. Anong sasabihin ko? Wala ako nun eh! T_T
Napatingin ako kila Yhenna at Reinne. Binigyan ko sila ng anong-sasabihin-ko?-look. Halatang kinakabahan din sila.
"Ah kuya--"
"Ano to?" Nagulat kami nang may magsalita sa likod namin.
Napalingon ako at dun ay nakita ko si Kuya. Thank you kuya! Youre my hero.
Nagtitigan si sungit at si Kuya. Bat ba palagi silang ganyan? Anlaki ng topak ng mga to.
Maya-maya ay lumingon sa akin si kuya . "Go ahead! Baka malate ka sa klase mo." Sabi niya at saka binalik ang paningin sa nasa harapan niya.
Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy kami sa aming paglalakad.
Actually, kakabreak time lang namin. Hindi ko lang masabi kay kuya kasi baka mapahiya siya, hehe.
"Bakit parang close kayo ni Saimon? Magkakilala ba kayo?" Tanong bigla ni Aika na kumapit pa sa brasok kom
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Dapat ko nabang ipaalam sakanila na kapatid ko siya? Pero hindi ko pa alam kung anong meron sa eskwelahang ito. Baka mapahamak si kuya kapag nalaman nilang magkapatid kami.
"Ahm. Nagkakilala na kasi kami sa ano. Sa labas ng school." Sabi ko sabay ngiti.
Tumango nalang sila. Pero parang si Yhenna hindi ko nakumbinsi. Nakakunot kasi yung noo niya eh! I know I'm not good in this. Di ako marunong magsinungaling eh!
*END OF ENCHANT 7*
YOU ARE READING
Enchanted Academy (Completed)
FantasySofia Kashmira Ross is a normal teenage student not until she found out about ENCHANTED ACADEMY, the school of magic.