Irah's POV
"Haaay!" Nagbuntong hininga nanaman ako.
Sobrang nabobored ako dito sa loob ng clinic. Kanina pa akong nakikipagtitigan sa kisame. Pero shempre talo ako.
Bat kasi ayaw akong dalawin ng antok? At bakit kasi ayaw pa akong paalisin ng nurse dito? Sabi niya kasi magstay muna daw ako dito hanggang bukas.
At dahil nga kahapon ng umaga hanggang kaninang tanghali ang tulog ko. Wala na akong maitulog.
Makalabas na nga lang.
Sinuot ko ang salamin ko at naghanap ng flashlight.
Nang makakita ako ay dahan-dahan akong lumabas.
Nagulat ako nang may tumama sa ulo ko.
Paglingon ko ay nakita ko ang isang Thinkerbell. Yung kulay blue ang pakpak at damit? Tanda niyo pa? Basta nung unang araw ko pa lang dito.
Kumaway siya sa akin. Kaya kumaway din ako sa kanya. Ang cute niya naman.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ba ako pero tinry ko nalang.Hindi siya umimik at lumipad na palayo. Sumunod ako sa kanya.
Sinusundan ko lang siya nang mapagtanto na sa library pala ang aming punta.
Tumigil siya kaya napatigil ako.
Nakita kong may papalabas sa library kaya napatago ako.
Parang pamilyar sa akin yung babae na lumabas. Sinundan ko siya ng tingin.
Nagpalinga-linga siya na wari mo'y may tinitignan.
Nang mapaharap siya sa gawi namin ay napatago ulit ako.
Pero nakita ko ang mukha niya at hindi ako pwedeng magkamali.
Si Yhenna yun. Anong ginagawa niya sa labas? At anong ginawa niya sa library?
Susundan ko na sana sjya nang may humawak sa braso ko.
Napalingon ako sa likod ko ng nanlalaki ang mata. Si Jacob lang pala. Napahinga ako ng maluwag.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah! Bat nasa labas ka pa?" Tanong niya.
"Ahm. Ano kasi--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko nang biglang higitin ng maliit na nilalang ang damit ko.
Parang sinasabi niyang sundan ko siya. Kaya sinundan ko siya.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.
Pumasok siya sa library . Susundan ko na sana siya nang may magsalita sa likod ko.
"Nandito ka lang pala batang babaeng Ross." Buong-buong sabi nung nasa likod ko.
Napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako dahil ang dami nila. Puro nakahood. Yung katulad nung mga gustong kumuha sa akin dati.
Anong kailangan nila?
Pinakita ko sa kanila na hindi ako natatakot.
"Batang babaeng Ross?" Tanong ko. "Ako ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ko pa ulit.
"Sino pa ba ang Ross dito?" Sabi nung isa.
"Malay ko. Ikaw ba ang Ross?" Tanong ko duon sa isang lalaki.
Halata ko namang gustong magface palm nung parang leader. Sana magwork. *cross finger*
"Wag mo nga kaming pinagloloko. Alam kong ikaw ang batang Ross." Sabi nung leader.
E alam naman pala nila eh!
"Anong kaylangan niyo sa kanya?" Biglang sulpot ni Jacob.
Andito pa pala to?
"Wag kang makialam bata." Sabi nung isa na lalapit na sana sa amin.
"Dadaan muna kayo sa akin bago niyo siya makuha." Sabi ni Jacob at nilagay pa ako sa likod niya.
Nako naman! Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon ay kinilig na ako. Ay ang landi~~
"Wala akong oras para makipaglaro sayo bata. Sige kunin niyo na ang batang Ross." Sabi nung leader.
"Irah tumakbo ka na." Bulong ni Jacob.
Pero paano siya?
Nang hindi pa ako umaalis ay itinulak niya ako ng bahagya.
"Okay lang ako." Sabi niya at nginitian ako.
Dapat lang no! Ayokong mabawasan ang adonis sa mundo nang dahil sa akin. Gusto kong sabihin yan kaso nanganganib na ang buhay ko kaya tumakbo na ako.
Takbo lang ako ng takbo at shempre may humahabol. Tatakbo ba ako kung wala?
Nagulat ako nang may humigit sa kamay ko at nagtakip sa bunganga ko. Nakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam.
Nagpumiglas ako. Ito na po ba ang katapusan ko? Ayoko pa po. Hindi pa ako nakakapagpaalam sa Daddy ko, kay kuya, sa mga kaibi---
"Stop! Will you?" Mahina pero matigas na sabi nung may hawak sa akin.
Napatigil ako sa pagpupumiglas. Pamilyar yung boses.
"Ako ito, si Zack." Ah kaya pala nanghihina ako.
Nang makalagpas ang mga nakahood sa may gawi namin ay binitiwan na niya ako.
Humarap ako sa kanya at siya naman ay tumitingin pa rin sa paligid kung nandoon pa ang mga nakahood.
"S-salamat." Nahihiyang sabi ko.
Tinanguan niya lang ako. Kinabahan ako nang maalala ko si Jacob. Oo nga pala. Mag-isa lang siya.
"Teka si Jacob pala." Sabi ko at akmang tatakbo na ng bigla niya akong pigilan.
Lumingon ako sa kanya ng may pagtataka.
"Sasamahan na kita." Sabi niya tapos hinawakan niya yung wrist ko.
Tumungo na kami papunta doon sa pinag-iwanan ko kay Jacob.
Nakita ko ang panghihina ni Jacob dahil siguro sa pagpapahirap ng mga nakahood.
Tatakbo na sana ako duon nang bigla akong pigilan ng katabi ko.
"Gusto mo bang mapahamak ka? Ako na lamang ang lalapit. Dito ka nalang." Sabi niya. Tumango ako.
Aalis na sana siya nang hawakan ko ang kanyang braso.
Napatingin naman siya sa akin ng nakakunot ang noo. Halatang naiirita na siya pero kahit ganon ay gwapo pa rin siya.
"What?" Iritadong tanong niya.
"Ahm. Mag-ingat ka." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
Ginulo niya muna ang buhok ko tapos tumalikod na.
Tumingin ako sa kanya at kahit nakatalikod siya ay hindi na kalagpas sa paningin ko ang pagngiti niya.
*END OF ENCHANT 17*
YOU ARE READING
Enchanted Academy (Completed)
FantasySofia Kashmira Ross is a normal teenage student not until she found out about ENCHANTED ACADEMY, the school of magic.